Chapter 5 - The Boys and The Uninvited

2.3K 110 17
                                    

MARCO'S POV


"Hey! Hey!" dinutdut ko yung mukha nitong katabi ko ngayon. Ansarap kasi ng tulog eh. Almost 15 minutes na rin ako nandito sa tapat ng building kung saan ko binaba sila May.


"Hey! Wake up na. Umalis na yung mga kasama mo." gumalaw siya. Sa wakas, minumulat na niya yung mata niya.


"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"


*PAK!*


"ARAY!" napahawak ako sa pisngi ko. Ang lakas ng pagkakasampal niya.


"Ay sorry! sorry!"


"Ok lang. Ansakit mo sumampal. Tanggal mukha."


"Grabe naman. Sorry na."


Hawak ko pa rin yung mukha ko and so you know, manhid yung left side ng mukha ko.


"Kanina ka pa tulog diyan. Hindi ako makaalis dahil ang sarap ng tulog mo."


Tiningnan niya yung orasan. "Hala, 20 minutes na akong late."


"Papasok ka pa? Samahan mo na lang siguro ako sa practice. By the way, I'm Marco Gallo, engineering student. The best basketball player in our university." inilahad ko yung kamay ko sa kanya.


"Wow, makapagbuhat ng bangko. Bakit hindi ikaw ang captain?"


"Dahil sobrang bait kong student."


"Ah sa kabaliktaran. Ok. Gets."


"Grabe sya oh."


"Kisses Delavin, fashion design. Ms. College of Arts and Science." inabot niya rin yung kamay niya pero inalis niya agad.


"Makapagbuhat din ng bangko. Nice!"


"It's a fact!"


"I know. Can we now go? I'll be late." matagal ko na siyang kilala kaya alam kong Ms. CAS siya. Nanood kaya ako nun.


"Paano pala sila Ate May? Baka nag-aalala na yung mga yun?"


"I already texted her." sa totoo lang hindi ko pa natetext. Wala akong load ngayon eh.


"Paano kung ayoko?"


"Edi makikita nila kung paano matulog ang beauty queen nila."

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon