Chapter 6 Sad

8.1K 133 0
                                    

CINDY POV

Ito na naman ang araw na magiging malungkot na naman ako.

Si kuya carlo babalik na ulit sa kanyang trabaho, ito na naman ako mag isa na naman.

Sobra kong mamiss ang kuya carlo ko.

Sa bahay.

Kakahatid lang namin kay kuya, at ito kaming talaga na lang ni jona sa bahay.

Mga 10 to 12 months si kuya sa barko, hayy ang tagal.

"nagugutom ka ba cindy, gusto mo magluto ako" - tanong ni jona

"hindi ako gutom, salamat" - matamlay kong sagot sa kanya.

At dumirestyo na sa kwarto ko.

Ganito ako kalungkot mag aalis ang kuya. Matamlay walang ganang kumain higit sa lahat nagkukulong sa kwarto ko.

Ilang araw na akong ganito simula nung umalis si kuya carlo.

Paggaling sa school diretsyo sa kwarto at natutulog na.

Isang araw galing sa school.

"cindy kumain ka na muna bago ka matulog" - si jona sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"wala akong gana" - sigaw ko.

"hindi naman pwedeng lagi ka na lang walang gana, magkakasakit ka niyan eh! sige na lumabas kana dyan sabayan mo ako mag dinner" - pilit niya sakin.

"ayoko talaga"- sigaw ko ulit.

"nagluto pa naman ako ng pansit, di ba favorite mo yun" - jona.

Binuksan ko yung pinto.

"pansit" - ako

"oo pansit, kaya bumaba ka na dyan at sabayan mo ako kumain" - ngiting saad niya.

Hayy nako cindy pansit lang pala ang magpapakain sayo ( sabi ni utak )

Sa School.

Habang nagtuturo ang prof namin ako ito tulala nakatingin sa kawalan, hanggang ngayon kasi nalulungkot pa rin sa pag alis ni kuya carlo. Hayy kelan na naman kaya ako ganito.

Cafeteria.

"napipipi ka na naman dyan cindy" - si abby.

"uyy" - tinapik ako ni lea sa braso.

"ha! ano yun" - matamlay kong saad.

"kinakausap ka kaya ni abby haler" - si lea.

Tumingin ako kay abby.

"ano yun abby, may sinasabi ka ba" - tanong ko dito.

"wala! ang sabi ko napipipi kana dyan, masyado ka kasing tahimik kahit kanina pa sa klas ang tahimik mo" - saad ni abby.

"sorry, may iniisip lang kasi ako" - manumanay kong sagot.

"iniisip, wag mong sabihin si jona na naman" - lea

"hindi si kuya, namimiss ko na kasi si kuya carlo" - paliwanag ko.

"hayy nako cindy, yang kuya mo for sure ayos lang siya" - lea

"oo nga ayos lang kuya mo kung nasaan man siya, wag kana masyadong mag alala sa kanya" - singit ni abby.

Tama sila ayos lang ang kuya. Pero syempre hindi ko pa rin mapigilan ang malungkot lalo na ang mag alala no. Masyado kayang maalon sa barko.

Paglabas ko ng campus.

"cindy diba girlfriend ng kuya mo yun" ( si abby napatingin ako gawi kung saan siya nakatingin )

"anong ginawa niya dito cindy" - si abby pa rin.

"hindi ko alam" - yun lang ang nasagot ko.

Palapit na si jona sa kinatatayuan namin.

"hi" - ngiting sabi niya.

"anong ginawa mo dito" - tanong ko.

"sabi kasi ng kuya mo, paminsan minsan lumabas naman daw tayo, kaya ito sinundo kita kasi gusto ko sanang yayain kang magmall" - paliwanag ni jona.

Nagtinginan kami ni abby.

"kung wala ka ng gagawin" - singit niya.

"sige" - yun lang nasabi ko.

"okay, so tara" - nakangiting yaya niya.

Nagpaalam muna ako kay abby, sinabi ko rin sabihin kay lea na mauuna na ako nasa library kasi siya.

Nagbiyahe kami papuntang mall.
Naglibot- libot kami, tapos bumili na rin ako ng damit ko.
Kumain kami. Tapos nag arcade na din.

Sa ginawa naming ito ni jona nakalimutan ko yung lungkot.
Masaya pala siyang kasama at ito pa magaan pala siyang kasama.

Sa bahay.

"nag enjoy ka ba cindy" - tanong niya.

"oo, kahit paano gumaan yung pakiramdam ko" ( nginitian ko siya ) "salamat ah" - sabi ko.

"wala yun" ( nginitian din niya ako ) " next time ulit ah" - saad niya.

Ngumiti lang ako sa kanya at nagtungo na sa kwarto ko.

Ang haba ng gabi ko. Sarap matulog sa malambot kong kama.

Sana next time nalalabas ulit kami. Mas komportable na ako sa kanya.

-----------------------------------

My Kuya's Live in Partner ( GirlxGirl )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon