Chapter 1 Cindy POV

15.3K 199 3
                                    

Umaga na pala nang nagising ako, napuyat kasi ako sa kaka-aral kagabi paano ba naman may Long quiz kami ngayon sa tatlo naming subject.

"cindy gising na baka malate ka pa sa unang klase mo" sigaw ni kuya Carlo

Bumangon na ako at dumiretsyo nang CR para maligo, wala pang 15mins tapos na rin ako sa pagligo ko, nagbihis at bumababa sa papuntang dinning table.

"kuya good morning" bati ko kay kuya carlo salukuyang nag-aalmusal na.

"kumain ka na" nilagyan ni kuya ng itlog at kanin ang plato ko."pasensya kana kung yan lang yung nailuto ko, di kasi ako magaling magluto kagaya mo"

"okay lang yan kuya" ngiting sabi ko.

"anong oras ka na pala natulog kagabi ha!" tanong ni kuya.

"umaga na din" Ako.

"cindy sa susunod wag ka na msyadong magpaumaga para pag-aaral, mamaya nyan magkasakit ka pa" - alalang boses ni kuya.

"opo, kaya lang naman ako naumaga, may ginawa lang akong project mamaya na kasi yung submit" - sabay subo nang kanin na may kasamang itlog..

Nagmamadali na akong tumayo at uminom nang tubig.

"sige kuya alis na ako, baka malate ako e!" - sabay beso kay kuya ..

"mag-ingat ka, uwi agad ha?" - rinig kong habol na sabi ni kuya ..

Seaman ang kuya sa isang taon walong buwan siya sa barko. Simula nang nakatapos ang kuya at nakapag-trabaho na sa barko, siya na ang nagpa-aral sa akin. Pag wala ang kuya ang pinsan ko ang kasama ko sa bahay.

Wala na kaming mga magulang ni kuya. Ang daddy namatay sa sakit niyang Brain Cancer, Elementary palang ako, nang magkasakit na ang daddy, high school ako nung mawala na ang daddy sa amin..

Nang mawala ang daddy, sobrang nalungkot ang mommy, sa sobrang lungkot, ni hindi na kumakain ang mommy, laging nakakulong sa kwarto niya, at laging umiiyak.

Sobra talaga nalungkot ang mommy sa pagkawala ng daddy ..

FLASH BACK

May dala akong isang baso na may lamang gatas.. Dahan dahan kong binuksan ang pinto..

"mommy" nabitawan ko ang basong hawak kong nakita ko ang mommy nasa sahig na parang nawala ng malay "mommy?" sigaw ko, habang umiiyak na..

Lumapit ako kay mommy nakahiga sa sahig,, iyak ako ng iyak hindi ko alam ang gagawin ko..

"mommy, mommy" - hagulgol kong pag-iyak..

Maya-maya, dumating and kuya ..

"anong nangyari" habang tinitigan ni kuya ang pulso ng mommy "mom gumising ka" niyakap ni kuya si mommy, habang umiiyak at ginigising ito.. "mom, mom? mom" ..

Hindi na umabot ang mommy sa hospital,, nawala ang mommy sa amin ni kuya..

Pagkatapos ng burol ng mommy..

Nasa bahay kami, ako ito nasa kwarto ko, malungkot umiiyak sa pagkawala ng mommy..

"cindy" - si kuya, tumabi si kuya sa tabi ko.

"kuya wala na ang mommy, iniwan na din niya tayo" - niyakap ako ng kuya, at ako umiiyak..

"tahan na cindy, nandito pa ako, at pinangako ko sayo, gagawin ko ang lahat para sayo, hindi ka papabayan ng kuya pangako yan" - sabay halik ni kuya sa ulo ko.

END FLASH BACK

Kaya sobra ako nagpapasalamat sa kuya ko, kasi yung ipinangako niya sa akin noon, hanggang ngayon ginagawa niya..
Kaya ito siya ang nag-papaaral sa akin..

Here na pala ako sa tapat ng class room namin.

"hi lea" - ngiti kong sabi sa kanya.

"cindy hi" - siya.

"bakit nandito ka sa labas" - Ako

"hinihintay ka di ba obvious" - haha, oo nga naman ..

Si lea ang BFF ko simula nung high school pa kami hanggang ngayong nasa college na kami ito lagi pa ring magkasama.. Pareho ang course na kinuha naming dalawa HRM.. Yun kasi yung gusto ng mga magulang niya para sa kanya.

Itong kinuha kong course sarili kong kagustuhan, gusto ko kasing magtrabaho sa barko katulad ni kuya. At gusto ko ring makapunta sa ibat ibang bansa...

***************

My Kuya's Live in Partner ( GirlxGirl )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon