CHAPTER 10 (Chance)

177 9 6
                                    

MYRA/IRAH's POV

Hayyyy...it has been one week since hiniranahan ako ni Ezekiel. And now here, one week ko na rin siyang hindi nakakausap.

Bakit? Kasi naman po tinanung niya ako kung pwedeng kami ulit syempre sagot ko HINDI kasi yun nga yung goal ko diba.

Oo na...gusto ko na sana siyang sagutin pero biglang pumasok sa isip ko yung deal namin ni mommy niya. Sorry Ezekiel, sana mapatawad mo pa ako. Kung alam mo lang, I am your willing victim. Esss patesss...

Nandito kami ngayon ni Kyle sa Tom N Toms kasi nga wala na raw klase sa hapon. Etong si Kyle gustong pumunta sa bar at makipaglandian pero syempre sinermonan ko kaya nandito kame ngayon nangangape lang.

"Sister Irah, kailan po yung misa? Inform mo ako ha." -sarcastic na sabi sakin ni Kyle.

"Huwag ka nga Kyle, alam mo palagi ka nalang nagba-bar... Baka malaman ko nalang isang araw may AIDS kana!"

"Baliw! Kagandahan lang ang meron ako. Teka nga Irah, are you sure gusto mong magbago? Pwede ka pa namang magback out...suportado kita."

"Ewan ko sayo Kyle...." -sinabi ko kasi sa kanya na gusto ko nang magbago. Ayan, di makapaniwala, baka raw nasaniban lang ako. Baliw talaga.

"Maiba nga tayo Miss Haba Ng Hair ...bakit pala binusted mo si Zy? Alam mo bang shock yung buong mundo ngayon? Via satellite kasi yun tapos busted lang pala." -etong Kyle na to pinapakonsensya pa ako sa ginawa ko.

"Ayoko muna Kyle, siguro kasi hindi pa to ang tamang panahon." -showbiz ba masyado?

"Tangina girl! Talo mo pa ang KathNiel sa pagka-showbiz mo...saan na ang kalandian mo? Natatakot na ako sayo."

"Alam mo kasi Kyle----"

*RIINNNGGG* *RIIIINNNGGG*

Tinignan ko naman kung sinong tumatawag at napatayo naman ako bigla...

"Sandali lang Kyle ha...importante kasi."

"Sige take your time...maghahanap lang muna ako ng pwede makalandi rito." -pumunta muna ako sa labas.

"He-hello Mrs. Gonzaga? Bakit po maam?"

"My son needs you now... Tell him you'll get back to him. I'll just tell you when to break up with him."

"Si-sige po maam."

"He's currently at the park near your school. Ikaw lang ang makakapagpatigil sa kanya."

"Okay po maam." -pinatay niya na yung tawag.

Eto naman ako tumakbo papunta kay Kyle kung saan may nakalandian na.

"Kyle alis muna ako. Emergency." -hindi ko na siya hinintay at umalis na.

I ride a taxi papunta sa park. Yes...taxi. Binigyan kasi ako ng allowance ni Mrs. Gonzaga every week. Baka daw magduda yung lahat kasi si Irah sobra yaman and after one year namumulubi na. P25,000 a week lang naman yung binibigay sakin.

Syempre hindi ko yun inuubos at binibigay sa nanay ko. Dont worry, alam niya yung ginagawa ko. Mrs. Gonzaga told her.

Pinapabilis ko naman si manong driver kasi nga nag-aalala ako kay Ezekiel. Wag nyong lagyan ng malisya ha... Concern lang talaga ako. Hanggang dun lang.

May nakita naman akong nagsusuntukan at nakuha talaga ng atensyon ko yung naka.white shirt na pinagtutulungan. Ang pogi kasi...

Ay anu ba tong pinag-iisip ko! Hoy Myra wag muna landi.

Bumaba ako ng taxi at biglanng tumakbo papalapit sa kanila. Napatigil ako sa pagtakbo at kitang kita ang kakaibang Ezekiel.

Marami na siyang sugat pero parang wala lang sa kanya. Nakabulagta na yung pitong lalaking kalaban niya at tatlo nalang yung natira. Sinipa niya yung dalawa at natumba. Kwinelyuhan niya yung isa at pinagsusuntok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hurt Him Or Fall For Him (KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now