Another f*cking day. Hay! Alas tres nanaman kaya ang gising ko? Sana naman hindi na. Wala talaga akong nkakausap pag gan’ong oras ang gising ko. Sa bahay naman hindi ako nagigising ng alas tres. Tsk
Since nagwawala nanaman ang mga alaga ko sa t’yan. Bababa ako para kumain, Sana naman meron ng pasta or desserts! Kapag wala nanaman ipapabomba ko talaga tong bahay na’to.
Nadatnan ko ‘yung maid na nagluluto ng Bopis ata ‘yun? Basta karne s’ya eh! Kaya nilapitan ko s’ya. “Buti naman po at may karne na.”
“Hindi mo pa ba alam?” Huh? Malamag! Kaya nga ako nagtatanong eh. Teka, ang alin nga ba? Lol
“Ang alin po?
“Na once a week lang dapat kumain ng karne.” Huwat? Once a week lang? So isang araw lang ako makakakain sa isang lingo. NO! NO! NO!
Hindi na ako nagsalita, para kunwari hindi ako nagalit. Naisip ko kasing kumuha ng maraming ulam, para sa susunod na araw may makakain pa ako. Oh diba? Why I’m so brainy? Tch.
“Cge maiwan na kita d’yan, tatawagin ko pa sila para kumain na.” Whoa! This is my time, makakakuha na ako ng maraming ulam. At makakakain na ako ng marami. Yahoooo!
So umalis na s’ya at umakyat sa taas para tawagin sina mama at papa. Kumuha ako ng malaking Tupperware at naglagay ako ng ulam, Madali ko lang itong ginawa at tumakbo ako paakyat ng kwarto ko para itago ‘yun.
Tinago ko ito sa closet ko at bumaba ulit tapos umasta na parang wala akong kasalanan. Sana umpektib, kahit ngayon lang, *crossfingers* Pagkababa ko sakto wala pa naman sila mama.
Umupo ako sa hapagkainan habang nagtetext, boring kaya no? “Andito ka na pala Bianca.” Buti naman napansin ako ni mama, akala ko deadma rin ako kagaya ni dad. Psh.
“A-eh opo.” Pansin kong nakatingin sakin si Danica at parang may ibig sabihin, Nako! Subukan n’ya lang sabihin ‘yung sinabi ko sa kanya baka kalbuhin ko s’ya. Lechugas!
“Tama na yan, kumain na kayo.” Kagaya parin nung mga nakaraang araw si dad, strict padin. Hay! Nagsandok na ung mga maids at sinimulan nanaming kumain.
*Vibrate.....vibrate*
Habang kumakain kami, nag vibrate ‘yung phone ko. Agad ko naman itong kinuha para silipin, pero ayun! Agad akong napansin ni dad. “Bianca!” Sumigaw ito sa harapan ng pagkain. Tch
“Per-.” Magpapaliwanag na sana ako pero binigyan n’ya ako ng tumigil ka d’yan look. Hay!
“Okay, Fine!” Dumiretso nalang kami sa pagkain, si Ven hindi na nagsasalita sobrang takaw! Akala mo ngayon lang nakakain ng Karne.
After lang ng ilang minuto, ako ‘yung unang natapos kumain. Walang signal dito sa loob kaya naisipan kong sa labas nalang ako para narin mahanginan ako. Ang init sa loob.
“Saan ka pupunta?” Hindi ko inaasahan na tatanungin ako ni dad, pero ‘yung tono ng boses n’ya parang hindi n’ya ako papayagan na lumabas.
“Magpapahangin lang po.”
“Wag kang lalayo ha!” Bumabalik na ba ang dati kong dad? Sobrang sweet na ulit ng boses n’ya. Ang weird talaga parang kanina lang galit ‘yung boses n’ya, bigla nanamang nag iba. Tsk
“Opo!.” Malamang! Eh hindi ko naman alam tong lugar na ‘to, edi kung lumayo ako, nawala na ako. Tsk
Lumabas ako sa loob ng bahay at umupo ‘dun sa may mahabang upuan na naka pwesto sa gilid ng gate. Sa totoo lang masarap ang hangin dito dahil nga sa maraming puno at halaman.
Medyo natuwa lang ako sa nakita ko, hindi kasi 3 o’clack ang gising ko. Since almost 6 na ng umaga, mga 5 siguro ako nagising. HIMALA!
“Bakit parang Masaya ka ata ate?” Lumabas din ang kumag kong kapatid. Masaya paba ako sa lagay na ‘to? Psh. Hindi nag iisip.
“Ikaw ba Masaya? Ha?” Medyo nairita ako sa tanong n’ya hindi mo malaman kung nang aasar o seryoso. Tch
“Medyo?” Wow lang ha, nasisiyahan pa s’ya sa walang kwentang lugar na ‘to. Nagiging weird narin ba ang kapatid ko? So ako nalang pala ang hindi. Oh lord wag mo akong itulad sa kanila.
“Nasisiraan ka na ba ng ulo?” Tumayo ako sa harapan n’ya at pinagmasdan ang bilog n’yang mukha.
“Ano bang hindi Masaya dito ate?” What? Tinanong n’ya pa ako. Kung alam n’ya lang, Lahat! Hindi Masaya dito. Tch
“Bahala ka nga sa buhay mo.” Medyo nakakabad trip lang ha. May sira na nga tong ulo ng kapatid ko. Kelan kaya kami makakabalik sa Manila? Miss na miss ko na ang malambot kong kama.
Iniwan ko s’ya sa labas at pumasok na ako ng kwarto ko. Medyo inaantok na din kasi ako. Wala na akong ibang ginawa dito kundi matulog, kumain. Pero hindi ako Masaya. Gusto ko na talagang umuwi ng manila. Wala din naman pala kaming gagawin dito. Urgh -.-

BINABASA MO ANG
666 Hours
VampirMagbabakasyon ka pa ba? Kung malalaman mo na iba ka pala sa mga nakakasalamuho mong mga ordinaryong tao? At ma-fall sa isang nilalang na hindi mo gusto?