666HOV - DAY 2

38 1 0
                                    

                “Bianca, Gumising ka!” At ayun! As I expected, galit na galit si dad.

                 Nagising ang diwa ko sa isang galit na boses, alam ko lecture to the max nanaman ang abot ko nito. Hay! Kainis naman. “Yes Dad?” With my pa-innocent face. Baka umipektib eh.

                “Wag ka nang mag maang-maangan d’yan. Alam mo naman siguro na hindi ko gusto ‘yung inasal mo kahapon.”

                 Second time na nakita ko na ganyan kagalit sakin si dad, Oo alam ko namang mali ‘yung ginawa ko pero dati naman hindi s’ya ganyan. Ano kayang nakain n’ya? Hmmm. “Pero da-.”

 

                 Napahinto nalng lahat ng mga pulses ko at heartbeat pati narin ang brain cells ko nang Makita kong napatayo si dad sa sobrang galit. “Bakit ganyan ka umasta? Wala kang modo! Ayan ba tinuturo sayo ng mama mo?” Halos sigawan ako nito at parang gusto na n’ya akong patayin. Ewan ko kung bakit napasama si mama sa usapang ito.

                 Hindi ako nakapag salita sa mga nakita ko. Ibang iba na s’ya sa dating s’ya, sa dati kong dad na walang ginawa kundi patawanin ako o kami. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ito. Sana nga isang malagim na panaginip lang.

                 Patuloy parin s’ya sa pagsasalita n’ya, kahit hindi na ako nagsasalita. Pinagmamasdan ko ung expressions n’ya, habang pinakikinggan ko ang mga sinasabi n’ya bigla nalang bumuhos ang mga luha na galing sa mga mata ko, feeling ko nga eh na pinagsisisihan n’ya na naging pamilya n’ya kami.

                 Then after siguro ng 5 minutes na pagsasalita n’ya. Bigla nalang s’yang napatigil at napatitig sa akin. Ang weird pero bigla n’ya akong niyakap after n’yang ipamukha sakin na wala akong modo. “I’m sorry.”

 

                I dunno pero bigla nanamang nagsitaasan ang mga balahibo ko. After n’yang humingi ng apologize bigla nalang s’yang umalis ng kwarto ko at narinig ko ung mabilis na pagtakbo n’ya.

                Pero bakit gan’on? Hindi ko maintindihan. *Krrrrk Krrrk* Hayun! Nagwawala nanaman ang mga anaconda ko sa t’yan. Naalala ko wala papala akong kain simula kahapon pa. Nagugutom na ako.

                Naisipan kong lumabas ng kwarto ko at pumunta ng kusina para maghanap ng makakain. Habang pababa ako ng pababa, napunta ang atensyon ko sa isang napakalaking wall clock. Hmmm siguro sing laki s’ya ng Family size na pizza. Ewan! Nagugutom nanaman tuloy ako.

                Teka? Isip Isip! *3:40 AM* pa lang? What the hell! Akala ko pa naman nasa 7 am na, so kelangan 3 am ako gisingin ni dad para lang sermonan? Naku naman ang dami kong naiisip, Erase! Erase!

                Nang makarating ako sa first floor dumiretso ako sa sala at sa mismong ref, pero bago ko ito buksan ginawa ko muna ang sign of the cross. Sana naman may masarap na pagkain dito. Huhuhuhuhu T_T.

                At ayun! Failed ang isip ko. Pak syet naman, wala man lang desserts or Pasta! Puro nalang gulay gulay gulay! Oh lord, please help me sana kaya ko pang tumagal sa walang kwentang lugar na ito.

                Medyo may karamihan naman ang pagkain dito, pero sa kasamaang palad puro gulay lang talaga ang makikita mo, may napansin ang repolyo sa ref pero bago ko ito kunin naghanap muna ako ng mayonnaise, Ang dami mong makikitang parang cabinet na gawa sa kahoy, pero hindi s’ya lalagyan ng mga damit! Puro utensils ung iba at ung iba naman puro ka ek-ekan.

             Kahit minsan naman pala, maswerte padin ako, may nakita kasi akong mayo, kinuha ko ito pati narin ung repolyo na nakalagay sa ref, At ang ginawa ko is nilagay ko ung mayo sa may repolyo para mag mukhang salad s’ya.

             Urgh, payat ko na nga hindi pa ako nakakakain ng rice. Hindi ko lang talaga maisip kung bakit kami dinala dito ni dad. Kahit na umay na umay na ako sa pagkain ko ng salad-saladan na ginawa ko pilit ko parin itong isinusuksok sa bunganga ko, para naman magkaroon ng laman ang t’yan ko.

            Napablurp nalang ako ng wala sa oras, In fairness kaya kong ubusin ang isang buong repolyo na mayo lang ang kasama. Kainis talaga, kung alam ko lang na ganito ang lugar na pupuntahan namin edi sana nagdala ako ng isang sakong pagkain! Lechugas!

            *Vibrate ..... vibrate*

 

            Madali kong kinuha ang phone ko galing sa bulsa ko, inakala ko kasing may tumawag sa akin. Pero isang makapigil hininga ang nakita ko. Oh my! Oh my! Patay na s’ya. Patay na s’ya Huhuhuhu.

           “Sino?” Isang boses ng babae ang narinig ko, alam kong hindi si mama ‘yun o kaya si Danica, matanda ‘yung boses na narinig ko kaya naman inikot ko ang ulo ko para Makita ko sino iyon.

            “Who are you?” Nakita ko s’ya sa left side ko na nagtitimpla ng kape, Imagine that? nakalapit s’ya sa akin nang hindi ko naririnig? Maid s’ya, nakapang bihis ng maid eh.

              “Ako si Laura. Teka sino ang patay na?” Tingnan mo nga naman itong matandang to, masyadong pakilamera kaya hindi ko s’ya pinansin. patuloy lang ako sa pagtingin sa phone ko.

             “Sinoooooooooooo ngaaaaaaaaa ang pataaaaaaaaaaaaay?” Nabitawan ko ang hawak kong mangkok, dahil plastic ito hindi naman s’ya nabasag. Walangya! Sigawan ba naman ako nang matandang to.

              Tumingin ako sa kanya at itinaas ang phone ko. “Malamang ung cellphone ko, deadbat na diba?” Itinaas ko ung left na kilay ko with matching titig sa matanda.

              Pero wa epek! Tinaasan din n’ya ako nang kilay n’ya kahit medyo lagas na ito! At patuloy lang s’ya sa pagtimpla ng kape.

             Ang weird naman ng mga tao dito. Baka naman mga baliw na sila? Siguro hindi sila naka kain ng karne for 1 year? Oh my god! Ayokong mangyari sa akin ‘yun, ayokong mapunta sa mental! Huhuhuhu.

            

666 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon