BRAYDEN POV
Nakatingin lang ako sa likod ni Agatha habang naglalalad siya papalayo hanggang sa sumarado ulit elevator at hindi pa nagtagal ay bumukas na ito ulit. Lumabas naman ako at naglakad papunta sa penthouse ni Matthew rito. Hindi ko inaasahan na makikita at makakasabay si Agatha riro. Does she lived here?
Nauna sina Aiden at Jeremiah sa penthouse ni Matthew dahil ako ang inutusan ni Matthew na bumili ng gamot para sa kanya. Nang mag-doorbell ako ay agad naman itong bumukas at bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Jeremiah.
Agad naman nitong niluwagan ang pinto kaya pumasok na ako sa loob at binaba ang plastic na may lamang gamot sa lamesa. Nakita ko naman si Matthew na nakaupo sa sofa habang may kumot na nakabalot sa katawan niya.
"Get well soon daw sabi ni Agatha." Aniya ko habang tinatanggal ang jacket na suot, lumapit naman sina Aiden at Jeremiah sa akin. "Nagkita kayo?" Halos sabay na tanong nila, "Nagkasabay lang kami sa elevator." Sagot ko naman at nagsalin ng tubig sa isang baso at ininom ito.
Nakita ko namang tumayo si Matthew at kinuha ang plastic na may lamang gamot, "Hindi naman to lason diba?" Mapanuring tanong nito.
"Wala akong makitang lason sa Pharmacy, pasalamat ka." Sagot ko naman.
"Hindi kayo nag-usap?" Tanong naman ni Aiden, "We exchanged 'Hi's." Sagot ko naman.
"Weak ka pala Bro eh." May pang-aasar sa boses ni Jeremiah sa akin, tinignan ko naman siya ng masama. "You expect me to say that "Agatha, I want you back and I will do anything just to win you back," on our first time meeting each other privately? Well it's not really that we meet privately, we meet accidentaly, okay?" Aniya ko, napa 'o' naman ang bibig ng dalawa.
"I'll take it slowly. You don't have to worry about my plan- of getting Agatha back. It takes time since I'm the one who cause this mess." At tinignan sila ng diretso sa mata.
"That's deep." Tanging naisagot ni Matthew.
*****
AGATHA POV
Nagising ako kinabukasan dahil sa lakas ng hangin na tumatama sa bintana ng kwarto ko. Kung kahapon ay ang ganda ng panahon ngayon naman ay mukhang may bagyo dahil sa lakas ng ulan sa labas. Naligo na ako at nag bihis, dahil malamig sa labas ay nagsuot lang ako ng maroon chanel sweater na pinarisan ko ng denim jeans at sinuot ko rin ang itim kong Ankle Martin Boots at dahil tinatamad akong ayusin ang buhok ko at nung matuyo ito ay nilagay ko lang ito into messy bun.
Sumakay na kaming tatlo sa sasakyan, at nakita kong si Kuya Carl naman ang nagda-drive at katabi nito si Kuya Daniel- ang naatasan kay Scarlet. Samantalang nasa ibang sasakyan si Kuya Dave- siya naman ang naatasan kay Amelia.
Nang makarating kami sa University ay hinatid kaming tatlo nina Kuya Carl, Kuya Dave at Kuya Daniel sa entrance ng university. Napag-usapan namin na hanggang sa entrance lang sila ng University dahil ipapatawag nalang namin sila kapag kailangan namin sila sa loob at hindi naman kami ganon ginugulo ng mga estudyante rito kaya maayos kaming nakakagalaw.
"
Bili tayo kape sa cafeteria." Pag-aaya ni Amelia, "Tara." Sagor naman ni Scarlet kaya bago kami tuluyang pumunta sa first class namin ay dumaan muna kaming cafeteria. Pagkapasok namin ay agad kaming dumiretso sa cashier.
Meron kasing mini-cafe rito sa cafeteria at para rin itong mini-starbucks kaya minsan maraming tao ang nakatambay rito. Medyo maraming tao ang nandito ngayon at umiinom sila ng kape, nakatingin lang sila sa amin kanina habang naglalakad kami papunta sa cashier. Wala ni isa sa kanila ang naglakas loob na kausapin kami.
"Tatlong caramel frappe nga po." Order ko sa babaeng nagbabantay sa cashier. "450 po." Agad ko namang binigay ang 500 pesos.
Hindi pa nagtagal ay dumating na ang inorder ko, nagpasalamat kami sa babaeng nagbigay sa amin ng order namin, matapos non ay agad rin kaming umalis para pumunta na sa klase namin.
Habang naglalakad kami ay nagulat ako ng may biglang bumangga sa akin dahilan matapon ko ang kapeng hawak ko sa damit niya. Oh my gosh! Sayang yung kape.
"What the f*ck! It's so hot!" Napatingin ako sa babaeng natapunan ko at hihingi sana ako ng tawad pero parang bigla akong nawalan ng gana na humingi ng tawad sa kanya, at siya naman ang bumangga diba?
"Hindi ka ba tumitingin? Alam mong may tao, di ka manlang nag-iingat." Singhal naman nito sa akin, tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa.
"So sa tingin mo tao ka niyan?" Sarkastik na tanong ko sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nina Amelia at Scarlet sa sinabi ko. "Tatawagin ko na sina Kuya Dave?" Pabulong na tanong sakin ni Amelia. Umiling naman ako sa kanya bilang sagot. I can handle this.
"How dare you? Can't you see? Natapunan na nga ako dahil sa katangahan mo." Sagot sa akin ni Addison, "Why can't you just say sorry?" Naiinis na dugtong nito.
"Sorry? I don't think you deserve my apologies." Makabuluhang sagot ko sa kanya at tinignan ulit siya mula ulo hanggang paa bago nagsalita, "At ang mahal kaya ng kape na yan para matapon lang sa cheap mong damit." Dugtong ko at pasimple siyang inirapan.
"Aba't sumusobra kana." And as she was about to slap me I look at her with my confident expression, "You wouldn't dare to slap me in front of these students, are you?" Nakataas kilay na tanong ko sa kanya.
Kanina ko pa napapansin ang pagtingin-tingin sa amin ng mga estudyante na nakaupo malapit sa amin pati na rin ang iilang estudyante na naglalakad ay napapatingin rin sa amin pero sigurado akong hindi nila naririnig ang pinag-uusapan namin.
"Alam mo Agatha, ang akala nila ang isang Agatha Kim na model ng Empire High Company ay mabait pero ubod pala talaga ng sama ang ugali." Nilakasan ni Addison ang boses niya para ipamukha sa mga estudyante na ako ang may kasalanan rito.
Ngumiti naman ako sa kanya nang napakatamis, yung lalanggamin siya sa sobrang tamis, "Thank you for exposing me. At least hindi ako mahihirapan magpanggap." Nakangiti kong sagot sa kanya at tinalikuran siya. Tinapon ko naman sa pinakamalapit na basurahan ang lalagyan ng kape ko na natapon.
At naglakad na kami palabas ng Cafeteria, hanggang sa makasalubong namin sina Adam at James na may mga dala ring kape. I didn't notice ng dumaan sila kanina.
"Here." At binigay nito ang isang kape na hawak niya, dalawa kasi ang hawak nitong lalagyan. "Thanks," at tinanggap ito. Agad ko naman itong ininom, its a caramel frappe.
"I saw that." Napatingin ako kay Adam nang sabihin niya ito, nagkibit balikat naman ako sa kanya. "You know that I don't tolerate bullying." Natatawa kong sambit at sumipsip ulit sa kapeng binigay sa akin
Natawa rin siya sa sinabi ko, "See you later." Nakangiti kong paalam sa kanya at pumasok na kami sa classroom namin, at dahil sa kabilang building pa ang una nilang klase.
___________________
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
Married with a Casanova
Teen Fiction( HIGHEST RANK: #4 IN TEEN FICTION) By: FlatteringDaisy🌼 _________________________ This book was written around April 2017