AGATHA POV
Naglalakad kami ngayon papunta sa cafeteria dahil kakatapos lang ng isa naming subject at lunch time kaya ito kami ngayon naglalakad. Habang naglalakad kami ay napapatingin sa amin ang ibang estudyante per hindi nila kami nilalapitan o ano man.
"Bakit nga pala tayo nasa 4th year? Nasa 3rd year palang tayo ah." Tanong ko kay Scarlet, nagkibit-balikat muna siya bago sumagot. "Sinabi ko kasi kay Mommy L na sa 4th year tayo ilagay, since I'm a little bit old na." Natatawang sagot nito sa akin, napailing naman kami ni Amelia sa kanya. At nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may sumagaw ng pangalan ko.
"Agatha!"
Napalingon ako sa taong sumigaw sa pangalan at halos maluha ako nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin. Sina Maya at Gianna.
Agad silang lumapit sa amin at nung nakalapit sila ay agad ko silang niyakap. Pasimple ko pang pinahiran ang mata ko para itago ang pagtutubig ng mga mata ko. "Na-miss ko kayo." Saad ko at niyakap silang dalawa ng mahigpit. Nakatingin lang sa aming tatlo sina Amelia at Scarlet pati na rin ang ibang estudyane na nakakakita sa amin ngayon. "Bakit ngayon ka lang bumalik?" Naiiyak na tanong ni Maya sa akin, agad ko namang pinahiran ang mga luha na kumawala galing sa mata niya.
"I'm sorry kung natagalan ako." Aniya ko at niyakap siya ulit, napalingon naman ako kay Gianna na umiiyak rin sa gilid namin. Lumapit ako sa kanya at niyakap ulit siya, "I'm really sorry." Tanging nasabi ko.
Nung nalaman nilang umalis ako ng Pilipinas without even saying goodbye to them ay nagtampo sila, hindi nila ako kinausap for months kahit ilang beses akong tumatawag sa kanila. Kinausap lang nila ako at tinanung kung bakit ako umalis at sinabi ko naman sa kanila ang totoo at tungkol rin sa nalaman at nakita ko noong araw ng anniversary namin ni Brayden.
Napalingon kaming tatlo kay Scarlet ng marinig kong tumikhim ito, "Sina Scarlet at Amelia pala." Pakilala ko sa kanilang dalawa, ngumiti naman si Scarlet.
"Nice to meet you." Nakangiting nilahad ni Scarlet ang kamay nito at nakipagkamayan kina Maya at Gianna at ganon rin ang ginawa ni Amelia. "Sabay na kayong mag-lunch sa amin." Pag-aaya ni Amelia, agad namang tumango sina Maya at Gianna.
Pumasok na kami sa loob ng Cafeteria, hindi naman ganon ka-busy sa cafeteria dahil may malapit rin kasing mga restaurants at fastfood chains saka cafe rito sa University kaya sigurado akong nandoon ang ibang estudyante.
Pinili naming kumain rito sa cafeteria dahil gusto raw ni Amelia na matikman ang pagkain na hinahanda sa cafeteria rito sa University.
Agad kaming kumuha ng pagkain at umupo sa bakanteng upuan at nagsimula ng kumain.
Nang maubos ko ang isang sandwich na binili ko ay tumayo ako at bumalik rin agad para kainin ang binili ko.
"Mahilig ka pa rin pala jan." Natatawang saad ni Maya na kumakain ngayon ng carbonara. Kumakain ng packed lunch na mabibili rito sa cafeteria si Amelia since gusto niya daw matikman ang pagkain rito, samantalang fresh ceasar salad naman ang may Scarlet at packed lunch din ang kay Gianna.
"Syempre naman. Ito ata ang binabalik-balikan ko dati." Nakangiting sagot ko at binuksan ang Frozen yoghurt na paborito kong dessert rito.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain, hanggang sa dumating sina Adam.
______________________
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
Married with a Casanova
Teen Fiction( HIGHEST RANK: #4 IN TEEN FICTION) By: FlatteringDaisy🌼 _________________________ This book was written around April 2017