“Ate! Gising may Sunog! Sunog!” Ha? What? Sunog? Waaa? Saan?
Naalimpungatan ako ng sumigaw ang kapatid ko na may sunog, taranta akong lumabas ng kwarto ko at bitbit ko na ‘yung mga important matters of mine. Ayokong mamatay nang dahil sa sunog no.
Pero paglabas ko ng kwarto ko imbis na mataranta ako, nainis pa ako. Why? Andun sila sa hagdan. At alam mo kung anong ginagawa nila? Tumatawa ang hinayupak kong kapatid with sabay hampas sa sahig. Grabe s’ya kung makahalakhak na may kasama talagang paghampas sa sahig.
“Danica! I’ts not funny.” Hindi ko alam pero parang natawa din ako sa sarili ko, paano ba naman kasi ang dami kong dala ung mga bags and ‘yung mga hindi pa nalalabhan na damit ay bitbit ko din. Tch
“Ang sungit mo naman, Bianca.” Nakaharap na ako sa pinto ko at papasok na sana ako nang may narinig akong nagsalita galing sa kilod ko.
Kaya naman humarap ako at tiningnan s’ya. “Who the hell are you?”
“Kinalimutan mo na agad ako Mhie?” What the f*ck. Mhie? Yuck. Ang Jeje. Eeew.
“Yuck. Anong mhie ang pinagsasabi mo?” Bwisit na freak na ‘to. Tinotoo talaga yung sinabi n’ya kahapon. Tss
“Ikaw naman eh. Diba ako yung dhie mo?” Saan naman n’ya napulot ang mga kakornihang ‘yan. Kainis lang, ang dami n’yang alam. Gwapo sana kaso ang Jeje. Tss
“Pwede ba, tigil tigilan mo ako ha.” Sa totoo lang, naiinis na ako nangangalay na kasi ako sa mga bitbit ko, hindi ko pa pala naipapasok.
Papasok na sana ako pero bigla akong pinigilan ni Danica at s’ya yung pumasok sa kwarto ko. “Daryll, Dali pasok ka!” Kapal talaga ng mukha ng kapatid ko. Excuse me kwarto ko ho iyan. So daryll pala ang name ng freak na ‘yun?
“Wag nga kayong pumasok d’yan!” At ayun Danica wins. Kelan pa sila nagkakilala? Parang close na close sila isa’t isa ah. Talaga tong kapatid ko. Tsk
Wala akong nagawa, pumasok na din ako at nakita kong nakahiga sa higaan ko ‘yung freak na ‘yun tapos ‘yung promotor kong kapatid, nangangalkal ng mga make up ko.
“Umalis ka nga d’yan freak.” Yuck lang no. Higaan ko ‘yun tapos hihigaan n’ya. Ewan ko ba kung may germs yan sa katawan.
“Tinataboy mo na ako mhie?” Bwisit! Ang kapal talaga ng mukha n’ya. Tss, nakakadiri talaga.Tsk
“Don’t call me mhie, nakakadiri ka.” Na bu-bwisit na talaga ako ha. Nakakainis na talaga. Tsk
“Kunwari pa si ate oh!” Isa din tong kapatid ko, pakilamera. Gamitin ba naman ‘yung eye liner ko. Ang landi talaga. Tsk
Buti naman at natauhan ang kapatid ko, natihimik na ‘din s’ya pati si freak. “Lumabas na kayo!” Sana madaan ko sa sigaw.
Lumabas na ‘yung kapatid ko sa kwarto ko pero si freak? Nakahiga pa din at nat tutulog-tulugan pa. Tsk best actor ang drama n’ya pero hindi n’ya ako madadaan sa ganyan.
Kinuha ko ‘yung malaki kong unan at dahan dahan akong lumapit sa kan’ya. Biglaan kong tinakpan ng unan ang mukha n’ya. “Mamatay ka na freak!” Akaa n’ya ha!
“Aray ko! Oo na, lalabas na ako!” Nagpupumiglas s’ya. HAHAHA! Nakakatawa ‘yung tono ng boses n’ya. LOL
Sa awa ng may kapal lumabas din sila. Gusto ko pang matulog, kulang pa kaya ‘yung tulog ko. Bwisit kasi tong kapatid ko eh lakas mantrip. Tsk,
Pagkalabas nila inayos ko muna ‘yung mga make up ko na ginulo ng hinayupak kong kapatid, kahit kalian talaga walang magawa sa buhay. Bumalik ulit ako sa kama ko at pumikit.
5 minutes
10 minutes
15 minutes
Hindi parin ako makatulog, nakakainis. Kulang pa ako sa tulog kaya please. Patulugin n’yo ako parang awa n’yo na. Tsk tsk.
Another 10 minutes left but still, I can’t sleep I don’t know why. Urgh, Siguro gutom lang ako, Tsk wala din naman akong makakain ‘don sa baba.
Naisipan kong bumaba sa first floor, nagugutom na kasi talaga ako. Tsk, Sana naman may makakain ako ‘dun. Ayoko ng magtiis sa repolyo at mayonnaise, kahit pasta lang ok na ako.
o.O Nadatnan ko na kumakain sila freak at Danica ng ice cream, Uwaaa. Penge ako, matagal na ako hindi nakakakain ng ice cream, kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa kanila. Pero failed ako, ubos na Huhuhuhu.
“Hindi n’yo man lang ako binigyan.” Nagpaawa effect ako with pouty lips.
“Sabi mo hindi kita mhie.” Yuck, nandidiri talaga ako pag naririnig ko yang word na ‘yan. Mantakot daw ba? Tch
“Hindi mo kasi sinabi na may ice cream ka dhie eh.” What the, bigla nalang yang lumabas sa bibig ko, kainis! Siguro nadala lang ako sa gutom. Tsk
“Patay gutom ka talaga ate.” Ayan! Nakisali nanaman, nakakain na nga s’ya ako pa sinabihan ng patay gutom, nahiya naman ako sa ate ko!
“Ako pa patay gutom ha?” Kainis! Sa kan’ya pa talaga nang galin ‘yun teka asan ba ang mga tao dito? Sina mama, daddy or Lolo Isme?
“Asan nga pala ‘yung mga tao dito.” Nakakapagtaka lang, hindi ko na masyadong nakakausap si mama.
“Nasa organization din ‘yun.” Wow ha! May utak din pala tong si freak, pati pala matatanda may organization din. Wala naman kwenta ‘yung mga sinasabi dun. Tsk
“Ah okay, good night.” Dahil wala din naman akong kakainin, matutulog nalang ulit ako.
Hindi naman sila nagsalita, umakyat na ako pabalik ng kwarto ko at sinimulang matulog.
BINABASA MO ANG
666 Hours
VampireMagbabakasyon ka pa ba? Kung malalaman mo na iba ka pala sa mga nakakasalamuho mong mga ordinaryong tao? At ma-fall sa isang nilalang na hindi mo gusto?