Chapter 12 Kuya is back

6.4K 88 2
                                    

Tumawag si carlo kay jona. Habang nag uusap sila by video call si cindy nasa sala at nakikinig sa usapan nila.

" may sasabihin ako sayo jona" - si carlo

" ano yun" - ngiting sagot ni jona

" next week uuwi na ako" - nagulat si jona sa sinabi ni carlo sa kanya.

" uuwi kana talaga" - pilit na ngiti ni jona.

Tumayo sa ikauupuan niya si cindy at lumapit kay jona.

" bunso" - ngiting sabi ni carlo sa kapatid

" kuya anong narinig kong uuwi kana" - si cindy

" oo bunso uuwi na ako next week" - sabi ni carlo

Nagtinginan sila jona at cindy. Bilang hinawakan ni jona ang kamay ni cindy sa ilalim ng lamesa na hindi nakikita ni carlo.

" wag niyo na akong sunduin may service kami, dapat susuprise ko kaya kaso na excite akong sabihin sa inyo kaya nasabi ko na rin" - masayang paliwanag ni carlo kena cindy at jona.

" sige, hihintayin namin yung pag uwi mo carlo" - jona

" sige sige, sige kailangan ko ng bumalik tapos na yung break ko, mag ingat kayo diyan ah" ( paalam ni carlo ) " bunso" ( napatingin si cindy sa laptop ) " next week uwi na ang kuya " - ngiting sabi niya.

" oo kuya, hintayin namin ang pag uwi mo ni ATE jona" - pilit na ngiti niya.

Ngumiti lang si carlo at nag end call na.

Tumayo si cindy at umupo sa sofa sa may sala.

Nilapitan si jona kay cindy.

" uuwi na si kuya" (malungkot na pagkasabi ni cindy ) " anong gagawin natin jona, uuwi na si kuya " - tanong niya

" sasabihin natin sa kuya mo, sasabihin natin sa kanya ang lahat magpapaliwanag tayo ng maayos" - jona

Tumingin si cindy kay jona.

" sa tingin mo ganun lang kadali yun, na sabihin kay kuya kung anong nangyayari sating dalawa ngayon" - cindy

" hindi, hindi madali pero kailangan nating sabihin sa kanya" - jona

" masasaktan si kuya, masasaktan siya" - paiyak iyak na sabi ni cindy

" oo masasaktan siya, pero mas magiging magaan ang sitwasyon kung tayo mismo ang pagsasabi sa kanya" ( hinawakan ni jona ang kamay ni cindy) " maghahanap tayo ng tamang oras para sabihin kay carlo, pero sa ngayon hindi muna lalo na parating palang siya at sabik pa siya sa ating dalawa" - paliwanag ni jona

Hinawakan ni jona ang magkabilang pisngi ni cindy at pinagdikit ang mga noo nila.

" magiging okay ang lahat, magiging okay" - pumatak ang mga luha ni cindy, sabay yakap ng mahigpit kay cindy.

Alam nilang pareho na hindi magiging madali ang mga gagawin nila. Kahit na sinasabi nilang magiging okay ang lahat. Nasasabi ni jona yun kay cindy para hindi na masyado nito mag isip pa.

Magiging mahirap at higit sa lahat magiging masakit sa kanilang lahat ang mga nangyayari. Lalo na para kay carlo.

-------------------------------------------

Ang araw ng pagdating ni carlo.

Pinaalam nila sa mga malalapit na kaibigan ni carlo na parating na ito, gusto nila jona at cindy na isupresa si carlo sa pagdating nito.

Pagbukas ng pinto ni carlo, bumungad sa kanya ang mga malalapit nitong mga kaibigan at sina jona at cindy.

" may pasupresa pa" - masayang sabi ni carlo

Lumapit si jona sa boyfriend nagyakapan silang dalawa at biniso ni carlo si jona.

" para sayo to" - sabi ni jona na nakaakbay si carlo dito.

" salamat, salamat " - ngiting sabi nito.

Lumapit si carlo kay cindy na nasa gilid lang.

" bunso, namiss kita" - ngiting sabi ni carlo sa kapatid.

" miss you kuya" - ngiting pilit ni cindy.

Niyakap ni carlo ang kapatid na sobrang miss niya.

Lumapit si jona sa dalawa.

" carlo kain na tayo alam kong nagutom ka sa byahe mo" - yaya ni jona sa nobyo.

" sige sige " - carlo

Niyaya ni carlo ang mga kaibigan para kumain.

Pansin ni jona na tahimik si cindy at walang kibo.

Habang masayang nagkukwentuhan si carlo at ang mga kaibigan nito, napansin ni carlo na wala ang kapatid.

" jona, si cindy na saan" - tanong ni carlo.

" saglit baka nasa kwarto" - jona

" tawagin mo nga, hindi pa yata kumakain yun" - carlo

Umakyat si jona at dumiretsyo sa kwarto ni cindy.

" hinahanap ka ng kuya mo" - jona

" sige susunod na ako" - matamlay nasabi ni cindy.

Umupo si jona sa tabi ni cindy sa kama nito.

" cindy wag mong ipakita sa kuya mo na may problema, please" - jona

" hindi ko alam" - litong sabi nito

" ipakita mo sakanya yung katulad dati, yung ikaw, yung gaano mo siya kamiss" - jona

Tumingin si cindy kay jona.

Hinawakan ni jona ang kamay ni cindy at tumayo na sila at lumabas na ng pinto.

Nakihalubilo na sila sa mga bisita nila.

---------------------------------------------

Sa sobrang pagod sa byahe ni carlo. Natulog na ito.  Sa himbing ng tulog nito bumangon si jona sa kama at dahan dahan lumabas ng kwarto para hindi magising si carlo at dumiretsyo sa kwarto ni cindy.

Kumatok ng mahina si jona sa pintuan ng kwarto ni cindy.

Binuksan ni cindy ang pinto. Nung binuksan niya ito pumasok si jona sa loob ng kwarto cindy.

" baka magising si kuya pag wala ka sa tabi niya" - mahinang sabi ni cindy.

" mahimbing yung tulog niya dahil sa pagod" - sagot ni jona

Niyakap ni jona si cindy.

Humiga sila sa kama ng magkayakap.

**********************************

Hanggang dito muna po ako sa pagsulat.

My Kuya's Live in Partner ( GirlxGirl )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon