Chapter 46 - The Proof

1.6K 99 23
                                    

Maymay's POV


Pumasok na ako sa trabaho dahil baka tumambak na yung gagawin ko. Isang way din siguro ito na pansamantala kong makalimutan yung problema ko ngayon.


"Ms. May, meron pong naghahanap sa inyo." sabi sa akin nung katrabaho ko. "Kuya, siya po si Ms. Entrata." sabi niya dun sa lalakeng kasama niya.


"Hello po. Ano pong maipaglilingkod ko?"


"Delivery lang po." binigay niya sa akin ang isang red box at pumirma dun sa papel na nareceive ko yung package. Akala ko naman kung ano.


"Thank you po." saka umalis si Kuya.


Walang nakalagay kung kanino galing kaya binuksan ko na agad yung box. Dalawa lang yung laman nung box, isang CD at isang card. Tiningnan ko yung card at may nakasulat na...


DO YOU WANT TO KNOW THE TRUTH?


*Ring Ring* sinagot ko kaagad yung phone ko.


"Hello May. This is Tyler. Nagising na si Tanner and he's looking for you."


Nagmadali akong mag-ayos ng gamit. Dinala ko na lang din yung red box para sa bahay na lang tingnan yung CD. Nagpaalam agad ako sa boss ako at buti pumayag siya agad. Nagising na si Tanner. Thank you po.


Pagdating ko sa ospital nilipat na siya sa isang private room. Pagpasok ko lumapit agad sa akin si Louis.


"Tita May! Tito Tanner is awake."


"Yes baby. And I know you're really happy."


Lumapit na ako kay Tanner. Nakita kong tumingin siya sa akin at pinilit ngumiti. Namiss ko siya. Naiiyak ako.


"M-may." mahina pa siya kahit sa pagsasalita.


"Shhhhh." sabi ko. Hindi na niya kailangan magsalita baka mapagod lang siya. Pero nakita kong tumulo yung luha sa mga mata niya. I kissed him on his temple. Kinausap ako ni Tyler nang makatulog na si Tanner.


"Tanner, wants to give you this." binigay niya sa akin ang isang nakatuping papel.


"Ano ito?"


"I really don't understand what I wrote there but that's what Tanner want to say to you. Tanner don't want to say this to you but I really think you should know it. He can only move everything in his head and his whole body is now paralyze."


Para akong nawalan ng boses para makapagsalita. Tumulo nanaman ang luha sa aking mga mata. Ayoko siyang kaawaan dahil alam kong ayaw niya yun. He really needs me right now. Parang gusto kong isisi ulit sa sarili ko lahat ng nangyari. Bakit hindi niya sinabi sa akin noon yung problema niya para hindi na humantong dito? Napakawala kong kwentang girlfriend na hindi ko man lang naramdaman na may problema siya.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon