Chapter 60 - The Last One

2.2K 81 5
                                    

Maymay's POV


"May. Wake up. Wake up."


Minulat ko ang mata ko at nakatambad sa mukha ko ang mukha ni Edward. Napabalikwas ako ng upo at nagkauntugan ang noo naming dalawa.


"Aray!" sabay hawak ko sa noo ko.


"Ok ka lang?" tanong niya.


 Nanaginip lang pala ako. Akala ko totoo na lahat ng nangyayari pero bakit parang totoo? Ready na ba ako pagtinanong niya ako? Ewan. Ewan. Hindi ko alam. Waaaaaah!


"Pakisampal nga ako." sabi ko out of the blue.


*Pak!* 


"Aray!" ang sakit sobra. Hindi na ito panaginip. Putik na Edward yan. Wala man lang tanong tanong kung bakit ako nagpapasampal.


"Sorry napalakas ata."


"Hindi. Hindi malakas. Ang hina nga eh." sabay tayo ko sa kama at lumabas ng kuwarto pero bumalik din ako agad.


"May kasalanan ka pa sa akin di ba?!" sumbat ko sa kanya.


"Ah... Ah... Yung nakita mo kanina? Wala yun. Kasabay lang namin maglakad nila Marco yun. Ipagluluto na lang kita ng dinner." sabay kiss niya sa pisngi ko at takbo palabas ng kuwarto. May tinatago talaga siya sa akin. Inayos ko muna yung kama at sumunod na sa kanya palabas ng kuwarto. Seryoso siyang nagluluto sa kusina at biglang sumagi nanaman sa isip ko yung tanong sa panaginip ko kanina.


"Ewan!" bigla kong sigaw.


"Sinong kausap mo?" tanong ni Edward.


"Wala. I'm just talking to myself." sagot ko kaya bumalik na siya sa pagluluto at ngumiti ng nakakaloko. Bakit ba kasi naaalala ko yung panaginip ko na yun?


Umupo muna ako sa sala dahil wala akong magawa. Itinaas ko na rin yung paa ko kaya parang nakahiga na rin ako sa sofa. Nagugutom na ako sa amoy nung niluluto ni Edward. Napansin kong nakapatong sa coffee table yung cellphone ni Twinnie. Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko o hindi pero dahil may feeling talaga akong may tinatago siya sa akin kaya kinuha ko kaagad. Nilalagay ko na yung password niya, success, nabuksan ko pero biglang kinuha ni Edward yung phone niya at nilagay sa bulsa niya.


"Kakain na, mahal ko." nadisappoint man ako dahil nakuha niya yung phone niya kinilig naman ako bigla sa sinabi niya pero kailangan kong maging matigas.


"Mahal, mahal ka diyan. Dun ka na sa babae mo." sabi ko sabay tayo at diretso sa kainan. Narinig ko siyang nagsmirk sabay buhat sa akin ng parang pangbagong kasal papunta sa kainan.


"Don't try to open my phone again or else..." sabi niya.


ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon