Because I Love You

2.7K 49 13
                                    

Because I Love You by ForeverInspirit.

Ibibigay ko ang lahat dahil mahal kita.

Isasakripisyo ko pati buhay ko dahil mahal kita.

Papakasalan kita dahil gusto kita makasama at dahil mahal kita.

Masaya ako kapag kasama ka dahil mahal kita. 

Ayokong mabuhay nang wala ka dahil mahal kita.

Hindi ko kayang magalit sayo dahil mahal kita.

Hindi kita sasaktan dahil mahal kita.

Hindi kita ipagpapalit sa iba dahil mahal kita.

Ang sarap pakinggan noh?

Lalo na pag ang taong mahal mo ay ang mismong nagsabi niyan. Wow. Ang sarap sarap siguro sa feeling yun noh! Yung sasabihin niyang gagawa siya ng iba't ibang bagay para sayo dahil mahal ka niya. Ako na yata ang pinakamasayang tao pag sinabi yan sa akin ng taong mahal ko.

Pero sa totoo lang...

Minsan na akong nasabihan ng mga katagang yan...

But in the end... nasaktan lang ako.

*** 

"Saya mo ah?" Bungad ng seatmate ko.

"Siyempre! Ang sweet sweet ng boyfriend ko grabe!"

"Tsk! Ikaw na may boyfriend!"

Ibinaba na niya ang kanyang bag at agad na umupo sa tabi ko.

Ako nga pala si Nicole Esguerra. 

Simpleng tao lang. Hindi mayaman pero hindi rin naman mahirap. Sakto lang ang talino ko. I'm not the campus queen or Miss Famous. I'm just an ordinary student. An ordinary student na nagpainlove sa campus king.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon