Niyaya ko ng bumalik sa bahay si Krew dahil alas singko na. Baka nasa bahay na sina Lolo at Lola. At saka medyo awkward kanina eh.
Pag uwi namin ay naabutan namin sa kusina sina Lolo at Lola kasama si Aling Patring,nagluluto sila ng hapunan pero akala mo may birthday.
"Lo,La,Aling Patring,si Krew po,nauna lang syang sumama pero susunod din ang iba naming tropa,nandito din sya nung birthday ko." ang agad kong pakilala.
"Magandang hapon po." at nag mano si Krew sa mga ito.
"Naitawag nga sa amin kaya nagpunta kami ng Lola mo sa Balayan para mamili." ani Lolo matapos sabihan ng 'kaawaan ka ng Diyos' si Krew.
"Siya ba'y kasintahan mo apo? Napaka gwapo eh!" ani Lola na may kasama pang pagpalakpaka. Napabungisngis si Aling Patring,napailing si Lolo at ako paniguradong namumula.
"La! May girlfriend po sya!" ani ko at nagtawanan sila. Nakangiti lang si Krew,ni hindi man lang nagprotesta.
"Ay siya! Dun na muna kayo sa living room. Tapusin muna namin ang pagluluto." ang pagtataboy ng mga ito sa amin.
"Mukhang gusto nila ako para sayo ah?" ani Krew kaya nilingon ko. Ano ba nangyayari sa kanya?
"Huy! Mahiya ka sa girlfriend mo." sabi ko at binuksan ang tv. Naupo ako sa sofa at tumabi sya.
"Biro lang! Masyado kang seryoso. Gusto ko lang naman tuluyan ng tanggalin ang pader sa pagitan nating dalawa na ako mismo ang gumawa." aniya na talagang nakakuha ng atensyon ko.
Maging ako ay nagtaka dahil biglang hindi sya namansin dati at naging suplado. Kaya nga siguro yung paghanga ko sa kagwapuhan nya ay biglang naglaho.
"Bakit ka nga ba naging suplado bigla? Okay naman tayo nung nagkakilala tayo sa Parola ah?" curious ko ding tanong.
"Pag sinabi ko ngayon,gugulo lang. Sa tamang panahon na lang pag naayos ko na ang mga dapat ayusin,Lax. Sa ngayon gusto kong magsimula tayo at bumawi sa mga kagaspangan ko dati." seryoso nyang sabi. Kahit hindi ko makuha ang gusto nyang iparating ay nginitian ko sya.
"Nakabawi ka na. Yung mga panahong pinagbabawalan mo akong lumapit kay Prijie,malaki maitutulong nun,sadyang tanga lang ako at hindi nakinig." ani ko. Siguro kung nung una pa lang nakinig na ako ay hindi ako hahantong sa ganon. Pero tapos na iyon,natuto ako sa pagkakamaling iyon.
"Mahal mo ba talaga siya?" seryoso pa din nyang tanong. Hindi ko na tuloy maintindihan ang palabas sa Tv.
"Hindi ko naman sya minahal eh. Infatuation lang siguro yon. Hindi ko agad narealized. Nang araw na nakita mo ako sa lumang building at nalaman kong ginamit nya lang ako para makapasok sa grupong iyon,hindi ako umiyak dahil nasaktan ako. Umiyak ako,dahil nagtiwala ako sa kanya,tas aaminin nyang sya din pala ang bumaboy sa akin." mahaba kong sagot,hindi ko na namalayang tumulo na pala ang mga luha ko.
"B-binaboy? P-paano?" ang gulat na tanong ni Krew. Lumingon ako sa kusina. Gusto kong may mapaglabasan ng mga naipon kong hinanakit,at ito ang tamang panahon,at sa tamang tao.
Pinatay ko ang Tv at tumayo ako. Naglakad ako papunta sa kwarto ko at sumunod si Krew.
"Laxmi,anong ibig mong sabihin?" ang nag aalala nyang tanong ng makapasok na kami sa kwarto ko.
Naupo ako sa kama,nanatili sya sa pintuan. Huminga ako ng malalim at inilahad sa kanya ang lahat lahat. Hanggang sa maramdaman ko na lamang na yakap yakap na nya ako.
"Pero magiging okay din ako. Kaya nga ako nagbakasyon." ang sabi ko habang nakayakap pa din si Krew sa akin. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa yakap nya. Yung puso ko parang tinatambol bigla,kaya kumalas ako sa yakap dahil baka maramdaman nya ang pagkalabog ng dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Ispirito Sa Parola (boyxboy) - COMPLETED!
JugendliteraturBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE - Kaka-graduate pa lamang ni Laxmi Buenviaje ng Grade Twelve at naisipan nyang mag bakasyon sa Lolo at Lola nya sa Lian Batangas. Malapit ito sa dagat na kinalakihan nya noon at paborito din nyang puntahan ang lumang Parola...