Chapter 7

32.1K 623 3
                                    

BRAYDEN POV

"Brayden." Napalingon ako kay Jeremiah nang tawagin nito ang pangalan ko, "Bakit?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Tinignan niya naman ako ng mataimtim bago siya sumagot.

"Sikat na ngayon si Agatha." Aniya nito, napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Alam ko. You don't have to tell me." Sagot ko naman at pinagpatuloy ang pagbasa sa libro, dahil may quiz kami bukas. Nandito sina Jeremiah at Aiden pati na rin si Matthew sa bahay, bahay namin ni Agatha.

At alam kong sikat na model na siya ngayon, nalaman ko sa kapatid ni Agatha na umalis siya papuntang Korea noong nakaraang tatlong taon. Alam ko kung saan siya, pero hindi ko siya guguluhin at gaya na rin nang sinabi ni Manang Ali, kailangan kong bigyan si Agatha nang panahon para makapag-isip-isip. At minsan ko rin siyang nakikita sa t.v dahil sa mga commercial nito.

"Diba kailangan niyo nang model para sa bago niyong collection?" Biglang tanong ni Aiden, nagkibit balikat naman ako sa kanya. "Hindi ko alam. Si Dad naman ang namamalagi at hindi ako." Sagot ko at tinuon ulit ang buong atensyon sa libro na binabasa. Kahit kailan talaga, sagabal talaga sa pag-aaral tong mga kaibigan ko

"Yon rin ang pagkakarinig ko kay Mom." Sang-ayon naman ni Matthew, Matthew's Mom works as a designer in our company.

"Wala talaga akong alam." Giit ko, at sinirado ang libro. Nawalan na ako ng gana para mag-review. Ang dami kasi nilang tanong.

Pagkasarado ko ng libro ay agad kong inabot ang remote ng t.v at binuksan ito. Tumambad naman sa akin ang commercial ni Agatha na tungkol sa isang cosmetics.

Maraming nagbago sa kanya, hindi na siya ang Agatha na kilala ko. Siya na ang Agatha na hinahangaan nang maraming tao. Inaamin ko na nagsisi ako sa ginawa ko sa kanya. I missed my Agatha, I miss her at sadyang gag* lang talaga ako para saktan siya.

AGATHA POV

Nandito kami ngayon sa isa sa mga meeting room rito sa Empire High Company, at hinihintay lang namin si Mommy L na dumating since she texted us that we have important matters to discuss.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at niluwal si Mommy L na hawak ang isang brown envelope. "Good Morning my babies." Nakangiting bati sa amin ni Mommy L, ngumiti rin kami sa kanya bilang ganti. "Good Morning."

Mommy L is our manager, she's already in her 30s and she's a Filipino.

"So, what's about this important matters?" Tanong ni Scarlet nang makitang komportable ng nakaupo si Mommy L sa isa sa mga upuan. "Remember the contract you signed last week for the summer collection of Lee Sky Agency in Australia?" Tanong nito at nilagay sa lamesa ang envelope na dala, agad naman kaming tumangong tatlo sa tanong nito. "Since hindi maganda ang panahon roon ngayon for summer and we have to leave next week, the Agency decided to shoot the collection in the Philippines." Aniya nito, napatigil naman ako sa sinabi niya.

"Why does it have to be in the Philippines?" Tanong ko naman kaya agad silang napalingon sa akin. "Lee Sky Agency is originally from Philippines and the C.E.O himself contacted Mr. Yoo to tell us about the changes of location and also to apologize. Why? Is there something wrong?" Balik na tanong nito, agad naman akong umiling. "No. Just curious." Sagot ko nalang sa kanila.

Nagkibit balikat nalang si Mommy L sa akin at pinagpagpatuloy ang gusto nitong sabihin.

"Since the contract is a 1 year long contract, and you girls are still a students napagdesisyonan nina Mr. Yoo and Mr. Lee which is the C.E.O of the Lee Sky Agency that pwede kayong mag-aral roon sa Pilipinas." Excited na sambit ni Mommy L, napatahimik naman kaming tatlo sa sinabi niya.

"Oh c'mon girls! It's an opportunity and of course, new environment." Nakangiting pangungumbinsi sa amin ni Mommy L.

"Do we have a choice, Mommy L?" Natatawang tanong ni Amelia kay Mommy L, agad namang umiling si Mommy L. "Actually no." Natatawa nitong aniya at tumayo saka pinulot ang envelope. "So girls, that's it. And let's see each other next week for our departure." Nakangiting paalam ni Mommy L at lumabas na sa pinto pero agad rin naman siyang bumalik. "Oh! Nakalimutan kong sabihin, kasama rin pala sina Adam at James." Saad nito at kumindat kay Scarlet.

Bigla namang napatili si Scarlet nang marinig nito ang pangalan ni James. "Wahh! Magkakasama na rin kami sa wakas ni James!" At tumingin pa ito sa taas na tila nagpalasalamat sa panginoon.

Napahinga nalang ako nang malalim kaya agad ring bumaling sakin si Scarlet at Amelia. "Hindi ka pa rin pala nakaka-moved on?" Agad ko naman siyang tinignan ng masama. "Ano tingin mo sakin? Mahina?" Nakataas kilay na tanong ko sa kanya. "Naka-moved na ako, okay?" Pangungumbinsi ko sa kanya.

"Naka-moved ka na nga pero alam ko na ang sakit ay nandiyan pa rin." At tinuro nito ang puso ko. Natahimik naman ako sa sinabi niya. She's right, naka-moved on na ako pero alam ko sa sarili ko na ang sakit ay dala-dala ko parin.

"Hindi naman ako mahina para hindi mag-moved on, pero hindi rin naman ako ganon kalakas para kalimutan lahat." Tanging sagot ko sa kanya, naramdaman ko naman na hinawakan ni Amelia ang kamay ko ng mahigpit. "Mahabang proseso ang paglimot Agatha. Don't rush things up." Nakangiti nitong advice sakin.

"Saka nandito naman kami." At hinawakan rin ni Scarlet ang kamay ko. Ngumiti naman ako sa kanila bilang ganti. I'm really thankful kasi may pinsan at kaibigan akong masasandalan, kahit alam kong hindi lang naman ako ang mag problema sa aming tatlo.

"Salamat."

*****

Agad rin naman kaming bumalik sa penthouse namin para ayusin ang mga gamit namin dahil next week ay aalis na kami papuntang Pilipinas. I know we still have 1 more week but its better to prepare early dahil minsan ay may nakakalimutan kaming gamit. At gaya nga ng sabi ni Mommy L, it's a year long contract kaya baka may chance na magtagal kami doon.

"Agatha!" Rinig kong sigaw ni Scarlet mula sa labas, at dahil nandito ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit ko ay kailangan niya pang sumigaw para marinig ko. "Bakit?" Pabalik na sigaw ko sa kanya, "Nag-text sa akin si Ate Danica, tumatawag raw sayo si Brittle pero hindi mo sinasagot!" Sigaw rin nito, agad ko namang tinignan ang cellphone ko ay nagulat ako ng may nakita akong 13 missed calls from Mom, at alam kong kay Brittle lahat ito galing dahil cellphone ni Mom ang gamit niya kapag nag-uusap kaming dalawa.

Agad ko namang di-nial ang number ni Mom at nakatatlong ring palang ay may sumagot na agad. "Yes?" Narinig ko ang boses ni Ate Danica mula sa kabilang linya.

"It's me Ate, si Brittle?" Tanong ko.

_________________

VOTE AND COMMENT

-FOLLOW ME SWEETIE💕

Married with a CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon