Chapter 3

32.9K 803 30
                                    

AGATHA POV

Pagkatapos kong magluto ng pancakes para kina Brayden ay bumalik ako sa kwarto ko para matulog ulit dahil hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi at ngayon lang ako nakaramdam ng antok.

Nagising ako at magtatanghali na, kaya dumiretso ako sa banyo para maligo bago bumaba at naabutan ko si Manang na naglalagay ng pagkain sa lamesa. Agad naman akong umupo sa isang silya bago tinanong si Manang kung nasaan sina Brayden.

"Manang, sina Brayden ho?" Tanong ko kay Manang Ali.

"Umalis na sila kanina pa Agatha." Sagot naman sakin ni Manang Ali.

"Ganun po ba, sige po Manang sabayan niyo na po akung kumain." Pag- aaya ko sa kanya. "Naku wag na Agatha. Niluto ko yan para sayo." Tanggi sakin ni Manang Ali.

"Sige na Manang, mag-isa lang naman ako please?" Pagmamakaawa ko sa kanya, sanay nakong ako lang mag-isa ang kumakain sa hapag kainan pero iba pa rin  ang may kasama kang kumakain.
Kaya sa huli sabay na kami kumain ni Manag Ali.

*****

Nandito kami ngayon sa University at mukhang may bagong hot topic na pinag-uusapan ng mga kaklase at schoolmates ko.

"Ang swerte naman ni Addison, naging boyfriend niya ang heartthrob ng University." Rinig kong sambit nang isang schoolmates namin. Nagkatinginan naman kaming tatlo nina Maya at Gianna. Hindi namin alam na may boyfriend pala si Addison. Kaya naman pala hindi namin siya minsan mahagilap kahit saan kapag pinupuntahan namin siya sa classroom niya.

"Heartthrob? Diba yon din ang tawag sa grupo nina Aiden?" Naguguluhang tanong sa akin ni Maya, agad naman akong tumango. Last year, binasagan na Heartthrob sina Brayden, Matthew, Aiden at Jeremiah. Nanalo sila dahil marami silang boto na nakuha sa mga estudyante dito. Pero hindi lang naman sila ang binansagan na Heartthrob at may iba pang estudyante na nanalo.

"Imposible namang isa kina Aiden ang bagong nobyo ngayon ni Addison." Sambit ni Gianna at agad namang tinignan nang masama ni Maya si Gianna.

"Hindi ko naman sinabi na si Aiden agad diba?" Depensa ni Gianna, may gusto kasi itong si Maya kay Aiden.

"Baka may bago lang na transferee at dahil gwapo siguro, kaya naging Heatthrob." Saad ko naman at nagpatuloy na kami pumasok sa classroom namin.

"Siguro nga." Pag sasang ayon ni Maya sa akin.

"Pero matagal na nating di nakikita si Addison." Sambit ni Gianna, "Kaya pala hindi natin siya minsan makita dahil baka kasama niya yung nobyo niya saka hindi manlang niya sinabi sa atin." Dugtong pa nito.

"Hayaan niyo na, magpapakita rin yon satin." Sagot naman ni Maya at nagsi-upo na kami sa aming upuan.

Nung nakaupo na kami at ganon pa rin ang usapan nang mga kaklase namin. Tung kay Addison at sa bago nitong nobyo.

"Pero ang swerte niya talaga isa ba namang Brayden Liam Lee ang maging boyfriend niya?" Napalingon ako kay Marie na kaklase namin nung banggitin niya ang pangalan ni Brayden. Wtf?

Mukhang narinig rin nina Gianna at Maya ang sinabi ni Marie kaya agad na nagtanong si Maya sa kanya.

"Marie, sino ang boyfriend ni Addison?" Tanong nito. Hindi ko alam pero parang bigla ako nanghina sa narinig ko. Alam ni Addison na mag-asawa kami ni Brayden kaya imposible namang maging sila.

"Hindi ba't kaibigan niyo si Addison, ba't di niyo alam?" Pabalik na tanong nito, "Maganda bang sagutin mo rin ako ng tanung din?" Naiinis na sagot ni Maya kay Marie.

"Kayo na nga ang tatanong kayo pa itong galit."

"Wala ka namang sinagot." Singit naman ni Gianna.

Married with a CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon