Chapter 14 The proposal

5.4K 88 1
                                    

JONA POV

Nung oras na sabihin ni carlo sakin na uuwi na siya bigla akong napaisip ano na mangyayari sa amin ni cindy sa pagdating ni carlo siguradong maraming magbabago.

Nung araw na dumating si carlo sinurpresa namin siya kami ni cindy at ng mga malalapit niyang kaibigan para sa pagdating niya.

Nakita kong masayang masaya si carlo sa ginawa naming supresa sa kanya, syempre may lungkot samin ni cindy pero hindi namin pinahahalata yun, pero si Cindy halata sa mga mata at lalo na sa kilos niya ang lungkot at ang pagiging awkward.

Nangako ako sa kanya na, pagtama na ang panahon sasabihin na namin kay carlo ang lahat.

Sa ngayon kasi hindi pa tama ang oras lalo na kararating lang ni carlo at giliw pa siya sa aming dalawa ni cindy.

Naisipan ni carlo na magbakasyon namiss niya kasi ang mag outing kaya ako yung pinagpili niya na lugar na pupuntahan, napili ko sa puerto galera.

---------------------------------------------

PUERTO GALERA

Bago pa man ang masayang araw, nagsipuntahan muna kami sa mga kwarto namin.

Sila abby, lea at cindy ang pagkasama sa kwarto ako at si carlo kami ang pagkasama sa kwarto.

Umaga ng dumating kami ng puerto, nag ayos muna kami ng mga sarili bago kami mag almusal ng sabay sabay.

" ang ganda dito hon" - si carlo

" tama ka maganda nga talaga dito" - sabay tingin kay cindy na nasa tabi ko lang.

" cindy bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo, naliligo na sila dun" - carlo

" okay lang ako dito kuya" - cindy

Biglang lumapit si lea kay cindy.

" uyy cindy bakit ayaw mong mag swimming " - tanong ni lea sa kanya.

" mamaya nalang" - cindy

" anong mamaya pa" ( kinuha ni lea ang kamay ni cindy ) " tara na" - hinatak na niya ito at sumama na siya dito.

Kita namin ni carlo silang tatlo sa dagat na nag eenjoy, pero nahahalata kong laging tumitingin si cindy sa amin.

" may problema ba si cindy" - tanong ni carlo

" ah" - napatingin ako kay carlo

" para kasing wala siya sa mood mag outing, at tska napapansin ko parang may nagbago sa kanya" - carlo

Teka nahahalata na ba ni carlo, pero hindi pwede yun.

" wala naman siguro, baka sa init ng panahon kaya ganun yung napapansin mo" - sabi ko para hindi siya magtaka.

" hindi eh, may nagbago talaga sa kapatid ko" - taka niya

" paano mo naman nasabi" - sabi ko nalang

" nung kararating ko lang hindi siya lumapit sakin, eh pagkararating ko lang lagi siya yung nauunang lumapit sakin tapos kukunin na ang bag ko titignan kung ano pasalubong ko sakanya pero hindi niya ginawa yun, ito pa pag kinakausap ko siya o nagkuwento ako sa kanya sa mga nangyayari sakin sa barko hindi siya nakikinig, nagtatampo ba si cindy sakin hon" - paliwanag niya

" hindi, baka masama lang yung pakiramdam niya, oo tama sinabi niya sakin na masama pakiramdam niya nun kasi sobrang busy sila sa school ngayon" - palusot ko

" ganun ba, eh bakit hindi mo sinabi sakin

" hindi na niya pinasabi sayo baka kasi mag alala kapa, kararating mo lang daw kasi" - sabi ko

My Kuya's Live in Partner ( GirlxGirl )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon