666HOV - DAY 3

29 1 0
                                    

                    Pangatlong araw na kaming nag s-stay dito sa walang kwentang lugar nato. Idunno kung paano nila nakaya na mag stay dito, pero ako pigang piga na ako dito. Gusto kong maglayas pero hindi ko alam kung saan ako pupunta.

                As usual, nagising nanaman ako ng 3 o’clock, hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang talaga akong nagigising psh.

               “Ano ba! Hindi ka ba titigil ha?” o.O narinig kong sumisigaw si mama at parang galit na galit ito. Lumabas ako at sinundan ko ang boses ni mama kung saan ito nang gagaling.

               “Kung ano-ano kasi ang iniisip mo!” Nakita ko nanamang galit si papa, and this time nakikipagsabayan pa s’ya sa ingay ng boses ni mama, dati naman hindi s’ya gan’on.

               Hindi ako nagpakita sa kanila. habang pinapanood ko silang nagsisigawan, nasasaktan ako, pilit kong pinipigil ang luhang gusto lumabas na galing sa mga mata ko.

               “Kasi nga ‘yun ang nakikita ko!” First time kong nakitang umiiyak si mama dahil kay papa, hindi ko alam pero parang nag iiba na ang ugali ni papa.

               And ayun nga, hindi na nagsalita si dad umalis na ito. Ngayon naman may nalalaman na s’yang walk out - walk out effect? Babae lang ang peg? Bwisit lang! Simula nang pumunta kami dito sa walang kwentang lugar na ‘to. Bigla nalang naging cold and relationship namin, ‘yung feeling na ibat ibang oras ang gising namin. Hindi nga kami makapag tagpo ng kapatid ko eh. Tsk

              Since hindi ko na kaya ang nakikita ko. Lumabas ako ng walang kwentang bahay na ‘to para makasagap ng presko at sariwang hangin. Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay actually hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naglakad ako sa left side ko kung saan naka pwesto ang saradong chapel.

              Napahinto ako sa tapat ng gate nito. Tinititigan ko ‘yung lugar, feeling ko sobrang tagal na nito medyo may mga crack na nga sa pader nito. At halos nafa-fade na ung color ng chapel. At ang ikinatakot ko sa lahat. Parang baliktad ang pagtayo ng krus na nakalagay sa taas ng chapel. Kaya naman napaisip ako.

               Bigla nanamang nabuhay ang mga balahibo ko. Parang naka wax na nga ito sa sobrang tayo. Feeling ko talaga may something dito sa lugar na ‘to, parang full of mysteries? Ay Ewan.

               Napadpad ako sa isang playground kung saan maraming naglalarong bata. Siguro almost 10 + silang naglalaro, pero may isang batang agaw pansin sa akin. Hindi kasi ito naglalaro, Nakaupo lang ito sa isang bench habang pinagmamasdan n’ya ung ibang batang naglalaro.

                Kaya naman nilapitan ko ito at tinabihan ko s’ya sa bench. “Bakit ka malungkot?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

                “Sinasaktan kasi ni papa si mama.” So ayun pala. Pero na antig ang puso ko sa batang ‘to, sa age n’ya kasing yan na parang 5 years old palang? Iniisip n’ya na yung mga ganong bagay.

                “Hindi ko alam eh. Pero simula nung lumipat kami sa lugar nato bigla nalang nagbago si papa.” Nung sinabi n’ya iyon. Halos madislocate ung puso ko sa sobrang pagkagulat. Idunno pero bigla nanamang tumaas ang mga balahibo ko. Napatulala lang ako dahil naisip ko si dad.

                 “Ok ka lang ba ate?” Napansin na pala ng bata na nakatulala na ako, para talaga kasing may misteryo sa lugar na ‘to.

                 “A-eh okay lang ako.” Nagmadali na ako, babalik na ako ng mansion para sabihin sa kapatid kong si Danica ang tungkol sa bagay na nalaman ko.

                  Halos maubos ang hininga ko bago ako makarating sa mansion. Dali dali akong pumasok at umakyat ng third floor at dumiretso sa kwarto ng kapatid ko.

                  “Danica! Danica! Buksan mo ‘to.” Sana gumana ang taranta effect ko para agad n’ya akong pagbuksan ng pinto.

                   “Ano ba ‘yun?” At ayun! Sa kabutihang palad gumana naman ito at agad n’ya akong pinapasok sa kwarto n’ya.

                  “May kailangan tayong gawin.” Seryoso ako ngayon. Ayokong mangyari kela mama at papa ang nangyari ‘dun sa pamilya ng batang nakausap ko kanina.

                   “At ano nanamang kalokohan ang nasa isip mo?” Hindi naman s’ya Iritang irita no? Hindi rin s’ya halatang bagong gising?

                   “Kailangan natin piliting umalis ditto, sa walang kwentang lugar na ‘to.” Nagpaawa effect pa ako para lang pumayag s’ya. *crossfingers*

                   “Wag ka nga! Andami mo namang naiisip eh.” Ano nga ba ang sinasabi ko? Hay, failed ang drama ko. Ano namang paraan naman kaya ang gagawin ko?

                    “Per-.”

                    “Ate! Pwede ba, Don’t disturb me. Wag mo akong dinadamay sa kalokohan mo.” Hay nako, nahiya naman ako sa ate ko no? S’ya po yung panganay hindi ako. Psh-.-

                     Bahala nga kayo sa mga buhay n’yo. Lechugas! Baka nga siguro , co incidents lang ang lahat. Hay!

666 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon