AGATHA POV
"Omg. Agatha how are you? Ahm. Nasa kwarto sila ni Mommy ngayon at pinapatulog si Brittle, naiwan naman ni Mommy ang cellphone niya rito sa sala." Sagot naman nito sa akin, umupo ako sa gilid ng kama ko habang kausap ko si Ate Danica sa kabilang linya.
"Aw. Ganon ba? Ikaw Ate, kamusta?" Tanong ko naman sa kanya, "Mabuti naman ako Agatha, ikaw?" Pabalik na tanong nito.
"Mabuti naman ako Ate at ito busy minsan sa photoshoot at minsan naman sa pag-aaral." Sagot ko sa kanya, "Hindi mo naman pinapabayaan ang sarili mo diba?" Umiling naman ako kahit alam kong hindi niya ito nakikita. "I'm taking care of myself Ate, saka Ate babalik akong Pilipinas next week for our photoshoot." Nakangiti kong balita kay Ate Danica.
"Really? That's good to hear then at makikita mo na rin si Brittle." Mahahalata mo ang saya sa boses nito. "I know Ate, makikita ko na rin siya." Sagot ko naman.
Nag-usap pa kami ni Ate Danica, hanggang sa binaba na nito ang tawag dahil kailangan niya pang bumalik sa trabaho niya.
*****
Dalawang araw nalang ang natitira baho kami tuluyang pumunta sa Pilipinas. Napabalikwas ako mula sa pagkakatulog nang marinig ko ang malakas na ingay galing sa cellphone, inabot ko ito habang nakapikit at sinagot na hindi na tinignan kung sino ang tumatawag.
"Hello?" Sagot ko sa tawag habang nakapikit, "Good morning Athena." Bigla namang bumukas ang mga mata ko nung marinig ko ang first name ko. Napatingin naman ako sa cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Adam sa caller I.D.
"Good morning too, Adam." Bati ko sa kanya, saka umupo ng maayos sa kama. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa mula sa kabilang linya, napangiti naman ako ng marinig ito. "Sorry to disturb you." Paghinging paumanhin nito habang tumatawa pa rin.
"Nah. Its okay." Sagot ko naman, at nag-usap pa kami tungkol sa contract namin with Lee Sky Magazine, and also about some things.
Adam Lydell is my partner tuwing my photoshoots kami together, at yung kaibigan niya naman na si James Sucker ay ang partner ni Scarlet. There's something going on between those two, Scarlet likes James but I think James wants to focus more in his career. Kami? Wala, friends lang kami ni Adam. I used to call him Lydell, since it's his last name because I want to be even, he calls me with my first name- which is Athena. But I stopped calling him Lydell kasi palagi kaming inaasar nina Scarlet.
Pagkalabas ko ng kwarto ay agad akong dumiretso sa kusina para uminom ng tubig nang makita ko sina Amelia at Scarlet na inaayos ang dining table, napatingin naman ako sa table at nakita ko ang iba't-ibang pagkain.
"Isn't too early for tteokbokki?" Tanong ko naman sa kanila ng makita kong may tteokbokki sa ginta at meron ding mga sundae, hotteok, bungeoppang o tinatawag rin na Korean Fish Shaped Pastry at iba pang korean foods. Napatingin naman ako kay Amelia nang ilagay nito ang kimbap, samantalang inilagay naman ni Scarlet ang bagong luto na Kimchi Fried Rice with sunny side up eggs.
"What's with the feast?" Tanong ko sa kanila habang nakasandal sa hawakan ng isang upuan. "We're going to miss these dish pag nasa Pilipinas na tayo." Sagot naman ni Scarler at nilagay ang panghuling pagkain na niluto niya, it's a Seaweed Soup.
Napatingin naman ako sa orasan rito sa dining room namin at alas-dyes palang ng umaga. Oh my gosh, I oversleep.
Umupo nalang ako at hinintay na makaupo sina Amelia at Scarlet bago kami nag-umpisang kumain.*****
Ngayong araw na ang alis namin papuntang Pilipinas at kagabi lang ako nag-research about Lee Sky Magazine kasi I was curious about their company at napag-alaman ko na si Tito Mark- ang tatay ni Brayden ang may-ari ng kompanya. Kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan kasi I sure that magkikita kami once we reach Philippines.
Nakaupo na kami ngayon sa mga upuan namin rito sa eroplano, katabi ko si Amelia samantalang katabi ni Scarlet si James na nakapikit ngayon at katabi naman ni Adam si Mommy L. Hindi pa namin makakasama ang manager nina Adam at James dahil may importante pa siyanh papeles na kailangang gawin.
Simple lang ang sout naming tatlo.
Si Amelia naka chanel red and white na top na pinarisan niya ng blue jeans with black leather boots. Si Scarlet naman ay naka long sleeves na blue from gucci at black jeans with white shoes from nike. I'm just wearing a green top from gucci and blue denim shorts from chanel and a black boots.Hindi pa nagtagal ay narinig na namin ang announcement ng pilot na nakarating na kami sa NAIA, kaya inayos ko ang sarili ko pati na rin ang isang maliit na bag ko.
Pagkababa namin sa eroplano ay sumakay kami sa isang bus, bago pumasok sa loob ng airport. Pagkalabas namin from departure gate ay agad na sumalubong sa amin ang sunod-sunod na pag-flash ng mga camera. Ngumiti lang kami at kumakaway paminsan-minsan sa mga tao habang naglalakad. Napatingin naman ako sa banner na hawak nang dalawang babae.
Welcome to Philippines, Agatha Kim.
Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa ng magtama ang mga mata namin, ngumiti rin sila bilang ganti.
Hindi pa nagtagal ay nakasakay na sa isang sasakyan, nasa likod sina Amelia at Scarler pati na rin si James. Nasa harap naman kaming tatlo nina Adam at Mommy L.
"San punta natin Mommy L?" Rinig kong tanong ni Scarler habang nasa likod, "Pupunta muna tayong Lee Sky Agency, bago sa mga magiging penthouse niyo." Sagot naman ni Mommy L.
"You're so quiet." Bulong sakin ni Adam, agad naman akong ngumiti sa kanya. "Jet lag." Simpleng sagot ko sa kanya at pumikit, naramdaman ko naman ang paghaplos nito sa buhok ko.
Medyo nakakaramdam ako ng jet lag pero nangingibabaw sa akin ang kaba na kanina ko pa nararamdaman simula nung makababa kami ng eroplano.
"We're here." Napamulat naman ako sa narinig, kaya tumingin ako sa labas ang tumambad sa akin ang mataas na building with Lee Sky Agency's name on it.
Narinig ko na nag-uusap sina Amelia at Scarlet tungkol sa laki at gara ng kompanya. Minsan na akong nakapunta rito, hindi ko lang alam na pinalitan pala nila ang pangalan ng kompanya nila. Ang pagkaka-alam ko dati ay Lee's Corporation ang pangalan nito kaya hindi ko agad nalaman na ito pala ang Lee Sky Agency.
"Welcome to Philippines and welcome to Lee Sky Agency." Rinig kong bati nang lalaki sa amin, hula ko isa siyang secretary.
Narinig ko naman na sumagot sa kanya sina Mommy L at Scarlet at iba pa.
"This way." At tinuro nito ang isang hallway, agad naman naming tinahak ang daan na tinuro niya at sabay-sabay kaming sumakay sa elevator at dahil malaki ito ay nagkasya kami. Iniwan muna namin saglit ang gamit namin sa sasakyan dahil pagkatapos rito ay pupunta na kami sa magiging penthouse namin.
Lumabas kami ng elevator kaya sinundan namin ang lalaki hanggang sa kumatok siya at binuksan ang isang pinto.
"Nandito na po sila Mr. Lee." Aniya nito.
"Let them in." Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses at bumukas ang pinto kaya pumasok na kami sa loob at ang isang pamilyar na mukha agad ang nakita ko.
___________________
VOTE AND COMMENT
-FOLLOW ME SWEETIE💕
BINABASA MO ANG
Married with a Casanova
Teen Fiction( HIGHEST RANK: #4 IN TEEN FICTION) By: FlatteringDaisy🌼 _________________________ This book was written around April 2017