“Class dismissed, See you next school year.”
Whoa! Bakasyon na! Lechugas! After 525,600 Minutes, Mararanasan ko na ang sarap ng mahigit 60 Days of Vacation. Kanya-kanya nang paalam ung ibang mga kaklase ko, Ung iba nga umiiyak pa, OA masyado psh.
Halos mapunit ang pisngi ko sa sobrang laki ng mga ngiti ko. Ang alam ko kasi magbabakasyon kami sa cebu, Un ang pagkakarinig ko sa usapan nila papa pero I’m not yet sure kung sa cebu, gusto naman kasi ng kapatid ko sa Baguio.
“Hi Ate.” Anong meron? Hindi ko maipinta ang kasiyahan ng kapatid ko ah.
“Saan ka pupunta?” Nakapang alis kasi s’ya at parang may pupuntahan.
“MAGBABAKASYON NA TAYOOOOO!” Hindi naman s’ya nakakabingi sa pagsigaw n’ya, sobrang nakakabingi lang -.-
Dumiretso ako sa kwarto ko pero nakaayos na lahat ng gamit ko, hindi naman sila prepared no? Hindi man lang ako ininform para naman nakabili ako ng mga pagkain. Tsk
“Matulog na kayo at maaga tayong gigising bukas.” Mabuti naman kung gan’on. Akala ko naman ngayon na kami aalis, oo as in ngayon -.-, palubog narin kasi ang araw baka ma traffic at gabihin ang punta namin do’on. Teka, Hindi ko pa alam kung saan ang punta namin. Tch
Bumaba ako ng kwarto ko at pumunta sa kwarto nila papa, pero nasawi ako dahil naka lock na ito, kumakatok ako pero hindi nila ako pinagbubuksan. Ung totoo? Tulog agad kayo? Ay buhay! makatulog na nga din-.-
Hindi ako makatulog, idunno why ibat-ibang style na ang ginagawa k—I mean pwesto pala. Wag nga kayong green, Nakakabuo na ako ng steps sa mga pinag-gagagawa ko makatulog lang pero hindi gumagana. Tch
*Vibrate.........vibrate*
Kinapa ko ung kama ko para mahanap ung phone ko, gabi na may nagtext padin? Sino naman kaya ‘to-.-
*You have new message*
From : 09*******66
“Magkikita na tayo.”
Huh? Ang weird, sino ‘to? Maybe wrong send? Wala akong load kaya hindi ko na nireplyan, wala rin akong balak na i-entertain baka wrong send nga lang. Kainis naman oh! Hindi parin ako makatulog. Hindi naman ako excited para bukas pero bakit ganito. Lechugas naman na anak ng hopia. Tsk tsk
After 5 minutes ng matanggap ko yung text na ‘yun. Dahan dahang nag open ung door ko. Idunno pero biglang tumaas ung mga balahibo ko, hindi na ako natakot nang pumasok ung kapatid ko-.- Ang laki ng eye bags n’ya, halatang hindi makatulog sa sobrang excitement kaya naman napatawa ako ng mahina, Umupo s’ya sa kama ko.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko at inangat ko ‘yung ulo ko.
Nakatitig lang s’ya sa akin at tinaasan ko s’ya ng kilay. “Magkikita na tayo.” Nang sinabi n’ya iyan halos hindi ako makatingin sa kan’ya. Ung t-text k-kanina g-ganun ‘din. Bwisit tong kapatid ko no? May mala enkantong ugali to eh.
Medyo kinilibutan ako sa sinabi n’ya kaya hinila ko ung buhok n’ya. “Impakta ka talaga! Matulog ka na nga.” Nakakainis gabi na mantitrip pa.
Hinawakan n’ya ung left hand ko nang mahigpit na mahigpit habang nakatitig sa mga mata ko, Hindi ko alam pero feeling ko may kakaiba sa kanya. “Hihintayin ko kayo.” I was like o.O, galit na galit s’ya pero hindi ko alam kung anong nangyayari sa kan’ya, kaya naman hindi ako nakapag salita. Namumula yung mga mata n’ya na tila ba gusto n’ya akong kainin.
“W-wa----.” Magsasalita na sana ako pero bigla s’yang tumayo at lumabas ng kwarto ko. Medyo nakakabastos? Ewan ko ba pero feeling ko may something talaga na hindi ko maintindihan. Umaaay-.-
BINABASA MO ANG
666 Hours
VampireMagbabakasyon ka pa ba? Kung malalaman mo na iba ka pala sa mga nakakasalamuho mong mga ordinaryong tao? At ma-fall sa isang nilalang na hindi mo gusto?