Chapter 26 - The Incident

1.8K 93 6
                                    

"Marydale, pwede ba tayong mag-usap?"

"Puwede ba Zach, lumayo ka na sa akin."

Naglalakad lang ako kanina papunta sa next class ko ng biglang dumating si Zach. He keeps on insisting that he needs to talk to me. Naglakad ako ng mabilis pero sinusundan pa rin niya ako. Lahat nanaman ng mga tao nakatingin sa akin at kay Zach.

"Sinusundan nanaman pala ni Zach si Maymay. Feeling maganda talaga siya oh."

"Di ba mayaman yan si Zach? Tapos mayaman din sila Edward ngayon. Grabe naman, may pagkagold digger din pala."

"Ano kayang pinaggagawa niya para maakit yang mga lalake na yan? Baka yung alam niyo na."

Naririnig ko nanaman ang mga masasakit na salitang binibitawan sa akin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakaya ang pagdedma sa problema pero nararamdaman kong unting unti na lang talaga ay susuko na ako.

Ayoko na siyang kausapin dahil wala na kaming dapat pag-usapan.

"Pero Marydale, I really need to talk to you."

"Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapan pa."

Pumasok na agad ako sa classroom para hindi siya makasunod. Buti na lang din talaga ay dumating na agad yung Prof. namin.

==========
Magkasama kami ni Edward ngayon. Lunch time na kasi at naisipan naming magsabay. Iniisip ko pa rin yung mga nangyayari kaya minsan ay napapatulala na lang ako ng hindi namamalayan.

"Twinnie? Ok ka lang?" tanong niya.

Nagising ako sa pagkakatulala.

"Ok lang ako." tugon ko. Inayos ko na rin yung upo ko dahil kakain na kami.

"Any problem?"

"Wala man uy. Ok nga lang ako."

Nginitian ko lang siya at sinagot din naman niya ito ng ngiti. Habang kumakain kami napapansin ko na tumititig siya sa akin ng matagal parang may iniisip at gustong sabihin.

"Ikaw? Ok ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Yes. I'm just bothered with your silence. Hindi ka naman kasi ganyan. Are you really ok?"

"Oo nga. Ok lang ako. Kain na lang muna tayo tapos punta tayo sa park."

Ito yung unang pagkakataon na kakain kami ng sobrang tahimik as in walang umiimik. Kumakain siya habang nakatingin sa akin. Inoobserbahan ang bawat galaw ko. Ganoon ba ako katransparent na nalalaman agad niya na may iniisip ako?

Natapos kaming kumain pero wala pa ring umiimik. Nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa park. Hinawakan niya yung kamay ko. Hindi pa rin kami naguusap hanggang sa makarating kami dito. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa nagulat na lang ako dahil bigla niya akong hinila at niyakap ng napakahigpit.

"Hindi ko alam kung anong iniisip mo, pero one thing is for sure, alam kong nasasaktan ka."

Ewan ko pero bigla na lang tumulo ang luha sa aking mga mata at humigpit na din ang yakap ko sa kanya. Kahit ano palang sabihin ko na kaya ko ito, kailangan ko pa rin pala siya. Kailangan ko pa rin si Edward.

"Just cry it out. I will not ask anymore. Iintayin ko na lang na ikaw ang magsabi sa akin kung ready ka na." sinasabi niya yan habang hinahagod niya ang likod ko. Iyak pa rin ako ng iyak.

"Ang sakit Edward. Akala ko kaya ko. Pero ansakit sakit na. Ansakit dito." tinuro ko yung puso ko. "Tinatawag akong malandi. Gold Digger. User. Lahat yan tinatanggap ko. Araw araw. Oras oras. Minuminuto. Tinatanggap ko lang lahat yan. Bakit? Kasi sabi mo alam natin kung ano yung totoo. Oo alam natin kung ano yung totoo pero ansakit pa rin." patuloy pa rin ako sa pag-iyak. "Alam mo yung pinakamasakit sa lahat. Yung.. Yung... Yung sabihin na ginamit ko lang yung katawan ko para makuha kita. Edward, sobrang sakit. Napakasakit."

Niyakap niya ako ng mahigpit. Sobrang higpit.

"Sorry. Sorry May. I didn't know you're hurting that much. Boyfriend mo ako pero wala akong nagawa. Hindi ko man lang naisip na ganyan na pala ang nangyayari sa'yo. At ganyan na kalaki ang sakit na nararamdaman mo. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko May. Sorry."

Naramdaman kong tumutulo rin ang luha niga. Hindi ko siya pwedeng sisihin dahil ako naman ang pumili na hindi sabihin sa kanya. Ako nag pumili na angkinin lang lahat ng problema. Ang kailangan ko lang ngayon ay siya. Ang presensya niya. Ang pagmamahal niya.

EDWARD'S POV

I hug her really tight. I want to be with her until she got okay. Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at tiningnan ang kanyang mukha. I can really see that she's hurting that much. I use my thumb to wipe her tears. I cupped her face.

"This time. I'll protect you and I will not let anyone hurt you."

Nakita kong ngumiti siya. Pero makikita mo pa rin ang lungkot sa kanyang mukha. I really want to protect her.

"Twinnie, may gusto pa akong sabihin."

"What?"

"Zach, wants to talk to me."

"Then, talk to him. Don't worry. I trust you. Maybe this will make him stop."

She hugs me again. I think its really right for her to talk to Zach. Para na rin siguro matuldokan na nila ang dapat tuldukan.

==========
MAYMAY'S POV

Naglalakad akong mag-isa papasok ngayon. Masakit pa rin ang ulo ko sa dami ng iniyak ko kahapon. Feeling ko din na namumugto pa rin yung mga mata ko.

Pinayagan ako ni Edward na kausapin si Zach. Hindi ko inexpect na papayag siya dahil na rin sa mga nangyari nung nakaraang araw. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng biglang may tumigil na van sa tabi ko. May dalawang lalakeng bumaba at lumapit sa akin.

"Tulong! Tulong!" sigaw ko ng hinawakan nila ang braso ko. Pumapalag ako para makatakas. May tinakip yung isang lalake sa mukha ko at nagsimula na akong mawalan ng malay at hindi na makapalag

TO BE CONTINUED...

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon