Chapter Twelve

776 14 15
                                    

♥♥♥

Matuling lumipas ang mga araw.

Matagal na hindi nagkita sina Madel at Angelo.

Hindi nila alam kung sino ba ang umiiwas sa kanilang dalawa.

O sadyang hindi lang talaga sila pinagkikita ng mga pagkakataon.

Masyado na raw kasing naging busy sa school si Madel kaya hindi masyadong nakakauwi.

At hindi na rin nagtangkang dumalaw pa ulit si Angelo sa kaniya simula noon. Kaya pareho silang hindi nabigyan ng linaw ang mga huling ngyari.

At hinayaang maging ganon na lang ang lahat. Walang paliwanagan. Walang Linawan.

Hanggang sa...

"Oh Pareng Angelo! Balita ko kayo ang kakanta sa Fiesta ah!" Bati kay Angelo ng isa nilang kaklase.

Sikat na kasi ang banda nina Angelo ngayon sa buong bayan nila, sila na ang laging naiimbitahan sa lahat ng mga gatherings sa buong bayan.

"Oo nga pare! Todo praktis na nga kami para hindi mapahiya. First time namin itong kakanta sa Fiesta. Mahirap na." Nakangiting tugon naman ni Angelo sa kaklase.

"Naku pare gudluck sa inyo. Galingan nyo ha! Daming chicks manunuod nun! Tsk! Kayo na naman ang center of attraction nun! Tsk! Iba na talaga sikat!" sagot ulit nito.

"Hahaha! Hindi naman pare! Naku cge na nga aalis na ako at my praktis pa kami! Ingat ka pare!" wika niya at umalis na agad ng hindi hinihintay ang sagot nito.

Mahirap din talaga makipagbiruan sa hindi mo close, kailangan mong magpakita ng maganda.

Makalipas pa ang ilang minuto, nandito na si Angelo ngayon sa bahay ng isa nilang ka-banda. Todo praktis na sila ngayon kaya halos araw-araw ay nandito sila.

Pinapraktis nila ang lahat ng kailangan nilang kantahin. Sila ang main band na kakanta sa gabing iyon. Dapat lamang na masatisfied lahat ng manunuod sa kanila at masulit ang ibabayad sa kanila.

At syempre pa, hangad nila na marami ang humanga sa kanila. Nangangarap din syempre sila ng kasikatan para sa grupo nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriends...lang? [This is a true story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon