666HOV - DAY 1

78 5 3
                                    

                    UMAGA..

                 *Mulat Mulat*

                  Pagdilat na pagdilat ng mga mata ko bigla nalang akong napatingin sa relo ko. *8:21 AM* Urgh. So mahigit limang oras na pala kaming nasa biyahe? Masyado naman atang matagal. Gaano ba kalayo ang pupuntahan namin?

                  Tiningnan ko sila mama pero ayun tulog pati nadin ang kapatid kong si Danica. Si Dad lang yung gising, malamang s’ya yung nag dadrive eh! Alangang matulog s’ya? Edi bumanga kami? To talagang isip ko may pagkabobi!. Tsk tsk.

                  “Dad, san ba ang punta natin?” Hindi ko na napigilang hindi magtanong, paano ba naman kasi kagabi ko pa gustong malaman.

                   “Sa Ilo-Ilo.” What? Ilo-ilo? Tama ba ang dinig ko? Aabutin kami ng s’yam s’yam n’yan kung do’on talaga ang punta namin, Teka wala naman kaming relatives dun ah?

                    “Sino ang pupuntahan natin doon?” Sino naman kaya ang relatives namin na do’on nakatira? Ang alam ko sa Baguio lang at cebu kami may relatives.

                    “Si lolo Isme.” Huh? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na ‘yun? Ano ‘yun tatlo ang lolo n’ya? Jusmiyo marimar -.-

                    “Sino ‘yun mahal? Akala ko ba  sa Baguio ang punta natin?” Nagising na si Mama, So ibig sabihin hindi n’ya rin alam na Ilo-ilo ang destinasyon namin? Huwaw lang ha. Tapos hindi rin kilala ni mama si Lolo Isme ba ‘yun? Anong pumasok sa isip ni Dad, Psh.

                    “Andami n’yong tanong.Malalaman n’yo rin mamaya.” Wow ha, for the first time in forever, ngayon lang nagsungit si dad samin ng ganyan, Baka naman may period si dad haha.

                    Yung kapatid ko tulog padin, gusto ko sanang gisingin para batukan kaso baka Makita ako ni mama, pano ba naman kasi isinama n’ya pa yung alaga n’ya, If I’m not mistaken Miley ang pangalan ng aso n’ya, Ginawa ba namang aso ang idol kong si Miley Cyrus.

                    Makalipas muli ang dalawang oras na biyahe, sa awa ni dad at nakarating na kami. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na tignan ang lugar, medyo creepy at wala masyadong bahay more on sa trees and plants.

                    “Huy Ate!” Hindi ko namalayan na naglalakad na pala sila papalayo sakin, bakit nga ba hindi ginamit ung Van? Ang kati sa paa, pano ba naman kasi madamo dito.

                     Sumunod na ako sa kanila while pinagmamasdan ko ‘tong lugar. Wala kasi talaga s’yang tao and sa dulo pa ‘yung bahay ni Lolo Isme ba ‘yun? Medyo may kalayuan simula sa pinagpark-an ng Van.

                    O___O

                    Oh my! Ang laki ng bahay and i think 3rd floor ata s’ya. Halos malaglag ang mata ko ng Makita ko ‘iyon, may katabi pa s’ya na parang simbahan pero nakalock na ung gate at parang hindi na s’ya open sa mga tao.

                   “Pasok kayo.” Sinalubong kami nung Lolo Isme kung tawagin ni dad, actually matanda na nga s’ya, Siguro nasa 70 plus na something.

                    Pumasok na kami sa napakalaking bahay n’ya, And you know what i’ve seen? Creepy house damn. Hindi ako nababagay dito, halos puro sapot na ‘yung kisame then ung mga gamit parang sinauna pa-.-

                    “Wala po kayong kasama dito?” Ayun nakisali sa usapan ang inggrata kong kapatid, feeling matanda na eh no? Kung sabagay parang mag-isa nga lang s’ya dito.

                    “Meron.” Tumingin s’ya sa amin ni Danica, Medyo nakakatakot s’ya? Kaya tumabi ako kay Dad at nakinig ako sa mga sinasabi ng matanda. Para nga s’yang nag Guguide sa amin eh! Lol.

                   Dumiretso kami sa kusina since lunch time na. Sakto! Nagugutom na din ako. Pagkarating naman dun, nakakawalang gana ung mga nakita ko.

                   Biruin mo walang karne! Halos puro gulay! Paano ako makakain ng ayos! Sh*t. “Dad, bakit naman ganito? Hindi ako nakain ng gulay.” Nagrereklamo na ako habang nakaupo na silang lahat sa hapag kainan at ako nalang ‘yung nakatayo.

                   “Bianca! Will you please shut up? Just eat.” Nagulat ako sa rekasyon ni dad, I didn’t expect na may ganun pala s’yang attitude.

                    “Wala na akong gana. Where’s my room?” Sa pagkakataong ito, hindi ko alam pero masyado akong natakot sa expressions ni dad. Kaya naman mas gusto ko pang magmukmok sa kwarto ko kesa kumain ng gulay.

                    “3rd floor, Second room.”  Agad namang sumagot ang matanda, kaya kinuha ko ung bag ko at tumakbo ako paakyat ng third floor, Imagine? Ung room ko sa third floor. Tch nakakapagod kayang umakyat at bumaba.

                    Habang umaakyat ako, agaw pansin ang mga gamit nila. As in! Napaka luma na at parang hindi na nilalabhan. Duh? Bakit pa kasi kami dinala dito ni dad. May mga numbers ung room, actually maraming room, ung huling kita ko sa 1st floor eh, 12 rooms?

                    Agad ko namang natanaw ung room ko, pumasok na ako, ang dumi dumi puro alikabok! Punyemas naman. Akala ko pa namang magiging Masaya ang bakasyon ko ngayong taon. Ayoko dito sa walang kwentang lugar nato.

                    Sa sobrang stressed at sa kakaisip ko, minabuti ko nalang na matulog since medyo hapon na. Napagod rin ako sa biyahe, kahit na gutom na gutom na ako. Hay!

666 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon