09. Scared

9.3K 254 14
                                    

Nakatitig lang ako sa dalawa habang natutulog sila. Sobrang magulo ang isipan ko. Bakit nagawa iyon sa akin? Sinamantala pa talaga ang pagkakataon. Sino sa kanilang dalawa? Natatakot na ako sa kanila. Bumangon ako at gumuhit ang kirot doon.

Gusto ko ng maiyak pero alam kong walang magagawa ang pag iyak ko. Hindi naman ako babae. Kailangan kong magpanggap na walang nangyari. Kailangan mahuli ko kung sino sa kanilang dalawa ang bumaboy sa akin.

Sa isang iglap ay nagbago ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pero hindi ako dapat magpatalo sa damdamin ko,baka mahalata nila ako at hindi ko pa malaman kung sino ang bumaboy sa akin. Sa ngayon ay sosolohin ko muna ito.

Umihip ang hangin. Napatingin ako sa beranda,bukas ito. Kaya lumapit ako at isinara ito saka ako pumasok sa banyo para maligo. Gusto kong pag nagising silang dalawa ay wala na ako. Maaga pa naman kaya siguradong hindi pa sila magigising.

Matapos maligo ay dali dali akong nagbihis at umalis.

Ngayon,san ako pupunta at magpapalipas ng oras? I need to think of a reason para may isasagot ako kina Mama at Papa pag umuwi ako. Bahala na nga.

Paglabas sa subdivision ay sumakay na ako ng taxi. Sa isang arcade muna ako. Pagdating doon ay dumiretso ako sa loob.

"Mukhang talagang pinagtatagpo tayo ng tadhana." sabi ng pamilyar na boses sa likod ko.

"Prijie!" sabi ko ng lingunin ito. Naka cap sya,white sando at shorts,may nakasalpak na earphone sa kabila nyang tenga.

"Ang aga mo naman dito sa arcade? Wala ka bang klase?" nakangiting sabi nito at mas lumapit pa.

"Tinatamad ako eh. Ikaw,anong ginagawa mo dito?" ang sagot at tanong ko. Napasinghap ako dahil sa bango nya.

"Katatapos ko lang mag jogging at naisip ko na maglaro muna,at ito nga,nakita kita. Napaka swerte ko naman talaga." aniya at kumindat. Nakaramdam tuloy ako ng hiya sa lantaran nyang pakikipag flirt sa akin.

"Ah ganon ba? Mamaya ay uuwi na din ako." ang sabi ko at tiningnan ang paligid. Pinagtitinginan kami,lalo na ng mga babae. Sa totoo lang hindi ko sila masisisi,ang gwapo naman kasi ni Prijie.

"Yup. Kumain ka na ba? Kain muna tayo,nagutom ako sa pag jog eh." aniya at bigla akong hinila palabas.

"Mamaya na lang ako kakain pag uwi ko." sabi ko ng makalabas kami.

"I don't accept No for an answer Laxmi. Diba nga,Im courting you?" malambing nyang sabi at tiningnan ako. Ang bigat ng tingin nya,napaka lagkit at hindi ko kayang tapatan kaya nag iwas ako agad ng tingin.

"Ikaw ang bahala."

"Youre so adorable. Tara may malapit na kainan dito." aniya at naglakad na hawak hawak pa din ako.

"Prijie? Taga dito ka ba?" ang tanong ko habang naglalakad kami.

"Taga kabilang subdivision ako. Pero mas gusto kong pumupunta dito." ang sagot nya. Hindi na ako umimik dahil wala na akong masabi. Muli na namang lumipad ang isipan ko sa nangyari kagabi.

Sa isang Tapsilogan nya ako dinala. Naamoy ko pa lang ang niluluto ay natakam na ako.

"So san ka after this? Ako,uuwi at papasok." aniya ng nagsisimula na kaming kumain.

"Uuwi? I don't know." ang sagot ko kaya tinitigan nya ako. Hindi ko maintindihan,kumalabog ang dibdib ko. Natatakot ba ako sa kanya? Pero wala naman syang ginagawang masama sa akin.

"May problema ba Laxmi? Maybe I can help you?"

"W-wala. Im okay. Kumain na lang tayo para pareho na tayong makauwi." ang sabi ko na lang at tumutok na sa pagkain.

Ispirito Sa Parola (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon