Chapter Seven

823 5 0
                                    

♥♥♥

~~ Summer Na! ~~

Ano nga ba ang ngyayari pagkatapos ng Graduation?

Syempre nangunguna na dyan ang bakasyon! 

Summer na!

Maliban doon, excited na kinakabahan ang lahat...

What will happen next?

Saang school ako mageenroll?

Sino kaya ang mga magiging bagong friends ko?

Mahirap kaya? Makakaya ko kaya?

Pero kung ganun ang iniisip ng lahat, iba si Angelo.

Sa kauna-unahang pagkakataon kasi sa buhay niya simula ng magkaisip siya. Ngayon niya lang hindi na makakasama ang kaniyang bestfriend.

Kaya naman para siyang namatayan. Matamlay. Walang gana kahit niyaya siya ng mga barkada niyang maglakwatsa.

Na tinatawanan lamang ng kaniyang buong pamilya. Siya kasi ang bunso, at spoiled sa lahat. Kaya naman alam ng lahat ang kaniyang pinagdadaanan.

"O Angelo anak! Kelan mo ba gustong magpaenroll sa high school? Mamimili pa tayo ng mga gamit mo." Narinig niyang tawag mula sa baba ng kaniyang ina habang siya ay nakahiga sa kaniyang kama. Ganito araw-araw ang gawa niya. Matulog ng matulog at humilata lamang sa kama. Ni ayaw niyang lumabas dahil lalo lang daw siyang nalulungkot.

"Mama ikaw na po ang bahala. Ayaw ko pa pong lumabas ei!" Sigaw na tugon niya sa kaniyang ina habang nakadapa pa rin sa kaniyang kama.

"Ay pambihira ka talagang bata ka! Wala ka na bang planong mag-aral ha? Isusumbong kita sa Papa mo mamaya pagdating!" Pagalit ng sagot ng kaniyang ina mula pa rin sa ibaba ng bahay. 

Agad naman siyang napatayo sa kaniyang kama. Alam niya na ang mangyayari pag nakarating ito sa kaniya papa. Baka mapalo pa siya lagot na! "Ahh cge po ma! kahit po ngayon na pwede po!" Agad niyang sagot sa kaniyang ina. Mahirap na at baka magalit pa ang kaniyang napakabait na Mama at lalo siyang malalagot.

Sa ibaba ay agad namang napangiti ang kaniyang ina. Alam na alam na nito kung panu mapapasunod ang kaniyang bunso.

"O Siya bumaba ka na dito at kumain ng tanghalian. Bukas na lang tayo lalakad papunta sa school niyo ng makapaenroll ka na. At sa susunod na araw tayo pupunta sa bayan para makapamili ng mga bago mong gamit." Nakangiting tugon ulit nito. Alam kasi nito na good news ang sinabi nito para sa kaniyang bunso.

"H-Ha! Talaga Mama!" Agad itong napalabas sa kaniyang kuwarto at halos palundag na binaba ang hagdanan. "Talaga Mama! Pupunta tayo sa bayan sa susunod na araw!?" Nanlalaki ang matang tanong niya.

"Ahmm....Pinagiisipan ko nga kung tutuloy pa tayo eh." Mukhang nagiisip pero may pinipigil na tawang tugon nito kay Angelo.

"Mama naman!!" Agad niyang niyakap ang kaniyang ina. Mahirap na baka magbago pa ang isip.

"Oh siya tara ng kumain ng agahan. Aba nangangayayat na anak ko oh! Ikaw rin baka hindi ka na makilala ni Madel niyan pag nagkita kayo!" Nakangiting wika ng kaniyang ina sa kaniya.

"Cge po mama kakain na po ako!" Masaya ng tugon nito.

Matapos kumain. Agad namang dumating ang mga kaibigan ni Angelo para sunduin siya. Nakaraang araw pa kasi siyang binabalikan ng mga ito at niyayayang maligo sa ilog sa paanan ng bundok. Mga 30mins nila itong lalakarin mula sa kabahayan ng kanilang lugar. Ginagawa nila ito palagi noon tuwing summer, masarap kasing maligo doon at malamig ang tubig, masarap pa ang simoy ng hangin dahil malapit din ito sa palayan, dito nggagaling ang mga patubig na ginagamit para sa mga palayan sa kanilang lugar.

Bestfriends...lang? [This is a true story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon