Chapter Nine

646 4 0
                                    

♥♥♥

Mabilis na lumipas ang dalawang buwan...

Dalawang buwan na ni hindi man lang sila nagkikita ni Madel.

Nakakalungkot. Ayaw na ba niya sa akin? Mga tanong na nasa isip ni Angelo sa ngyayari.

Mabuti na lamang at nandyan si Kristina. Ang kaibigan na laging nang-aalo sa kaniya pag malungkot siya.

At nandyan din ang mga tropa niya. Na tinutulungan siyang kalimutan ang lungkot sa hindi pagdalaw ni Madel.

Pero dalawang buwan na. Busy ba talaga siya sa school? Hindi ba nangako siya na lagi siyang dadalaw? Nakalimutan na ba niya ako?

Samantala, dahil High School na, nagsimula na ang masayang yugto ng kanilang kabataan.

Nagkayayaan silang magbabarkada na bumuo ng banda. At siya ang gitarista dahil magaling siya doon.

Agad na nagclick ang grupo nila sa buong school. Nagsimula na silang sumikat sa buong campus.

At syempre pag sikat. Nagiging habulin ng chicks.

Samantala, habang sila ay walang balita kay Madel, hindi naman ito.

Lagi siyang nakikibalita sa kaniyang kaibigang si Jessa. Nagsusulatan sila.

Naibalita naman nito sa kaniya ang mga pagbabagong nangyayari.

At sobrang saya rin niya na sa wakas natupad na ang pangarap ni Angelo na bumuo ng banda.

At dahil masaya siya para dito, at dalawang buwan na rin siya nagpalipas ng sama ng loob, agad na niyang nakalimutan ang nangyari at ngplanong umuwi sa darating na sabado.

Hindi pa naman talaga sila sigurado sa totoong estado ng dalawa eh. Kaya susubukan niya pa rin kung importante pa rin siya sa kaniyang kaibigan. Siguro naman, hindi siya nito basta-basta makakalimutan.

Maaga pa ng sabado ay nasa sakayan na siya ng bus. Gusto niyang makarating ng maaga para mapupuntahan niya agad si Angelo bago pa may magyaya dito ng lakad.

Pagkarating sa kanila, agad siyang nagbihis para lumakad kina Angelo. Alas nuebe pa lamang ng umaga. Siguro tulog pa yun.

Ngunit malayo pa lang ay nakita na niyang maraming kabataan ang nasa bakuran nina Angelo. Anong meron!?

Nagaatubili man ay tumuloy pa rin siya sa pagpasok. Bahala na.

Agad naman siyang nakilala ng mga kabataan na nasa loob ng bakuran nila dahil mga tropa pala ito ni Angelo, kasama din ang ibang mga kabataan na hindi na niya kilala, siguro mga bagong classmate nila.

"Oi Madel! Umuwi ka!" Agad na salubong sa kaniya ng mga ito.

"Wow! At last umuwi ka rin! Long time no see ah!" wika naman ng isa pa.

"Angelo! Bilis labas na dyan! May sorpresa kami sa'yo!" Excited na tawag ni Erwin, ang bestfriend ni Angelo.

"Ano ba ang ingay-ingay naman ninyo dyan! Ano bang problema nyo!?" narinig niyang wika nito bago lumabas.

At "Huh!" wika nito na nanlalaki ang mga mata. ilang sandaling pareho silang natulala sa isat isa bago pa may makapagreact. Dalawang buwan, napakatagal na panahon na hindi nakita ang isat isa.

Hindi namalayan ni Angelo na nakalapit na pala siya kay Madel. Matagal silang nagkatitigan bago niya ito dahan-dahang kinabig payakap sa kaniya. Na agad namang tinanggap nito ng mahigpit na yakap din.

Agad namang nagkantyawan ang mga asungot na tropa ni Angelo.

"Naku naman! Dumating na ang original!"

"Lagot lagot! Sino ba talaga!?"

"Tumigil nga kayo dyan!" wika ng naaasar na si Angelo. Asar na asar siya, panira ng moment. ^_^

"Oh siya tara na! Lumakad na tayo bago pa uminit!" wika ni Erwin.

"Saan ba kau pupunta bes?" tanong naman ni Madel na nakahawak pa rin sa braso ni Angelo, hawak na parang mawawala at kailangang higpitan.

"Ahh..papunta kasi kami sa ilog. Tara sama ka. Alam kong namiz mo yun." sagot nito.

Agad namang namilog ang mata ng dalagita. "Wow! Talaga!? Cge sama ako!" wika niya.

Nagkani-kaniyang dala na ang lahat at handa ng umalis. Nang biglang...

"Waaaahh!! Buti na lang nakahabol ako! Muntik na akong maiwanan! Hay!" Humihingal na sigaw ng isang dalagita na kararating lang.

Na agad nilang nakilala na si...Kristina!?

Anak ng...siya na naman!? Hindi ba pwedeng moment muna namin ito!? wika ng isip ni Madel.

"Oi Kristina tara na! Buti nakahabol ka. Paalis na kami." agad na wika ni Angelo na lalapit sana dito, ngunit agad niyang hinigit ang braso nito kaya naman naalala nito na nandyan pala siya. Agad naman siyang nakaramdam ng selos.

Samantala si Kristina naman ay agad nakaramdam at agad napatingin sa kamay niya na nakahawak sa braso ni Angelo.

"Oh siya tara na lakad na!" agad na pang-iiba ni Erwin sa namumuong tensyon sa pagitan ng tatlo.

Agad na silang lumakad papunta sa Ilog. Dumaan na naman sila sa mga pilapil at sa mahabang palayan.

Lagi namang nakaalalay si Angelo kay Madel.

At si Kristina naman ay minabuting sumabay kay Erwin.

Agad na nagkasiyahan sila pagdating sa Ilog, nandyan na ang harutan, tulakan at laglagan sa Ilog, usap-usap sa isang tabi ang mga magkakasintahan, kainan at ihawan.

Agad namang sumama si Kristina kina Erwin na mamingwit ng mga isda. Habang sina Angelo at Madel ay nagusap sa isang tabi. Nagkakamustahan sila.

"Kamusta ka na ngayon bes? May nanliligaw na ba sa iyo?" tanong agad ni Angelo.

"Kahit meron, hindi ba sinabi ko na sa iyo na hindi ako magpapaligaw? Merong gustong manligaw na makukulit pero hindi ko naman sila pinapansin." wika nito.

"Talaga?" natutuwang sagot niya, hindi makapaniwala. "Mag-iingat ka doon okay? Wala ako doon para protektahan ka." wika nito at hinaplos ang pisngi ni Madel.

Na ikinatuwa naman ni Madel, wala pa rin palang nagbabago sa kanila. Sweet pa rin ito sa kaniya.

Ngunit...

"Angelo!" tawag ng isang boses sa kanila.

Agad silang napalingon.

Si Kristina, tinatawag si Angelo.

Agad namang napatayo ang huli at pinuntahan ang tumawag.

A-At bakit umiiyak si Kristina? isip niya.

Nagulat siya ng niyakap ni Angelo si Kristina. Parang inaalo.

Hindi siya naka-react dito at natulala lang siya habang nakatingin sa dalawa.

Niyakap ni Angelo si Kristina at inaalo niya ito ngayon. Umiiyak siya. Bakit!?

Hindi niya ito kinayang tingnan kaya tumalikod siya agad at nakihalo sa mga kabataan sa kubo na kinalalagyan ng mga gamit at pagkain nila.

Hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi niya matanggap. At nasasaktan siya.

Akala ko pa naman walang nagbago. Wika ng isip niya.

Maya-maya lang ay nagkainan na. Agad bumalik si Angelo sa kaniya at tinulungan siyang kumuha ng pagkain niya. Pero hindi niya ito tinanggap. Kumuha siya ng sarili niyang pagkain at kumain magisa.

Agad naman siyang tinabihan ni Angelo at sa nagtatakang tinig. "Bes, May problema ba?" wika nito.

Umiling lang siya at patuloy na kumain.

Natapos ang Outing na iyon ng hindi na bumalik sa dati ang mood ng dalawa.

Hindi sila nagiimikan.

Hanggang sa umuwi.

Ngunit nung gabi na, hindi mapalagay si Angelo.

Pakiramdam niya may mali.

Hindi ako makatulog! Kailangan ko siyang kausapin ngayon!

♥♥♥

Bestfriends...lang? [This is a true story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon