Chapter Four

870 7 0
                                    

Dedicated to you...dahil sa iyo nainspired akong mgupdate! (^___^)

Thankx for reading!!

♥♥♥

"Madel!" Pasigaw na tawag ni Angelo kay Madel.

Agad namang napasimangot ang batang babae. Ano na naman kayang problema ng payatot na ito!

"Hoy! Tawag ka ni Maam! Yung Attendance Sheet daw nasa iyo. Magcheck ka na raw ng attendance!" Pasupladong saad ni Angelo sa kaniyang kaibigan.

Bigla naman siyang nagulat. "Hala! Oo nga pala! Nakalimutan ko! Ahm, Jacob alis muna ako ha? May gagawin pa pala ako. Kita na lang tayo ulit mamaya." Nakangiting baling niya kay Jacob.

"Sure! Kita na lang tayo ulit mamaya!" Nakangiti namang tugon nito na lalong nagpasimangot kay Angelo.

"Tara na! Aba ang tagal!" Nagmamadali ng yaya ni Angelo sa batang babae.

Samantala pagbalik sa kanilang cottage...

"Maam, Magchecheck na po ako ng Attendance." Nakangiting paalam ni Madel sa kanilang Adviser. Si Madel kasi ang kanilang Class Secretary, kaya naman siya ang humahawak ng mga ganitong Attendance.

"Oh sure hija! Ikaw ang bahala. Magcheck ka na kung okay lang sa iyo." Nakangiting tugon ng kanilang guro na nagpakunot ng noo ng batang babae.

Na nagpatalikod naman agad kay Angelo. Akmang tatakas.

"Hep hep hep! Hoy Angelong hilo! Ikaw talagang lalaki ka! kontrabidang papansin!" Galit na galit na habol niya kay Angelo.

Ngunit agad na nakatakbo ang batang lalaki papunta sa dagat.

At dahil wala ng choice. Nagpasya si Madel na magcheck na lang ng Attendance.

Pagdating ng lunch....

"Hi bes!" Naglalambing na tawag ni Angelo kay Madel.

Na inisnab naman ng huli.

"Oi bes! Sabay na tayo kain." Paglalambing pa rin nito.

"Bakit? Hawak ko ba ang bibig mo para sa akin kapa sumabay!? Nakasimangot pa ring tugon niya sa kaniyang kaibigan.

"Bes diba sabi ko sa iyo wag kang sisimangot ng ganiyan. Ampangit mo." Nang-aasar naman ulit ng wika ng batang lalaki kay Madel.

"Eh di doon ka na kay Rizza. Yun maganda na magaling pang kumanta." Nakairap na wika ng batang babae.

"Bes wag kang ganiyan. Baka mamaya isipin ko na nagseselos ka." Nakangising wika ni Angelo kay Madel.

"Ahh talaga? Baka ikaw ang nagseselos! Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mong panloloko sa akin kanina!" Napalakas na tugon ni Madel sa kaniyang kaibigan.

Na naging dahilan naman para mapansin sila ng lahat.

"Oi LQ sila."

"Aba aba aba! Lumelevel-up ang LoveTeam natin!"

"May selosan blues na!"

Mga kantyaw ng kanilang kaklase sa kanila na nagpapula ng mukha ni Madel at nagpangiti naman kay Angelo.

"Bakit kasi hindi na lang kayo?" Wika ng isa nilang kaklase.

"Oo nga! Bagay talaga kayo!" Wika ng isa pa nilang barkada na si Erwin.

"Bestfriends lang kami guys! Tama na yang kantyawan at namumula na bes ko." Wika ng batang lalaki.

Nang matapos ang kainan. Ipinasya ni Madel na sumama sa mga kaibigang babae na maligo sa dagat. Hindi pa siya masyadong makaget-over sakantyawang naranasan kanina. Bakit ganon? May gusto kaya sa akin ang bestfriend ko?

Nang maguwian na. Agad hinawakan ni Angelo ang kamay ni Madel para magkasabay sila pag-akyat ng bus. Agad siya nitong pinauna sa upuan saka umupo sa kaniyang tabi.

Ngunit pareho silang napipi at walang maisip na sabihin sa isat isa.

Makalipas ang isang oras na wala silang imikan. Nakarating na ang bus sa terminal na bababaan nilang lahat. Mula doon ay lalakarin na lang nilang dalawa ang papunta sa kanilang subdivision kung saan magkaharap lang ang kanilang mga bahay.

Habang naglalakad. Wala pa ring imikan ang dalawa.

At ng tumapat na sa kani-kanilang bahay.

"Bes! Kung sakali bang....Ahhmm....ano..." Sabay kamot sa ulo. "Ahh ano kasi bes... May itatanong lang ako." Kamot ulit sa ulo. " Kung sakali bang...Kung sakali lang naman yun bes..."

Ang batang babaeng nakikinig ay biglang napakunot ang noo.

"Ano bang sinasabi mo bes?" tugon nito.

"Ah eh wala bes!" Kamot ulong tugon uli nito.

"Ano ba yan bes! Para kang baliw!" Nakasimangot ng tugon ni Madel. "Diyan ka na nga!" wika nito sabay lakad papasok sa kanilang bakuran.

Samantala ang naiwang si Angelo ay napakamot uli sa ulo.

Hay...tumigil ka nga sa iniisip mo Angelo...Ke bata bata mo pa...Sabay kamot uli sa ulo bago pumasok sa loob ng bahay.

Samantala si Madel. Ano kaya ung gusto niyang sabihin? Hay bahala nga siya!

♥♥♥

Bestfriends...lang? [This is a true story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon