666HOV - DAY 5

23 1 0
                                    

                         Bigla nalang akong nagising sa ingay ng mga boses. Hindi familiar sakin ‘yung mga boses na ‘yun. Hindi kaya may bisita? Sinilip ko ‘yung phone ko para malaman kung anong oras na. *3:18 AM* Sad to say pero 3 o’clack nanaman ako nagising.

                    Bahala na nga! Sisilipin ko nalang kung sino ‘yung mga tao sa baba. Hindi ako nagpakita sa kanila. Sinilip ko lang sila mula sa taas. Nakita kong kinakausap ng isa sa mga lalaki dun si dad. Marami sila almost 15 + siguro and sa tingin ko kasing age ko lang.

                    Tinitingnan ko lang sila. hindi ko naririnig ‘yung pinaguusapan nila. Hindi naman nagtagal at lumabas na silang lahat after nilang kausapin. Since nakadungaw ako sa stairs. Biglang nag look up si dad, mukhang nakita n’ya ako. Magtatago sana ako pero feeling ko nakita n’ya ako.

                    Kaya tinignan ko din si dad at tinaasan ko ng kilay. After nun bumalik na ako sa kwarto ko. Magpapalit na sana ako ng damit nang marinig kong may paakyat. Kaya agad akong bumalik sa higaan ko at nag panggap na tulog.

                    Feeling ko kasi si dad ‘yun at pupuntahan n’ya ako dito sa kwarto ko. Ayun! Hindi naman mali ‘yung akala ko. Pumasok si dad sa kwarto ko pero nakapikit parin ang mga mata ko.

                   “Bianca, Higa.” Nung marinig ko ‘yung sweet na boses ni dad agad kong binuksan ang mga mata ko. Nagbabalik na kaya ang dati kong dad? I hope so. Tss

                    “Po?” Tumayo ako at umupo sa may harap ng salamin ko at nagsuklay.

                    “Bukas sasama ka sa dun kanila.” Huh? Bakit naman? Pwede narin siguro, bore na bore na ako dito sa bahay.

                     “Ano pong meron dun?” Dapat ko lang malaman no, baka mamaya mga rapist pala ‘yung mga ‘yun.

                     “May organization sila.” Mukhang exciting ah, sige sasama ako. Para naman hindi na ako nag mumokmok sa bahay na ‘to.

                      “Ah. Cge po.”

                      “Ok.” Ayun lang ang sagot n’ya? Psh. Hindi man lang mag t-thank you? Hay! Siguro naman sa ayaw at sa gusto ko. Papasamahin n’ya rin ako. Akala ko pa naman nag balik na ang dati kong dad.

                       Ano kayang meron dun sa organization na ‘yun? Hindi ko alam pero parang naeexcite na kinakabahan ako. Magiging Masaya kaya dun? Makakakain kaya ako ng desserts dun? Or pasta?

                       Hay! Bore na bore na talaga ako sa bahay na ‘to. Imagine that? Walang television or radio man lang. Kaya ang bilis ko ma deadbat lagi akong nagsesentimental dito. I miss my friends, my lappy and my cousins. I hate this place. Hindi ko siguro kayang magtagal dito ng 1 year. Mamatay siguro ako pagnagkataon.

                       At dahil gutom nanaman ako. Kinuha ko ‘yung bopis na niluto kahapon. Pinapak ko lang ito. Tinatamad kasi akong bumaba para kumuha ng kanin. At the same time nagugutom na rin ako kaya hindi ko na natiis pa.

                      Sa sobrang gutom ko hindi ko inaasahan na mauubos ko ‘yung isang buong Tupperware. Nako! Magtitiis nanaman akong hindi kakain bukas. Sigurado kasing gulay nanaman ang ulam bukas.

                      Taranta kong tinago ko yung Tupperware dahil biglang pumasok si Danica sa kwarto ko and feeling ko na napansin n’ya yun. “Ano yung tinago mo ate?” Oh diba tama nanaman ang hinala ko.

                      “A-eh w-wala ‘yun.” Pero kailangan ko magpaka inosente. Bawal n’yang malaman ‘yun dahil sumbungera yang kapatid ko at higit sa lahat inggitera.

                      “Talaga?” Aba at nag taka pa. Leche talaga tong kapatid ko Tsk tsk

                      “Oo nga! Teka nga, bakit ka nga ba nandito?” Oo nga naman bakit nga ba s’ya andito? Tch

                      “Pwede ba wag ka nalang sumama sa organization?” At ayun! Nakiusap ang gaga with her pa-innocent face. Gaya gaya talaga.

                       “At bakit naman?” Hindi n’ya ako madadala sa style n’ya. Bakit kaya ayaw n’ya akong pasamahin? Hmmmm.

                        “Para ako nalang ‘yung sasama.” Muntik ko nang isuka lahat ng nakain kong Bopis. Ang kapal talaga eh no? Talaga nakiusap pa sa akin.

                        “At bakit gusto mong sumama?” With my pa-taray effect na may kasamang batok. Haha!

                         “Aray! Syempre, may nakita akong boys eh.” Abcdefshdlsla. Kelan pa s’ya natututong lumandi? Grabi tong kapatid ko ha.

                         “Lumabas ka na nga sa kwarto ko! Ako ang sasama. Tapos.” Matakot ka Danica! Matakot ka! Sana umekto. *crossfingers* with matching pikit ng mata.

                          “A-eh o-okay a-ate.” HAHAHAHAHA! Umepekto nga! Wooo. Best actress na ako.

                           Pagkalabas na pagkalabas n’ya saka ako humalakhak sa tawa. As in nakakatawa ung mukha n’ya akala mo nasunugan ng bahay tapos nawalan ng nanay! HAHAHAHA.

666 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon