Chapter Six

805 11 0
                                    

♥♥♥

Sa kanilang Graduation Party...

Pagkatapos ng celebration kasama ng kani-kanilang pamilya, Agad na nagkayayaan ang mga kabataan para sa kanilang Graduation Party Sa Gym ng kanilang School.

Ito ay proyekto ng kanilang Student Council na puro nagsipagtapos na rin ngayong taon. Hiwalay ang Party ng Elementery sa High School. Kung ang Elementary ay sa Gym kung saan idinaos ang kanilang Graduation Rites, ang High School naman ay sa malaking canteen sa loob lang rin ng kanilang school, mas konti kasi ang High School kumpara sa Elementary.

Mga alas nuebe ng gabi ay nagsimula ng magsidatingan ang mga nagsipagtapos.

Naka-casual wear lang sila lahat. Hindi naman kasi ito JS Prom na kailangan nilang magformal wear.

Nauna naman si Angelo dumating dahil nanggaling pa siya sa isa niyang barkada bago pa dumeretso sa party.

Agad namang nagsimula ang party. May mga pagkain. Nagsimula na ang sayawan.

"Oi pare tara na! Wow mga clasmeyt natin puro mga chix! Parang ngayon ko lang ata sila nakitang magaganda ah!" Napapailing na wika ng isang barkada ni Angelo.

"Naku wag niyo ng kakausapin si Angelo tungkol sa mga ganyang bagay at 'taken' na ang puso nyan!" Narinig namang pangangantyaw ng isang barkada niya sa kaniya.

"Pwede ba mga tol tigilan niyo ako! Kanina ko pa nga hinihintay hindi pa dumarating eh!" Naiinip namang wika niya sa mga kaibigan. "Sabi kasing sunduin ko na kanina eh! Kayo kasi eh!" 

"Aba kami pa sinisi nito!" Nakangising wika ng isa pa niyang barkada.

"Ooppss! Mga tol speaking of the angel!" Nakangiting wika ng isa pa niyang barkada habang nakatingin sa pintuan.

Agad naman silang lahat napatingin sa papasok sa pintuan.

Sa pintuan...Papasok ang isang batang babaeng angat ang ganda sa lahat. Nakasuot siya ng bestidang bulaklakin na color yellow na lalong nagpatingkad ng kaniyang kaputian. Lalo rin siyang naging stand out dahil sa kaniyang katangkaran na angat sa kaniyang edad. Idagdag pa ang nagsisimula ng korte ng kaniyang katawan. Hudyat na malapit ng magdalaga.

Bestfriends...lang? [This is a true story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon