MYRA/IRAH's POV
Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung sinabi nun ni Ezekiel at hindi niya na talaga ako tinitigilan...
Alam mo yun? Sobra pa siya sa isang aso o sa isang bodyguard kung makasunod sakin! Pero makikita mo talaga na mahal na mahal niya si Irah...hayyyy, kailan kaya ako magkakaroon ng ganun?
Nandito pala ako ngayon sa gym ng school...kasi sabi ni Ezekiel na pumunta raw ako sa gym. Pero kanina pa ako rito naghihintay...teka, bakit ko nga ba siya hinihintay?! Tatayo na sana ako ng bigla akong may narinig na sumisigaw...
Pagkatingin ko sa entrance ng gym, kitang kita ko yung mga babaeng kinakaladkad papasok ng gym. Sobrang dami nila at punong-puno sila ng harina at basag na itlog sa katawan...
Te-teka? Sila yung...
Nagulat naman ako ng may biglang umakbay sakin. Napatingin ako sa kanya...
"I'm sorry kung medyo natagalan but here they are. I found all of them. Just tell me kung anong gusto mong gawin sa kanila..." -napatingin naman ako dun sa mga babae at umiiyak na ang ilan sa kanina. Nahagip rin ng mata ko si Chloe na masakit yung tingin sakin...
"Hindi mo naman kailangang gawin to Ezekiel..."
"No...hindi kita naprotektahan ng oras na yun. Gusto kong bumawi sayo..." -titig na titig siya sakin pagkasabi niya nun. Langya...nakakakilig ng titig nito, pramis!
"I just want their apology...that's it." -sabi ko sa kanya. Hindi ko na rin kasi sila kailangang tapunan ng harina at itlog kasi nga nagawa na.
"My princess wants an apology! Anong sasabihin niyo?!" -sigaw ni Ezekiel. Ano daw?! PRINCESS?! Ang lakas talaga makapa-fall ng lalaking to!
"Sorry Irah..." -sabi nila ng sabay-sabay.
"TRY AGAIN TO HURT MY PRINCESS...ALL OF YOU ARE DEAD!!!" -sigaw ni Ezekiel. Nakakatakot! He look very serious. Ganito pala siya magalit...paano pa kaya pagnalaman niya yung pinaggaggawa ko....waaaaaa!!! Siguradong patay ako nito!!!
Nagsitayuan naman yung mga babae at tumakbo...natatakot rin ako!!! Kaya heto ako ngayon, nakisabay rin sa pagtakbo.
Rinig ko yung pagtawag ni Ezekiel sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon.
Natatakot na talaga ako ngayon sa pinasok ko...talagang hindi niya dapat malaman tong kasinungalingan ko at dapat matapos ko na ito.
Hindi na ako pumasok sa ibang subject namin ngayon...natatakot ako kay Ezekiel.
Naglibot ako sa buong school at naghanap ng matatambayan at napunta ako dito sa mini forest. Iba talaga pagprivate school!
Napaupo ako sa isa sa mga puno...paano na ngayon. Hindi ko talaga mapipilit si Ezekiel na hiwalayan ako. Ano pa ba ang dapat kong gawin?!
"Anong iniisip mo?"
"AY PALAKA!!!" -nagulat naman ako sa nagsalita.
"Josh?"
"Why are you here? Diba ayaw mo sa mga lugar na katulad nito?" -patay!!! Ang arte talaga siguro ng Irah na yun...ang ganda kayang tumambay sa mga lugar katulad nito.
"Ahhhh...kasi...nagustuhan ko na to when I went to America." -ohhhh...diba English!
"Ahhhh..." -sagot niya. Woooo...sarap kausap! Sobra!
Bigla namang tumahik yung buong paligid at wala nang nagsalita.
"Bakit ka pala bumalik?" -tanong niya ulit...
"Ka-kasi...I want to finish my school here." -sobrang ganda ng dahilan mo Myra....as in! Sobra!! Nakuh....
"Why do you want to break up with Zy?"
YOU ARE READING
Hurt Him Or Fall For Him (KathNiel FanFic)
Fanfiction"So here's the thing, just a very simple favor...be Irah and break up with my son Ezekiel." "ANO PO?!!?!?!" ---------------------------------------------------------------- Can you be someone you are not? Can you act someone you are not? Can you liv...