Chapter 13

27.6K 615 37
                                    

AGATHA POV

Pagkatapos ng klase namin ay agad akong nagpaalam kina Amelia at Scarlet na pupunta muna ako sa bahay nina Mom and Dad. At kasama ko ngayon si Kuya Carl- yung isa sa mga nagbabantay sa aming tatlo.

Nakasakay kami sa sasakyan niya papuntang bahay nina Mom and since hindi naman ganon ka-traffic ay agad rin kaming nakarating sa tapat ng gate nang nga magulang ko.

Pagkababa ko ay agad akong nag-doorbell at hindi pa nagtagal ay bumukas ang gate at tumambad sa akin ang isang babae na hula ko ay isa sa mga kasambahay nina Dad. "Pasok po kayo Miss Agatha." Nakangiti nitong saad at niluwagan ang gate para makapasok kami. Bumaling naman ako kay Kuya Carl, "Pumasok ka rin Kuya Carl." Pag-aaya ko sa kanya, ngumiti naman siya at tumango.

Tinanung ko kanina si Kuya Carl kung ilang taon na siya at napag-alaman ko na magkasing-edad lang sila ni Kuya Jared kaya 'Kuya' na rin ang tawag ko sa kanya. Nagulat pa nga siya nang malaman niyang nagsasalita ako ng Filipino at dati akong nakatira rito sa Pilipinas mukha daw kasi akong Foreign para sa kanya. Sinabi ko naman sa kanya na my Dad is half Filipino at dito sila nakatira sa Pilipinas.

Pumasok naman kami sa loob at pagkapasok ko ay agad na nawala sa paningin ko si Kuya Carl dahil dinala siya ng isang kasambahay sa kitchen para kumain. Mahina naman akong napatawa ng lumingon ito sa akin na tila humihingi ng tulong, "Eat well Kuya Carl." Tanging nasabi ko.

"Agatha?" Napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Kuya Jared, "Kuya!" At patakbo akong lumapit sa kanya at agad siyang dinamba ng yakap ng makalapit ako sa kanya. "I miss you Kuya." Aniya ko at niyakap pa siya ng mahigpit, agad naman siyang gumanti ng yakap at ginulo ang buhok ko ng bitawan ko siya, "Na-miss rin kita." Nakangiti nitong saad.

"Agatha ikaw na ba yan?" Napatingin naman ako sa dulo ng hagdan at nakita roon si Ate Danica na pinagmulan ng boses, ngumiti ako sa kanya ng makita siya.

"The one and only Ate." Nakangiti kong sagot at lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Oh my god! Look at you, mas maganda ka pa sakin." At hinawakan nito ang mukha ko at tinignan ako. "I know right," at kumindat ako sa kanya. Napatawa naman siya sa ginawa ko.

"Let's talk next time Agatha, may date pa kasi ako." At kumindat sa akin si Kuya Jared, nakangiting tumango naman ako sa kanya. "Really Jared? Mas uunahin mo pa yung Chan na yon?" Di makapaniwalang tanong ni Ate Danica.

"Bye-bye." At patalikod na kumaway si Kuya Jared, hindi naman maipinta ang mukha ngayon ni Ate Danica. "Hayaan mo na Ate. Si Brittle po?" Tanong ko naman habang hinahanap si Brittle rito sa sala.

"Nandoon siya sa pool. Halika, puntahan natin siya." At naglakad si Ate Danica papunta sa pool at nakasunod lang ako sa kanya.

First time kong makikita si Brittle dahil nung pinanganak siya ay hindi ako pwedeng umuwi dahil may pasok at may mga photoshoots rin ako kaya hindi ko siya nabisita sa loob ng tatlong taon kaya hindi na ako makahintay na makita siya. Mom and Ate Danice used to send some pictures of Brittle at minsan ay nagsa-skype rin kami kaya kahit papaano ay alam ko ang mukha niya and she look very similar to me.

"Brittle." Tawag ni Ate Danica sa maliit na babae na naglalaro ng straw sa isang upuan na hindi malayo sa pool, mukhang kakatapos niya lang maligo.

Lumingon siya at biglang nanlaki ang mata niya ng makita ako, "Ate!" Tili nito ay agad  na lumapit sa akin at niyakap ang legs ko dahil maliit pa siya.

Pumantay naman ako sa kanya, "Hi baby. Nice to finally meet you." At niyakap ko siya, naluluha ako dahil sa wakas nakita ko na rin ang nakakabata kong kapatid. Gumanti naman siya ng yakap sa akin kaya mas lalo ako naiyak.

"Sige. Kukuha muna ako ng pagkain." Paalam ni Ate Danica at iniwan kami ni Brittle rito sa pool. "Why are you crying?" Tanong niya ng makita akong umiyak.

"Cause I finally meet you." Sagot ko at mahinang pinisil ang pisnge niya.

Ang cute-cute ng pisnge niya na parang siopao dahil mabilog ito at dahil medyo malaki rin ang mga mata nito at may bangs rin ito.

Hindi pa nagtagal ay dumating na si Ate Danica na may dalang pagkain, "Yung guard mo nandoon sa kusina at kinakausap ng mga kasambahay." Nakangisi itong sambit.

*****

Ginabi na kaming bumalik sa penthouse namin at dahil wala sina Mom at Dad doon sa bahay dahil may meeting daw sila sa Florida kahapon at ngayong araw kaya si Ate Danica at Kuya Jared ang nagbabantay kay Brittle.

"Salamat Kuya Carl." Pasasalamat ko at lumabas na ng sasakyan niya at agad na pumasok sa loob ng building bago pa may makita sa akin. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang floor namin at sasarado na sana ito ng may kamay na biglang humarang dahilan bumukas ulit ito.

Nagulat naman ako nang mapag-alaman kung sino ang humarang. Brayden.

"Hi." Bati ko sa kanya kahit naiilang ako dahil kaming dalawa lang sa loog elevator ngayon. "Hi." Sagot naman siya at pinindot ang floor kung saan siya pupunta.

Walang nagsasalita sa amin kaya mas lalo akong nailang. Ba't ang tagal naman nitong elevator? We're breathing in the same air, oh my gosh!

"Kamusta ka na?" Napalingon naman ako sa kanya ng magsalita siya. Ang lakas naman ng loob niya na tanungin ako.

"Mabuti naman." Tanging nasagot ko, marami akong gustong tanungin sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Anong ginagawa niya rito?

"Pupuntahan ko si Matthew, may sakit siya ngayon." At tinaas nito ang isang plastic at nakita ko naman ang logo ng plastic isa ito sa mga pharmacy rito.

Paano niya nalaman? Saka dito nakatira si Matthew?

"Ganon ba." Tanging lumabas sa bibig ko, at wala ni-isa sa amin ang nagsalita. Hanggang sa bumukas ang elevator bago ako tuluyang lumabas ay lumingon ako sa kanya,"Paki-sabi nalang kay Matthew na 'get well soon'." At lumabas na ako habang hindi lumilingon sa kanya.

At nang makapasok ako sa penthouse namin ay agad akong napahinga ng malalim. Oh my god.

_____________________

VOTE AND COMMENT

Married with a CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon