Myra/Irah's POV
"EZ-EZEKIEL?!?!?!?!?!?!" -gulat na gulat ako ng nakita siya.
Sobrang... Sobrang gwapo niya! Nagpagupit siya ng buhok...yung mata niya ang ganda...yung lips niya...yung divided chin niya...yung cute niyang mata...sobrang pogi niya...ang linis niya nang tignan... Naka-uniform na rin siya plus yung earrings niya...Perfect guy na siyang matatawag! Sobrang swerte talaga ni Irah sa kanya!
"Bumalik na ulit si Ezekiel! My gosh ang gwapo niya! "
"He's so damn hot! "
"Bes yung hormones ko...di makaya ang kapogian ni Ezekiel!"
"Ang pogi na niya ulit...I want him!!!"
Kahit ako nag-agree sa sinasabi nila...ibang iba yung mukha niya kumpara kanina. Kahit sino ma-iinlove sa kanya...pwera siguro ako. Bawal ka Myra bawal!
"Bakit Ezekiel tawag mo sakin?"
"Huh? Syempre yun yung pangalan mo?"
"Gusto ko tawagin mo akong Zy ulit." -at nagpout siya.... WJAJSKKDEKSHHABWHAXNCBEOSJS! Langya sobrang cute niya...gusto kong kurutin yung mukha niya!!!
Myra pigilan mo yung sarili mo!!! Pigilan mo!!!
"Bakit pa? Break na tayo." -sabi ko at tumingin nalang ako sa pagkain niya.
"Pumayag ba ako?"
"Bakit ba? Sabi ko hindi na kita mahal."
Nagulat naman ako ng bigla niyang inilapit yung mukha niya...
"Paano ba yan? Mahal pa rin kita..." -napaatras naman ako bigla...sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Napasobrahan naman ako sa pag-atras at na-out of balance yung upuan ko...matutumba na sana ako pero...biglang hinila ni Ezekiel yung kamay ko.
"Mukha atang nahulog ka na naman sakin. Tsk tsk tsk... " -sabi niya at tumawa...ang pogi niya!
Wag kang tumingin sa mukha niya Myra... Wag kang tumingin!!!!
Inabot niya sakin ang burger...
"Alam ko gusto mo to.. -tinignan ko naman yung burger. Oh my burger...ang 150 pesos burger. Ang sarap...pero!!!
"Ayoko...busog ako."
"Paanong busog? Tubig lang naman yang binili mo? Palagi ka nalang hindi kumakain ng tama."
"Busog nga ako...ang kulit." -at biglang tumunog yung tiyan ko.
Waaaaaa...nakakahiya!!!
Tumingin naman ako sa kanya at napatawa siya...ang gwapo niya namang tumawa. Inabot niya ulit yung burger...
"Kunin mo na..."
"Ayoko nga sabi..."
"Pag di mo kinuha to itatapon ko to." -a-anoh?! Itatapon niya yung burger?! Ang mahal nito tapos itatapon niya lang?!
Kinuha ko naman bigla yung burger sa kamay niya...
"Sige na nga... Kukunin ko to dahil alam kong itatapon mo. Wag ka ngang mag-aksaya ng pagkain! Ang daming nagugutom sa mundo! " -sabi ko sabay kagat sa burger.... Ang sarap!
"Mukhang nag-iba ka na nga..." -napatingin naman ako sa kanya.
"Huh?"
"Kasi noon palagi mong tinatapon lahat ng ayaw mo pero ngayon ayaw mo nang may sinasayang."
"Ahhh ehhh...na.realize ko lang kasi."
"Paano naman tayo? Itatapon mo nalang bigla?" -napatingin naman ako sa kanya...ang galing rin bumanat nito eh.
Nakatingin lang siya sakin ng seryoso...iniwas ko yung tingin ko. Hindi ko siya kayang titigan...nakokonsensya ako dahil sa pinaggagagawa ko...sorry Ezekiel.
"I won't let go of you Irah."
"Ezekiel naman----" -hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang isinubo sakin yung doughnut. Ay ang sweet...sobra!!!
>>>FAST FORWARD
Uwian na...sa wakas! Nakaya ko yung unang ko rito...nakakapagod rin pala magpapanggap bilang Irah. Si Ezekiel hindi pa rin tumitigil kahit anong paglayo ko sa kanya. Mahihirap pala ako nito.
Sinabi sakin kanina ni Ezekiel na ihahatid niya ako pagkatapos ng klase ngunit ayaw ko pero patuloy pa rin siya sa pagpilit. Kaya ayun...pagkatapos ng huling subject ay mabilis akong kumaripas ng takbo. Mabuti na lang di niya ako nakita.
Naglalakad na ako pauwi ng may nakita akong nagsusuntukan...teka mukang pamilyar yung lalaking naka-uniform.
Teka..siya nga yun! Yung katabi ko sa classroom!
Nagulat ako ng bigla siya paluin ng malaking kahoy sa likod...napaupo siya sa sakit. Duguan na siya tapos ang dami pa ng kalaban niya.
Kinuha ko yung inihagis na kahoy at pinalo sa lalaking kanina pa siya pinagtatadyak.
"Sino ka naman ha?!" -napatingin sakin yung mga lalaki pati na yung katabi ko sa classroom...nakalimutan ko na pangalan niya! Tatawagin ko nalang siyang Pikachu...
Biglang tumayo si Pikachu at pinagsusuntok yung kalaban niya....ang galing niya!
Parang nanonood ako ng action movie...wala naman akong magawa kundi manood nalang. Alam mo naman nangyayari sa mga babae na tumutulong pag may away...ayun isang suntok lang tulog agad kaya mas mabuti ng ganito.
Natalo niya yung mga kalaban niya kaya pumalakpak ako. Napatingin naman siya sakin kaya lumapit ako sa kanya.
"Ayos ka lang ba?"
"Ayos lang..." -at naglakad siya paalis. Yun lang yun?
"Wala man lang salamat?"
"Salamat" -wow...ang galeng. Na-touch ako sa Salamat nito.
"Walang ano man! Sa susunod bahala ka na sa buhay mo Pikachu!" -sama ng ugali. Hindi man lang nagpasalamat ng maayos!
>>>KINABUKASAN
Habang naglalakad ako papasok ng school ay may biglang may bumusina...
"Ay palaka!" -sino ba naman tong mayabang na to na kailangan talagang bumusina ng malakas?!
"Irah! "
"Irah! "
"Irah! " -sino ba kasi ang Irah na yan ang kanina pa tinatawag...ang bingi!
"Irah! " -may biglang kumalabit sakin...Ezekiel? Ang gwapo niya...nakashades pa siya.
"Hindi ako si Ir-----" -ay tanga! Ou nga pala... Ako si Irah!
"B-bakit?"
"I love you... *CHUPPPP*" -h-he k-kissed me on t-the cheeks!!!!
(To Be Continued...)
[Any suggestion? Just comment...thank you~]
YOU ARE READING
Hurt Him Or Fall For Him (KathNiel FanFic)
Fanfiction"So here's the thing, just a very simple favor...be Irah and break up with my son Ezekiel." "ANO PO?!!?!?!" ---------------------------------------------------------------- Can you be someone you are not? Can you act someone you are not? Can you liv...