Unfair

1.6K 27 4
                                    

Unfair by ForeverInspirit

"Ayan oh, yan yung babaeng nakipag-break kay Adrian"

"Yuck, akala mo naman kagandahan"

Padabog kong sinara ang pintuan ng locker ko na sya namang kinagulat ng mga walang hiyang chismosang nasa likod. So ano? Almusal ba nila ang chismis ha? Gusto ba nilang i-kamehameha ko sila papunta sa Pluto?! 

"Narinig yata tayo"

"Tara na nga, baka masapak pa tayo"

Kumaripas sila ng takbo at unti-unting bumalik ang pag-uusap ng mga nakapaligid. Paker, bakit ba kasi masyado silang nangingielam sa love life ng iba? Di naman sila involved eh! Ang kakapal pang gumawa ng chismis.

Habang naglalakad ako, lahat ng mata sa akin nakatingin. Lahat ng tenga binabantayan ang bawat salitang lalabas sa bibig ko. Lahat ng bibig, pangalan ko at pangalan nya ang sinasabi. Kung pwede lang mag-dala ng bazooka sa school ginawa ko na eh!

This is why I hate being in a high-profile relationship. Dahil kapag natapos na, daig pa ng mga tao si Boy Abunda at Kris Aquino sa pagbabalita ng what's in and what's out. Unfortunately, kasama ako sa topic na "what's out."

"Ayan na sya oh..."

"Sabi nila, sya daw ang nakipag-break. Ang kapal talaga" 

Pwede bang biglang may lumabas na bulkan sa harapan ko at lamunin na lang ako ng lava? I can't take this. Ganun ba ang tingin nila sa akin? Akala ba nila nakipag-break ako kasi gusto ko? To hell with people like them.

"Well, buti na lang iniwan na sya ni Adrian. Atleast hindi na palaging umiiyak ang Prince natin"

"Gusto ko na nga sya sabunutan eh!"

Nangingilid na yung mga luha ko nang may naramdaman akong kamay na umakbay sa akin. Medyo blurry pa ang vision ko but I know kung sino sya.

"Let me get you out of here" Bulong nya at inalalayan ako papunta sa school garden.

"Are you alright?" Inabutan nya ako ng panyo.

"Gago ka ba? Hindi mo ba naririnig ang chismis? Kakagaling ko lang sa break-up, tingin mo ba okay lang ako?"

"Woah, chill ka lang. Ang init ng ulo mo eh" 

"Eh kasi, Kuya, ang sakit eh. Puro sila salita. Wala naman silang alam na kahit ano"

"Ako rin naman walang alam. But I would never judge you, Esmee. Ano ba kasing nangyari?"

Sumisinga at humihikbi pa ako habang pinipilit na ikwento ang nangyari. Kung bakit kami nag-break, kung bakit humantong sa ganon. Parang may isang malaking sugat ang biglang bumukas sa puso ko. 

It's been a year since naikwento ko sa kahit kanino kung ano ba talaga ang nangyari. I hid the truth. Dahil hiniling ko na ganun ang mangyari.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon