Chapter 42 - The Get Together

1.8K 115 17
                                    

Maymay's POV


Nasa sasakyan kami ngayon ni Tanner kasama ang pamangkin niya na si Louis. Ihahatid ako ni Tanner papunta sa venue nung get together. Magpapakita lang daw siya tapos magpapaalam din dahil nga marami pa siyang gagawin. Ihahatid din niya rin si Louis sa bahay ng kakambal niya na si Tyler.


"Tita May, Saan tayo punta?" tanong sa akin ni Louis habang nakaupo sa lap ko.


"Sa isang magandang lugar. Kasing ganda ni Tita May."


"So its not that beautiful." pasmado ang bibig ng batang ito. Kung hindi ka lang talaga cute ibinato na kita. Joke lang.


"Good Louis." sabi ni Tanner na nakikipagapir sa pamangkin niya.


"Sige ka. Asarin mo pa ako. Andun si Edward sa get together." sabi ko.


Biglang nawala yung ngiti sa mukha ni Tanner. "Its not a good joke May. Hindi siya nakakatuwa."  


"Sorry." sabi ko pero hindi na siya umimik hanggang sa makarating kami sa venue. Bumaba siya ng sasakyan at binuksan yung pinto dahil buhat buhat ko din si Louis na tulog na. Nag-aalala ako sa iniisip ni Tanner ngayon.


Kinukuha niya sa akin si Louis para siya na ang magbuhat pero ayaw umalis nung kamay nung bata sa akin kaya ako na ang nagbuhat. Pumasok na kami sa restaurant kung nasaan gaganapin yung get together. Hindi pa rin umiimik si Tanner.


"Ate May!" sigaw ni Viv habang tumatakbo papalapit sa akin.


"Shhhh. Magigising." sabi ko sa kanya habang tinuturo yung bata gamit ang aking lips.


Naghi din siya kay Tanner. Kumpleto ang lahat. Maliban kay Viv andito rin sina Fenech, Kristine, Kisses, Aizan, Marco, Yong, Christian at syempre ang bagong dating na si Edward.


"Sorry, but I have to go. I'm just going to say hi." sabi ni Tanner.


"Sayang naman, dapat sa susunod magiistay ka na." sabi sa kanya ni Kristine.


"Sure. Paki-ingatan na lang ang girlfriend ko."


"No problem. Kami na bahala kay Ate May."


Lumapit sa akin si Tanner pero hindi siya umiimik. Kinukuha na niya sa akin si Louis kaso biglang naalimpungatan yung bata.


"Mooooommmmmy" sigaw niya habang umiiyak at nakakapit sa akin. Akala siguro niya ako yung mama niya. Binuhat na siya ni Tanner ngayon.


"Shhhhhhh." sabi ko habang tinatapik siya at hinehele ni Tanner. Tumigil din naman siya agad.


"Bye. Just text me if you're going home so I can fetch you." he kissed me.


"Ok. Sorry." sabi ko. He just smiled at me then leave. Hindi ko tuloy alam kung mag-eenjoy ako ngayon.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon