Wan Fort

1.5K 27 1
                                    

Wan Fort by ForeverInspirit.

Pasukan na ulit. Uso nanaman ang hingian ng papel. Mayroong isang kaklaseng dakilang sponsor at may isa namang dakilang buraot. Lahat ng klase ng papel sayo hinihingi. Mapa-one whole, lengthwise, one half o one fourth man yan. Walang paawat.

Pag sinabi ng teacher, "Okay, bring out one piece of pad paper" Automatic na lilingon sa likod at parang baliw na manghihingi. Kapag hindi nabigyan, aba galit pa! Buti na lang may ibang mga techniques. Sa bahay pa lang nag-iipit na ng mga kapirasong papel sa mga libro para kunwari walang dala. Ayos noh?

"Okay class, number one---"

"Wait, ma'am! Wala pa akong paper!"

"Shet hala ano daw sabi?!"

"One fourth ba o one whole?!" 

Sunod-sunod ang reaction ng mga kaklase ko. May ilang natataranta kakahanap ng papel. Napunta pa sa kabilang dulo ng room may makuha lang. Yung iba recycled pa. Hay buhay nga naman. Unang linggo pa lang ng klase, nagwawala na agad sila. Ano pa kaya pag fourth quarter na?

Lumingon-lingon ang teacher sa buong classroom. Maririnig mo ang pagcliclick ng ballpen, hagikgikan sa likuran, may mga nagkukuntsabahan na agad. Kindatan here, kindatan there. May mga kodigo pa ang iba.

Pero ang pinagtataka ko pa, bakit kailangan manguntsaba samantalang English naman ang subject at pagagawan lang ng essay? Parang baliw! Hindi ko ma-take ang mga classmates ko. Nakalanghap ata ng katol nung summer break eh.

Nang makuntento si Ma'am, lumingon muna sya sa akin at nginitian ako. I just smiled back. Hindi naman ako palasalitang tao. Gusto ko lang na transparent. Few friends, less enemies. Balak kong mag-tapos ng high school na hindi masyadong napapansin.

Nag-eexcel ako sa class pero hindi naman yung tipong sasambahin na ako ng mga tao. Hindi din naman ako magaling sa sports na pwede na akong isali sa Olympics. Sa tingin ko nga, ang pinakamaayos na bagay na magagawa ko... ay ang mag-sulat.

I love writing. Pakiramdam ko kasi, napupunta ako sa ibang mundo na pwede akong maging ibang tao. I can be whoever I want. Dito ko nalalabas ang lahat ng bagay na hindi ko masabi sa iba. It's my secret world. A world where I can be who I truly am.

Nagsusulat ako sa isang site na tinatawag na Wattpad. Mayroon naman akong followers at nag-vovote sa mga pinagpopost kong kalandian at kaharutan na romance stories. Kadalasan sa kanila ay may hugot pero to be honest, never pa akong nagka-lovelife.

Crush siguro pwede pa. Pero ka-M.U. o boyfriend? Nah. Pag tinitingnan ko kasi si ate at ang boyfriend nya parang sakit lang sa ulo magka-lovelife. Gabi-gabi may murahang nagaganap sa telepono. Kung hindi naman, akalain mo may namatay sa kabilang kwarto. Kung makahagulgol parang timba-timbang luha ang nilalabas ni ate.

"Class, wag kayong magpanic. Hindi  naman algebra ang subject ko. Chill lang" Tumawa si Ma'am. "On your paper, gusto kong isulat nyo ang lahat ng gusto nyong sabihin. Kahit ano. Kahit para kanino. It can be a letter or anything you want"

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon