Chapter Eight

707 6 3
                                    

♥♥♥

"Angelo!" Narinig niyang tawag sa kanyang pangalan.

Agad naman siyang napalingon.

Narito siya ngayon sa school nila, hinahanap kung saang klase siya mapapabilang.

High School na siya. Simula na ng exciting na buhay ng kanilang kabataan.

Kaya naman lahat ay excited. Lahat ay kinakabahan. Lahat ay masaya.

"Oi Kristina! Kamusta? Dito ka rin?" Turo niya sa pintuan ng classroom na papasukan niya na sana bago siya nito tawagin. Ang Section B - Gumamela, ang section na kaniyang papasukan sa taon na ito. Hindi naman siguro niya magiging kaklase si Kristina hindi ba?matalino ito, hindi ito nararapat sa mga second section na katulad ng papasukan niya.

Agad naman itong napangiti sa kaniyang tanong. "Hindi eh, Pero magkatabi lang mga classroom natin." sagot nito habang itinuturo ang katabing classroom. "Cge papasok na ako ha? Gudluck sa klase mo." wika nito at agad umalis.

Nakasunod pa rin ang tingin niya hanggang sa makapasok ito sa classroom. Hindi naiwasang mapangiti siya.

Nitong nakaraang summer, isa si Kristina sa mga tumulong para hindi tuluyang maging malungkot ang kaniyang summer. Sinamahan siya nito sa mga lakwatsa niya anumang oras na yayain niya ito.

Nalulungkot pa rin siya na wala na ang bestfriend niya. Pero wala siyang magagawa. Tadhana na yata talaga na kailangan nilang maghiwalay. Tutal naman bata pa naman sila.

Dati pa rin ang mga barkada niya, sila-sila pa rin ang magkakasama sa iisang section.

Ang kaibahan nga lang, wala na ang nagiisang babaeng kaibigan niya.

Pero simula nung summer, hindi maitatanggi na may bago na naman siyang kaibigang babae.

Si Kristina.

"Angelo! Tara na uwi na tayo." Yaya sa kaniya ni Kristina pagdaan nito sa classroom nila. Agad namang nakantiyawan si Angelo ng mga nakarinig.

"Aba aba aba! Gumaganon na!" wika ng isa.

"Oi iba na iyan ah!"

"Isa ka talagang taksil tol!" wika ng isa pa.

"Tumigil nga kayo nakakahiya kay Kristina!" sagot niya sa mga ito sa mataas na tinig. Agad siyang napatingin sa babae na nakangiti lang naman.

Agad niya itong niyayang umalis na.

Ganon na naging set-up nila simula ng magpasukan ng High School. Lage na silang sabay pumasok at umuwi.

Samantala tuwing sabado at linggo naman sila nagkikita ng bestfriend niyang si Madel. Oo, tinupad nito ang ipinangako nitong uuwi palage sa kanila.

Kaya naman parang wala pa ring nagbago sa kanilang dalawa.

Kahit na noong summer eh halos hindi sila nagkita, bumawi naman ito ng magsimula ang pasukan.

Pero isang araw...

Umuwi si Madel ng Friday ng hapon. Galing school dumeretso siya agad sa sakayan ng bus para maagang makarating sa kanilang barangay.

Dumating naman siya sa oras na kaniyang inaasahang uwian sa eskwelahan.

Kaya naman pagkatapos magbihis sa kanilang bahay. Agad siyang lumakad para puntahan si Angelo.

Masayang naglalakad si Madel sa kanilang street ng biglang makakasalubong niya ang isang grupo ng mga kabataan.

Agad niyang nakilala ang tropa nina Angelo na naglalakad pauwi. Ngunit may kasabay...Si Angelo?

Si...Kristina!?

Panu nangyari iyon? Sila na ba ngayon?

Mukhang masaya sila.

Agad siyang tumago sa tindahan na kaniyang nadaanan para hindi siya nito makita. Hindi niya napaghandaan ito at hindi niya alam kung panu ang irereact sa kaniyang nakita.

Hindi niya rin maintindihan kung bakit para siyang nasasaktan. Sila na ba ang bagong bestfriends? Pinalitan niya na ba ako sa buhay ni Angelo? Nagiisa lang siyang babae sa kanilang magkakasama, parang ako rin noon.

Hindi maiwasang naisip niya.

Agad siyang lumabas nung pakiramdam niya wala na sila.

Ngayon, hindi na niya alam kung gusto niya pang tumuloy na dalawin si Angelo. Nalilito siya sa kaniyang nararamdaman.

Bakit nasasaktan ako? Bakit parang hindi ko matanggap na may pumalit na sa posisyon ko sa iyo?

Nagpalipas ulit si Madel ng ilang oras, tumuloy muna siya sa bahay ng isa rin niyang kaibigan na si Jessa para dalawin ito.

Hindi na ito nagulat ng makita siya. Palagi niya rin kasi itong dinadalaw tuwing uuwi siya.

"Oh Madel bakit ang aga mo ngayon? Friday pa lang ah." Nakangiting salubong nito sa kaniya.

"Ahh..Gusto ko kasing makauwi agad dito eh." sagot niya sa matamlay na tinig. Hindi niya alam pero parang gusto niyang umiyak sa mga oras na iyon.

"Bakit naman parang matamlay ka? Dinalaw mo na ba si Angelo?" tanong nito sa nagtatakang tinig.

"Ahm..H-hindi pa." wika niya sa nauutal ng tinig.

"Hey! Anong ngyayari sayo? Bakit parang iba ka ngayon. May Problema?" wika nito na nagaalala na.

Hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili. Agad siyang napaiyak sa balikat ni Jessa. Oo magkasabay lang yun, hindi niya pa alam ang totoo. Pero nagseselos siya, hindi niya mapigilan iyon. At nalulungkot siya na agad siyang napalitan ng bestfriend niya.

"Ssshhh...tama na, ano ba talaga ang problema?" wika nito sa nang-aalong tinig.

"J-Jessa...B-Bakit magkasabay sina Angelo at Kristina kanina kasama mga tropa niya?" wika niya habang umiiyak.

Hindi na nagulat si Jessa sa kaniyang tinuran. Agad siya nitong niyakap pa para mawala ang sakit na nararamdaman nito.

Matagal na niyang alam iyon pero ayaw niyang sabihin sa kaniyang kaibigan dahil ayaw niyang lumabas na naninira lang.

"Mabuti pa kausapin mo si Angelo. Wag kang basta umiyak dito. Ano ka ba? Hindi mo pa naman alam ang totoo eh. Mas mabuti kung kakausapin mo sila." wika nito sa kaniya.

Agad naman itong nahimasmasan sa sinabi niya. Oo nga naman, hindi pa siya sigurado sa nakita niya. Baka naman nagkataon lamang iyon.

Nung nakabawi na siya, agad niyang inayos ang kaniyang sarili at nung hindi na halatang umiyak siya, agad siyang lumakad para puntahan si Angelo.

Ngunit hindi na siya nakarating doon. Bago kasi makarating doon ay madadaanan muna niya ang Park ng Subdivision nila, at dahil gabi na maraming kabataan ang nakatambay.

At sa tulong ng liwanag sa poste, agad niyang nakilala ang kaniyang kaibigan at ang kausap nito.

Mukhang sweet na sweet sila at seryosong naguusap. Marami silang kasama pero silang dalawa lang ang naguusap sa isang tabi.

Parang katulad namin noon.

Hindi na niya pinagkaabalahan pang puntahan ang kaniyang kaibigan at agad siyang umuwi.

Agad din siyang nagpaalam sa kaniyang mga magulang na babalik na sa bayan kinabukasan at meron pa siyang nakalimutang project nila. Na agad namang pinaniwalaan ng mga ito.

Lumipas ang sabado at linggo na hindi nagkita ang dalawa. Na ipinagtaka at ikinalungkot ni Angelo. Nasanay na kasi siyang nakakasama ang kababata sa mga araw na iyon.

Kahit nagtataka ay hinayaan na lang muna niya ang kaniyang kaibigan dahil sabi ng Mama nito, busy daw sa school.

Kung alam lamang niya...(~..^)

♥♥♥

Bestfriends...lang? [This is a true story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon