MYRA/IRAH's POV
"JOSH IRAH..." -ahhhhh!! Ou nga pala! Josh! Pero teka...sino yung nagsalita?
Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko siya...ewan ko pero sobra akong naiinis sa kanya ngayon.
"Bakit mo kasama ang gagong yan?! Nakikipaglandian ka na naman ba katulad ng dati?!" -nagulat ako sa pinagsasabi niya...
"Wow ha?! Ganyan ba ang tingin mo sakin? Sige...tutal yan naman ang tingin mong ginagawa ko, paninindigan ko na rin!" -tinignan ko si Josh at hinila ito palapit sakin...
Inilagay ko sa batok niya yung dalawang kamay ko at akmang hahalikan ko na sana siya sa leeg pero bigla akong hinila ni Ezekiel.
Take note...hindi po ako malandi! Ginawa ko lang yun para magalit sakin si Ezekiel at hiwalayan niya na ako.
"Bitawan mo nga ako! Ano ba! Hindi pa ako tapos maglandi..." -pang-aasar ko sa kanya.
"What the hell Irah!" -sigaw niya sakin...ganyan b talaga siya. Mas inuna niya pa akong pagdudahan kaysa magtanong man lang.
"What the hell ka rin! Kaya ayaw ko na sayo eh...mas inuuna mo pa yung madumi mong utak kaysa tanungin yung totoong nangyari...ayyy oo nga pala, wala ka pala nung nangyari yun." -nakita ko naman sa pagmumukha niya yung pagtataka...sige lang Myra, malapit na. Ibuhos mo ang lahat at hiwalayan mo na siya!
"Napapagod na ako sayo Ezekiel...palayain mo na ako. Let's break up. Ayaw na kitang makita." -sabi ko na biglang ikinagulat ni Josh at Ezekiel. Maglalakad na sana ako ng biglang hinawakan ni Ezekiel yung kamay ko.
"No!"
"Leave her alone Zy..." -napatingin ako sa nagsalita...si Josh. Ay oo nga pala...kanina pa siya rito. Sige Josh, help me!
"Shut up...it's none of your business!" -sigaw niya kay Josh.
"I guess now it is my business...ni hindi mo nga alam kung paano siya pinahiya kanina." -kailangan pa talagang ipaalala Josh? Nakita ko sa mukha ni Ezekiel ang pagkagulat...
"Pabayaan mo na siya Josh...let's go." -hinila ko yung kamay ko kaya nabitawan ni Ezekiel at iniwan namin siyang gulong-gulo.
Tahimik lang kami ngayong naglakakad ni Josh. Ewan ko ba kung tamang maging feeling close ako sa kanya pero mukhang close sila ni Irah kung gaano siya ka komportableng kausapin ako at samahan.
"Why did you do that?" -napatingin naman ako sa tinanong niya...
"Ahhh yun ba? K-kasi sinabi niyang naglalandi daw ako kaya---"
"Hi-hindi yun!" -nakita ko sa mukha niya na bigla siyang namula sa sinabi ko. May gusto siguro to kay Irah...
"Yung pakikipagbreak mo sa kanya..."
"Ka-kasi hindi ko na siya mahal. And it's been 1 year already. Nakalimutan ko na siya." -pang-Ms. Universe naman tanong yun! On the spot na sagot tuloy...
"Ahhh ganun ba...so alot of things really changed after a year I guess." -tumango na lang ako sa sinabi niya.
Nagring na yung bell hudyat na kailangan na naming bumalik sa room.
Naglakad na kami ni Josh pabalik ng room ngayon. At nanaman...pinag-uusapan na naman kami. Kailangan ko nalang sigurong sanayin yung sarili ko na palaging ganito.
Natapos na ang klase at nandito ako ngayon sa canteen ng school...gutom na gutom na ako!
Lunch break namin ngayon pero parang magtutubig na naman siguro ako. Wala talaga akong mabibiling pasok sa baon ko...
Umupo ako sa isang bakanteng upuan at syempre nagsialisan yung mga nakaupo dun. Umiinom lg ako ng tubig dito habang tulala dahil sa gutom...nakakamiss yung public school. Hayyyy...
*KIIIISSSSS*
Nagulat naman ako at napaatras sa ginawa niya. He kissed me on the cheeks! Ngumiti ito ng nakakaloko kaya ibinaling ko sa iba yung tingin ko. Oo na...kinilig na ako. Ewan ko ba...dapat hindi ganito!
"Bakit ka andito?" -cold kong tanong.
"Cause I miss you and I love you..." -OHH SHETTT GIRL...feeling ko ang ganda ko! Kinikilig ako...pigilan niyo ako!!!
"...Irah." -pagpatuloy niya. Saket...oo nga pala, i'm Irah, i'm not me.
"Diba sabi ko sayo ayaw na kitang makita..."
"But I can't...hindi ko kakayaning mawala ka ulit Irah." -ohh sige Myra, kiligin ka ulit sasampalin na kita!Si Irah nga diba yung sinasabihan niya, hindi ikaw!
Sobrang swerte naman ni Irah kay Ezekiel...sana ako na lang.
Wa-wait?! Sinabi ko ba yun?! Hindi...bawal Myra! BAWAL!
"Ano bang ginagawa mo dito?"
"Wala lang...gusto ko lang samahan yung girlfriend ko." -pa-fall rin to eh!
"Ano ba Ezekiel...diba sabi ko sayo ayaw na kitang makita." -nawala bigla yung ngiti sa mukha niya.
Umupo siya sa harapan ko at nilapag yung mga.....WOOOOWWWW! Heaven to...heaven!
Tocino...adobo...burger stake...fried chicken... Barbecue... Chicken pandan... Pudding... Leche flan... ICE CREAM!
Paborito kong lahat ng to...nakakainis tong Ezekiel na to! Bakit ngayong gutom pa ako?!
Maraming siyang sinasabi pero hindi ko pinapansin yun...nakatingin lang ako sa pagkaing dala niya.
"Irah ano bang nararamdaman mo. Bakit ka nagkakaganyan?"
"Gutom na akooooo..." -nagulat naman ako sa sinagot ko. Napatingin ako sa kanya at napangisi siya...tinago ko yung mukha ko sa buhok ko.
Nakakahiya ka Myra!!! Baka akala nun patay gutom ka...slight lang naman diba?! Nakakahiya!! Nakakahiya!!!
"Here...para talaga sayo to." -tinulak niya papunta sa side ko yung tray na puno ng pagkain...
"Hindi na, bibili na rin sana ako kaso dumating ka..."
"You've been sitting here for more than 30 minutes, dapat kanina ka pa bumili..." -kanina pa pala niya ako tinitignan?!
"Ayoko..."
"Sige itatapon ko na lang to..." -hahawakan niya na sana yung tray pero hinila ko...
"Oo na...kakainin na nga diba? Ikaw ang hilig mong magsayang ng pagkain!" -nagsimula na akong kumain...ang sarap! Halatang sosyal yung pagkakaluto...
"Irah..." -napatingin naman ako sa kanya...seryoso yung mukha niya.
"You will be mine again....I promise." -nabulunan naman ako sa pagkasabi niya nun.
(To Be Continued...)
[Any suggestion? Just comment...thank you~]
YOU ARE READING
Hurt Him Or Fall For Him (KathNiel FanFic)
Fanfiction"So here's the thing, just a very simple favor...be Irah and break up with my son Ezekiel." "ANO PO?!!?!?!" ---------------------------------------------------------------- Can you be someone you are not? Can you act someone you are not? Can you liv...