♥♥♥
Makalipas ang ilang buwan...
Graduation na!
Habang busy at excited ang lahat sa praktis ng kanilang graduation rites...
Makikita naman ang dalawa na nakaupo sa bench na kinalililiman ng isang puno ng Acacia...
Walang imikan ang dalawa...
Parang nagkakaintindihan na sila sa pareho nilang nararamdaman...
Dumating na ang oras na pareho nilang ayaw isipin na dumating...
Maghihiwalay na sila...
Napagpasyahan kasi ng magulang ni Madel na sa bayan na siya magaaral, tutal naman eh doon din nag-aaral ang ate niya sa College...
Samantalang si Angelo ay dito pa rin sa school na ito magpapatuloy ng High School.
"Bes...." Magkapanabay na tawag ng dalawa sa isat-isa.
"Cge ikaw muna." Nahihiyang wika ni Angelo.
"Ahmm...Bes, Hindi na siguro magbabago pa ang isip nina Mama." Malungkot na hayag nito sa kanya.
"Di bale bes! Promise ko, lage kitang dadalawin." Pilit ang siglang wika niya.
"Promise?" Bigla namang sumiglang tanong nito sa kaniya.
"Oo bes! Promise ko iyan sa iyo. Dadalawin kita palagi. Ang lapit-lapit lang naman eh." Masigla na ulit na tugon niya.
"Cge bes! Magpapaalam din ako kina mama kung pwede akong umuwi tuwing sabado." Tuluyan ng nawala ang lungkot na kanina lang ay sumasakop sa kanilang dalawa.
"Wow! Sana pumayag si tita! Tutulungan kitang magpaalam!"
"Cge mamaya bes sumama ka sa akin paguwi ha!
At parang bigla na ngang nawala ang lungkot nilang dalawa. Masaya na silang humalo sa nagkakagulong praktis ng kanilang Graduation Rites.
Kasabay nilang gagraduate ang High School kaya naman napakarami nila.
Habang nagpapraktis...
"Oi Angelo! Kelan ka ba magtatapat kay Madel! Gagraduate na tayo ah..Cge ka ikaw rin." Nakangiting pangangantyaw ng mga tropa ni Angelo sa kaniya.
"Pwede ba mga tol! Bestfriend ko yun. Hindi talo!" Seryosong wika ni Angelo sa kaniyang mga barkada.
"Asus! Kunwari ka pa! Alam naman naming matagal ka ng may gusto kay Madel. Ayaw pang umamin nito!" Nakangiting dagdag ng isa pa.
"Tumigil kayo mga pare! Wag niyong pangunahan si Angelo. Alam niyo namang pinapalaki niya lang si Madel eh." Nakatawang dagdag ng isa pa.
Samantalang si Angelo ay biglang natahimik...
Ayoko! Baka bigla niya akong layuan...:(
Makalipas ang isang linggo....
Graduation na!
"Madel ang ganda mo naman!" Wika ng isa nilang kaklase pagkapasok pa lang ng dalawa sa Gym kung saan idadaos ang kanilang graduation.
Magkasabay ang dalawa habang kasunod nila ang kani-kaniyang magulang.
"Ganda? Saan banda?" Wika ng ngaasar na si Angelo.
"Asus kunwari ka pa Angelo! Hay naku hindi na ako magsasalita at baka may mabuko!" Wika ng isang barkada ni Angelo.
Na nagpakamot naman sa ulo ni Angelo.
At nagpakunot naman ng noo ng batang babae. "Anong sinasabi niyo?" Wika nito.
"Ah yaan mo na mga yan bes! Upo na tayo tara na! Wag mo ng pansinin mga iyan!" Wika ni Angelo na biglang nataranta.
Ng magsimula na ang graduation. Masayang masaya ang lahat. May iyakan. May yakapan.
"Bes graduate na tayo!" Agad na lapit ni Angelo kay Madel.
Napaiyak naman agad ang batang babae. "Bes mamimis kita." Malungkot na wika nito.
Agad na nagyakap ang dalawa.
Hindi maintindihan ng dalawa kung bakit parang biglang tumigil ang ikot ng mundo.
Parang wala na silang naririnig at silang dalawa na lamang ang tao sa Gym na yun.
Parang ayaw na nilang matapos ang gabing iyon.
Alam nila pareho na maaaring pagkatapos ng gabing iyon, Marami ang pwdeng mangyari.
Marami ang pwedeng magbago.
"Bes! Kita tayo sa Graduation Party natin mamaya ha? Hihintayin kita." Pabulong na wika ni Angelo kay Madel.
"Oo Bes. Darating ako." Agad na tugon ni Madel sa batang lalaki.
"Oi tara guys picture-picture na tayo!" Narinig nilang yaya ng isa nilang kaklase.
Hinabol na lamang ng tingin ng dalawa ang isat-isa hanggang sa hilahin na sila ng kanya-kanya nilang mga tropa.
Maya-maya pa'y unti-unti ng naguuwian ang lahat para sa handaan sa kani-kanilang bahay.
Hindi na nagkita pang muli ang dalawa hanggang sa uwian...
♥♥♥
BINABASA MO ANG
Bestfriends...lang? [This is a true story]
Teen FictionThis is my friend's story... masyado akong natouch sa kwento nya.... kaya para sa kanya ito.. A love story of a bestfriends... Will they end up with each other? Or will only be just friends forever?