Pag uwi ko ng bahay. Nadatnan ko si Kuya pati na rin ang girlfriend niya, na naghaharutan sa salas.
"nandyan ka na pala cindy" - si kuya carlo
"hi cindy" - bati ni Jona
Si Jona ang girlfriend ng kuya carlo ko. Si Jona'ng laging nakakapit sa kuya ko, porket kakadating lang. (Hay naku)
"hi" - bati ko din (sabay talikod)
"cindy bumababa ka agad pagkatapos mong magbihis, nagluto si jona" - habol ni kuya.
"okay" - yan nalang ang nasabi ko.
Yung totoo ayoko kay jona simula palang, kasi naman nung naging sila ni kuya lagi na lang ako naiiwan dito sa bahay, lagi silang lumalabas. Wala na rin kaming bonding na matino ni kuya. Pag lumalabas kami ni kuya, lagi siyang natawag syempre ako naiinis bonding nga namin ni kuya yun tapos tatawag siya. (Nakakainis Di ba).
Dinner
"masarap ba hon" - tanong ni jona kay kuya.
"oo naman masarap, pwede ka ng mag-asawa hon" - nakangiting sabi ni kuya.
Masarap anong kinasarap ng luto mo, mas masarap pa ang luto ko sayo eh!( Sabi ng isip ko)
"kamusta cindy masarap ba" - tanong ni jona.
Tinaas ko ang isang kilay ko (meaning oo ang sagot ko) sabay subo ng kanin.
Pagkatapos naming kumain ako na ang naghugas ng pinagkainan naming tatlo.
"tulungan na kita" - alok ni jona
"wag na ako na" - Ako
"sige na tulungan na kita" - pamimilit niya.
"ako na sabi" (cold voice) "konti lang naman toh, sige na balik ka na kay kuya" - Ako
"sige" - jona ( sabay smile sakin)
Smile Smile pa nalalaman (sa isip ko)
Umaakyat na ako ng kwarto ko. Dahil ayoko ng makita ang paglalandian ng dalawa. Naiinis lang ako.
Ginawa ko lang ang mga assignment's ko. Habang nag sasound-trip..
Kinabukasan..
Maaga ako nagising dahil na rin sa alarm ko. Bumangon at niligpit ko ang kama ko at kinuha ang tuwalya ko sa may likod ng pinto. Paglabas ko ng kwarto diretsyo na ko ng banyo para maligo. Nung pagbukas ko ng pinto ng banyo, nagulat ako ng may tao na naliligo.
"ikaw pala cindy" - si jona naliligo, walang damit.
"hindi ka pa umuuwi simula kagabi" - inis sabi ko.
"hindi na ko pinauwi ng kuya mo gabi na daw kasi kaya dito nalang nya ko pinatulog" - nakasmile nyang sabi. "maliligo ka na ba, gusto mo sabay na tayo" - dagdag nya.
"hindi na, magtapos ka na lang dyan." - taray kong sabi.
Biglang sara ng pinto at diretsyo ulit sa kwarto ko.
"anong nangyayari sakin bakit ang bilis ng tibok ng puso ko" - sabay hawak sa dibdib ko.
"kasalanan ng babaeng yun, ginulat ako" - (sabi ng isip ko.)Malipas ang ilang minuto, lumabas na ulit ako ng kwarto dumiretsyo na sa banyo, naligo at nag ayos na ako ng sarili para pumasok.
-------------------------
Naglalakad na ako ng hallway, ng biglang naalala ko ang nangyari kanina. Yung nakita kong hubot hubad si jona na naliligo sa banyo namin. Nang maalala ko yun, ito naman ang puso ko ang bilis na naman ng tibok (hala baka may hika na ko.choss.)
BINABASA MO ANG
My Kuya's Live in Partner ( GirlxGirl )
Short StoryMamahalin mo ba ang babaeng gusto mo, kung ito ay pagmamay-ari na ng iba. At paano mo sasabihin sa kapatid mo. Ang taong mahal mo, ay ang taong mahal niya. Mapapatawad mo kaya ang sarili mo kung ang sarili mong kapatid ay nagawa mong pagtaksilan. ...