16. Pagbabalik sa Parola!

8.9K 268 16
                                    

Biglang pumasok sa isip ko si Goddess kaya kumawala ako sa yakap. Nakaramdam din ako ng matinding hiya,were not even close para yakapin ko sya.

Pero shet,bakit ganito na lang ang pagtambol ng puso ko? Mas malakas pa kesa sa dati.

"Im sorry." ani Krew.

"Its okay." at pinahid ko ang luha ko. Napaka awkward bigla ng sitwasyon.

"Tara na sa tropa,kanina ka pa nila hinahanap." aniya at naunang naglakad palabas. Sumunod ako. Bago ako tuluyang makalayo ay nilingon ko ang lumang building.

Hinding hindi kita mapapatawad Prijie.

Sa di kalayuan ay nakita naming tumatakbo palapit sa amin ang tropa. Huminga ako ng malalim,imposibleng hindi nila alam ang nangyari.

"Fuck! Mapapatay ko yon!" ani Bullet na galit na galit ng ikwento ko sa kanilang lahat ang nangyari.

"Ano? Gaganti ba tayo?" ani Yeobo na nagpapatunog na ng kamao.

"No use. Malaking grupo sila. Mabilis tumalbog pabalik ang karma." sabat naman ni Kopi. Kaya pala sila text ng text at tawag ng tawag ay para mapigilan na mangyari iyon,kasalanan ko din dahil hindi ko pinansin.

"Its okay. Atleast natuto ako. Masakit,sobrang sakit pero alam kong kakayanin ko naman ito." ani ko at pinunasan ang luhang kumawala. Niyakap ako ni Majo.

"Nandito lang kami Lax. Pasensya na kung napressure ka namin." ani Majo.

"Alam na namin ang lahat,sinabi ni Bullet." sabi naman ni Beauty.

"And we learned na hindi dapat kami nakikialam sa lovelife mo." dagdag pa ni Maiden.

"Ano ba kayo? Malalampasan ko din ito. Alam nyong hindi ako malungkuting tao. I'll get over this soon." sabi ko at ngumiti sa kanilang lahat. Nag thumbs up si Bullet at nakatitig pa din naman sa akin si Krew.

"Basta,nandito ako para sayo." sabi ni Krew,tumingin sa kanya ang tropa. "I mean,nandito kami para sayo."

"Salamat." ani ko at ngumiti. Halata namang nagtataka ang tropa.

"Anong balak sa sem break?" tanong ni Yeobo.

"Pagkatapos ng exam bukas,diretso ako sa Batangas. Sumunod kayo kung gusto nyo." ang sabi ko. Nag ngitian sila at mukhang nagustuhan ang ibinigay kong idea.

Yun ang tanging paraan para makalayo at makalimot kay Prijie at sa mga ginawa nya. At gusto ko,kung muli kaming magkakaharap ay matatag na ako.

"Ihatid na kita. Wala na din akong klase." ang sabi ni Bullet at lumapit na.

"Mabuti pa nga,susunduin ko pa si Goddess." ani Krew at naglakad na palayo. Ewan ko,bakit parang nakaramdam ako ng kirot ng binanggit nya si Goddess?

Hinatid nga ako ni Bullet,at wala kaming ibang pinag usapan kundi ang planong bakasyon. Kung bukas daw ang alis ko,baka after one week daw sila sumunod ni Majo dahil umalis daw ang Landlord nila at hindi sila pwedeng umalis ng hindi nagbabayad ng upa ni Krew. At kung bakit sa kanila sasabay si Majo ay hindi ko na inalam.

Kinabukasan ay maaga akong natapos mag smile. Bakit hindi? Kahapon pagkauwi ko nagsimula akong mag review at natapos ako 3AM,kaya hindi na nawala sa utak ko yung mga nireview ko.

Agad din akong umuwi,hindi na ako nagpaalam sa tropa dahil alam na naman nila. Agad na akong nag impake,as usual hindi ako maihahatid nina Mama at Papa,susunod na lang din daw sila.

Dumiretso na ako sa terminal ng mga Van. Hindi na uso ang bus. Naghihintay ako ng van na babyahe papuntang Lian Batangas ng may matanaw akong palapit sa akin na sadyang ikinalaki ng mga mata ko.

Ispirito Sa Parola (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon