Sakto ang gising ko. 15 minutes left at 3 o’clack na. Lumabas na ako ng kwarto ko para makapag prepare.
“Oh! Gising ka na pala.” Nakasalubong ko si dad, gigisingin n’ya sana ako pero nagising na ako.
“Opo.” Diretso lang ako sa paglalakad ko.
Pagkatapos kong maligo at magbihis. Nag ayos ako ng buhok, sabi kasi ni Danica marami daw poging boys dun.HAHAHA! Just kidding. Syempre para magmukhang tao naman ako.
Bumaba ako ng first floor para hintayin ung mga pumunta ulit kahapon. Pero lumapit sa akin si dad. “Pumunta ka na dun. Hindi sila makakarating dito.” What? Ayoko no. Baka maligaw ako.
“Pero dad, hindi ko alam kung saan.” Talaga namang hindi ko alam no. Saka nakakatakot sa daan ang dilim kaya.
“Ako nalang dad! Alam ko kung saan!” Kitams? And’yan nanaman ang inggrata kong kapatid. Kainis lang ha. S’ya pa nag presenta.Tch
“Ay cge alam ko na dad. Mauna na ako bye!” Hindi naman pwedeng ako ang maiwan dito. Bore na bore na nga ako eh. Pero bago ako lumabas ng bahay tumingin muna ako sa kapatid ko at tinaasan ng kilay HAHAHA.
Natatakot pa naman akong lumabas, wala pa namang sasakyan dito o kahit ano man lang. Kainis! Sana naman maganda ang dadatnan ko ‘dun. Urgh
Nang makalabas na ako at sinimulan ko nang maglakad, medyo nawala ‘yung takot ko kasi ang daming tao. Baliktad dito no? Tss. Ang weird gising sa gabi. Ay kung sabagay umaga narin. 3 o’clack na kaya.
“Miss, saan ang punta mo?” Oops. Sino naman yan? Hinarang n’ya talaga ung kotse sa dinadaanan ko. Nakakabastos ha. -.-
“Bakit mo tinatanong?” Baka mamaya kidnapper na ‘to. Hindi man lang s’ya lumabas ng kotse n’ya.
“Ihahatid na kita.” Lumabas s’ya ng kotse n’ya. o.O Sh*t! Ang pogi n’ya. Kahit saan mo ako dalhin ok lang basta kasama kita. Why you’re so handsome?
“A-eh c-cge b-ba.” Hinawakan ko ung buhok ko. Feeling ko kasi ang haba eh HAHAHAHA! Lol
“Sakay ka na.” Binuksan n’ya yung kabilang pinto ng kotse n’ya. Dali dali akong pumasok baka magbago ung isip eh.
“T-thank you.”
Hinatid n’ya ako sa pupuntahan ko, Ay este sabay na kaming pumunta. Member din kasi s’ya ng organization na sinalihan ko. Sobrang nakakagulat no? Baka sadyang para kami sa isa’t isa.
Pagkarating naman ‘doon parang school din s’ya kasi may prof and may mga classmates. Aaminin ko marami kami siguro mga 30+ ang karamihan lalaki, almost 10 + lang ang girls at ako lang ung maganda. Lol
Dalawang oras lang ang ecture ek-ek churva, hindi ko nga gusto ung mga pinagsasabi nila. Tapos ang corny pa ng pangalan ng barangay na ‘to. Psh
“Hi miss, ihatid na kita sa inyo gusto mo?” Kainis lang kasi may girlfriend na pala ‘yung poging naghatid sa akin kanina. Ang chaka naman. Tsk
“Ayoko. Kaya ko na ang sarili ko.” Ayoko sa kan’ya no. Over sa self confidence. Yung masyadong gwapo sa sarili? S’ya un. Kanina ko pa s’ya napapansin.
“Ayaw mo pa? Susunduin ka na ng gwapong katulad ko.” Oh see? Masyado s’ya akala mo naman gwapo, Hmmm. Kung sabagay medyo may itsura naman. Pero kahit na!
“Ang kapal ng mukha mo!” Patuloy ako sa paglalakad ko na tila bang wala akong nakikita.
“Sige na pumayag ka na.” Wow lang ha, marunong pang mag pouty lips. Hindi naman bagay sa kan’ya pssh.
Hindi parin ako pumayag hanggang sa makarating kami sa mansion nila Lolo Isme. “Ano ba! Andito na nga ako sa amin.”
“Ha? Sige. Pupuntahan kita ulit bukas ha!” Tumakbo na s’ya papalayo. Ang kapal talaga ng mukha Tss.
Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa loob ng bahay, tahimik sa loob at parang tulog silang lahat. Hindi ko alam pero parang inaantok na ‘din ako. Urgh
BINABASA MO ANG
666 Hours
VampireMagbabakasyon ka pa ba? Kung malalaman mo na iba ka pala sa mga nakakasalamuho mong mga ordinaryong tao? At ma-fall sa isang nilalang na hindi mo gusto?