Chapter Three

972 11 3
                                    

Dedicated ito sayo kapatid...

Sa walang sawang pagbabasa mo sa kwento ko...

Sana magustuhan nyo...

Happy reading!!

♥♥♥

Matuling lumipas ang isang taon...

At ngayon Grade Six na sila...

Graduating students...

Dumami na rin ang mga activities...

At syempre, pag graduating...ang lageng tanong: Saan ka mag-aaral ng high school?

"Bes! totoo ba na sa bayan ka na mag-aaral ng high school?" malungkot na tanong ni Angelo kay Madel.

"Oo bes...magkakahiwalay na ata tayo ng landas..." malungkot niya ding sagot kay Angelo.

"Ganon talaga! hindi bale, wag kang malungkot...lage kitang dadalawin! tsaka diba lage ka naman uuwi dito?" pilit na pinapasigla ni Angelo ang kanilang usapan.

Ilang buwan na lang kasi gagraduate na sila...

Ilang buwan na lang rin, hindi na magiging katulad ng dati ang lahat...

Kaya naman, mas lalong hindi na mapaghiwalay ang dalawa...

Sinusulit nila ang bawat panahon na pagsasamahan nila...

"Tara bes! sama tayo sa outing! Ako ng bahala sa mama mo!"masiglang wika ni Angelo kay Madel.

"Oi talaga!? May outing!?"excited ding sagot ni Madel.

"Oo bes! Narinig ko lang na usapan kanina ng mga Advisers ng Grade Six sa faculty paghatid ko ng mga test papers! Parang bonding time daw ito ng lahat ng graduating students!" excited ding wika ulit ni Angelo.

At kumalat na nga ang balita sa buong klase...

At syempre excited ang lahat...

Bonding time ito sa buong batch dahil lage namang kanya-kanya ang outing ng bawat klase...

Kaya naman makalipas ang isang linggo...

"Wow!ang saya-saya naman!" nakatawang wika ni Madel bago siya umakyat sa bus na maghahatid sa kanila sa Kristine Beach, ang sikat na Beach Resort sa kanilang lugar.

"Oo masaya nga...hay ang dami-dami natin...sigurado magulo ito." naiinis na wika ni Angelo.

"Oi Angelo! tabi tayo dito!" bigla na lang nilang narinig pagkapasok nila sa bus.

Si Rizza pala, ang sikat na singer sa kanilang batch...

Bigla namang namilog ang mata ni Angelo sa pagkakita sa nagyayaya sa kanyang makatabi...

Nakalimutan tuloy niya bigla na meron siyang kasama....

Samantalang si Madel naman ay biglang napasimangot...

Ahh ganon pala ha....

------

Pagkalipas ng isang oras, nakarating na sila sa Kristine Beach...

Agad namang nagkanya-kanya ang bawat batch sa bawat cottage dahil meron silang mga sariling pagkain...

Nang muling magkasama si Angelo at Madel...

"Ang sweet niyo naman ni Rizza." malamig na wika ni Madel kay Angelo.

"Oo nga bes!akalain mo yun! Ung crush ko simula Grade 4 tayo pinansin ako! At hindi lang yun nakatabi ko pa sa upuan!" kinikilig na wika ni Angelo kay Madel.

Na lalo namang nagpasimangot sa magandang mukha ng batang babae...

Kaya naman sa inis, iniwan niya ito at nakihalo na siya sa mga kaklase niyang naliligo sa dagat...

"Oh anong problema nun!?" nagtataka namang wika ng naiwang si Angelo...

Samantala sa dagat...

"Hi Madel!" Nakangiting lapit ng isang batang lalaki kay Madel.

"Hi Jacob!" Napangiti rin agad si Madel ng makita ang bumati sa kanya.

Sino ba namang hindi mapapangiti kapag nilapitan ka ng sikat na gwapo at kilalang playboy ng batch niyo?Oo, si Jacob ay playboy at kilala na bata pa lang ay marami ng naging girlfriends sa kanilang school...At bakit hindi kung talaga namang biniyayaan ka ng gwapong mukha at tangkad na pansinin sa kanyang mga kaedad...

Nagpatuloy ang kwentuhan ng dalawa...

Kinikilig naman si Madel...crush nya rin kaya ako? hmp! kala mo bes ikaw lang ha...hehehe...

Habang nagkukwentuhan...hindi napansin ng dalawa na merong nakasimangot na nagmamasid sa kanila...

--------------

Sino kaya ang nagmamasid san kanila?

Abangan!

♥♥♥

Bestfriends...lang? [This is a true story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon