Chapter Two

1K 13 0
                                    

Helow everyone!

Nakarating ka dito kaya magpapasalamat ako...

Maraming salamat sa pagbabasa...yun lang may nadagdag sa readers ng bawat story ko masaya na ako...

Maraming salamat po!

♥♥♥

Grade 5...

Nagsimula sa sayaw...

Hanggang sa hindi na nga mapaghiwalay ang dalawa...

Lalo silang naging close magmula noon...

Yung parang hindi mabubuhay ang isa kung wala ang isa...

Magmula sa bahay...

Hanggang sa school...

Halos mapagkamalan na nga sila eh na 'sila'...

Pero sa kanilang mga batang puso, wala pa sa kanila yun...

O mas tamang sabihin na 'hindi pa nila alam yun'...

Talagang close sila...

Matalik na magkaibigan...

Best of friends...

"Angelo! ipagpaalam mo ako kay mama! gusto kong manuod mamayang gabi sa plaza." wika ni Madel kay Angelo habang nagmemerienda sila sa canteen.

Oo sobrang close sila, na hanggang sa mga bahay ng isat-isa ay welcome at pinagkakatiwalan sila...

Na pag ipinaalam ng isa ang isa, papayagan sila...

Kaya naman hanggang sa mga lakwatsa magkasabwat sila...

"Oh cge pero sa isang kundisyon." nakangising sabi ni Angelo kay Madel.

"Ano na naman yan bes?" napasimangot naman na wika ni Madel.

"Paki tulungan mo ako sa assignment ko." nakangisi pa ring sabi na Angelo.

"Ay sus! un lang pala eh! walang problema! hehehe..." nakangiti ng sabi ni Madel.

Sa kanilang dalawa, si madel ang matalino at active sa academics...

Si angelo naman ay mahilig sa pagtugtog ng gitara at mahilig sa music...Pangarap niyang makapagbuo ng isang banda paglaki niya...

----

Matapos ngang ipaalam ni Angelo si Madel sa mga magulang nito, sila ay natuloy na sa kanilang lakad sa Plaza.

"Grabe ka bes! Sobra ang mga pangako mo sa mga magulang ko! akala mo naman matutupad...hmp!" wika ni Madel habang naglalakad sila papunta sa Plaza.

"Aba naman! kung hindi ko ba naman ipapangako yun, kala mo ba papayagan ka?" wika naman ni Angelo.

"Pero hindi mo kailangan mangako ng ganon!" pagalit na wika na ni Madel.

"Bakit ka ba nagagalit? Sinabi ko lang naman na walang lalaking makakalapit sayo, na babantayan kita at hindi hihiwalayan, ano bang masama doon ha!?" galit na rin na wika ni Angelo kay Madel.

"Natural! hindi mo ako dapat bantayan ng ganon! bakit boyfriend ba kita!? Tsaka bata pa ako! Wala pa akong muwang sa pakikipagdate! Bakit kailangan mong takutin ang mga magulang ko na baka makikipagdate lang ako!" pagalit pa rin wika ni Madel kay Angelo.

"Ahh ganon!? ayaw mo palang babantayan kita!? bakit ha!? siguro my plano ka talagang makipagdate ano!?" halos pasigaw ng tanong ni Angelo kay madel.

"Hoy! kahit makipagdate ako wala kang pakialam! at ang bata-bata ko pa para pagisipan mo ng ganyan!" naiiyak ng wika ni Madel.

At sa kauna-unahang pagkakataon, nagkagalit ang dalawa.

----

Pero dahil sa hindi nga silang dalawa mabubuhay ng wala ang isat-isa, pagkalipas lamang ng isang araw....

"hi bes!" nakangiting lapit ni Angelo habang nagmemerienda si Madel sa kanilang canteen.

"Pwede ba, wag mo nga akong lapitan." malamig na tugon ni Madel.

"Bes bati na tayo....sorry na please...." nagpapacute na wika ni Angelo kay Madel.

At sa sobrang trying hard nga magpacute ni Angelo, hindi sinasadyang natawa si Madel...

And then...back to normal....

Ang kulitan....Asaran...habulan at harutan....

Ang dalawang halos hindi maghiwalay ay lalong pang hindi na mapaghiwalay...:)

♥♥♥

Bestfriends...lang? [This is a true story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon