A Lesson To Learn.

2.7K 36 2
                                    

Mwehehe. Very short one shot.

***************************************************************************************

A Lesson To Learn by ForeverInspirit.

There are TWO things that all of us experienced or will experience or is experiencing. 

And that is TO LOVE someone and TO BE LOVED by others.

Let me ask you something.

If I'll ask you to choose between the person you love or the person who loves you, who will you choose?

Sinubukan kong itanong 'to sa iba at nakakuha ako ng iba't ibang sagot.

Ang sabi ng ilan, ang pipiliin nila ay ang taong mahal nila kasi ba't naman daw sila agad susuko lalo na kung hindi naman nila alam ang feelings ng taong mahal nila.

Ang sagot naman ng iba, ang taong nagmamahal sa kanila ang pipiliin nila. Kasi pag ganun, sigurado silang mahal sila at hindi sila paasahin. Tsaka matututo naman daw nilang mahalin ang taong yun.

At ang sagot ko?

Kung ako ang papapiliin, hindi muna ako mag-dedesisyon. Mas gusto ko kasi na siguro na ako sa mga nararamdaman ko. Gusto ko alam ko ang kahahantungan ng magiging desisyon ko at ayokong pag-sisihan yun. Mas gusto ko na mag-seseek ako ng advice galing sa mga magulang ko bago ako pumili kasi mas marami na silang alam kesa sa akin.

Naalala ko nanaman ang nangyari last year.

Freshman ako nun sa highschool.

Hindi ako pala-recite na tao kaya tuwing graded recitation lang ako natatawag.

Filipino time nun at isa isa kaming tinatawag para sumagot.

Di ko alam kung nananadya ba ang tadhana at ang nasaktong tanong sa akin eh tungkol sa love.

Eto ang tanong: "Kung nagmamahal ka ng isang tao at tutol ang mga magulang mo, itutuloy mo pa ba o hindi?"

Napaisip ako.

Ano kaya?

"Hindi ko na po itutuloy. Mas susundin ko po ang mga magulang ko dahil alam nila kung ano ang makakabuti sa akin. Tsaka pag tinuloy ko naman po at nakawawa lang ako sa huli, iiyak lang ako. Masasaktan lang ako. At dahil lang sa hindi ko pagsunod sa mga magulang ko"

Pumalakpak ang mga kaklase ko at naki-agree naman ang teacher ko.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sinagot ko. Bigla na lang lumabas sa bibig ko eh. Grabe, baka isipin nila na may pinaghuhugutan ako. Eh wala naman -___-

Anyway, isang paalala sa mga taong nagbabalik na suwayin ang mga magulang nila: Kung ako sa inyo wag niyo nang ituloy yan dahil sa huli kayo rin ang uuwing luhaan papunta sa mga parents niyo.

Back to story.

Actually, naexperience ko na ang TO LOVE and TO BE LOVED. 

Nauna ang TO LOVE. 

At nabigo ako.

Sumunod ang TO BE LOVED.

At nabigo nanaman ako.

Di ko alam kung may galit ba sa akin si Cupid o sadyang malas lang talaga ako pagdating sa pag-ibig. Mabait naman ako at di padalos-dalos sa pag-dedecide. Iniisip ko rin naman ang mga effects pero bakit ganun? Wala pa rin.

Bigo pa rin.

Dumating na nga sa point na gusto ko nang sumuko.

Pero napag-isip isip ko, bata pa lang naman ako at marami pa akong maeexperience.

And because of this, I learned a lesson.

A lesson about life.

A lesson that I'll never forget.

A lesson that will always be in my heart and in my head.

Na-realize ko na hindi pala porket nagmahal ka ay mamahalin ka rin. At hindi porket may nagmamahal sayo ay forever and ever na yun. Kagaya nga ng sabi ng iba, nothing lasts forever. Or every beginning has an end. Yun ang masaklap na katotohanan tungkol sa buhay. 

Pero we need to accept it because that's the truth. Hindi magandang nabubuhay sa kasinungalingan. We should open our eyes and heart to the truth. Yes, it may hurt but that's part of life. Hindi ka matututo pag hindi ka masasaktan. Pero may iba pa ring kahit nasaktan na, go pa rin ng go. Ano ba sila Globe? -.-

The End.

P.S Wala po talaga akong pinaghuhugutan sa pagsulat ng one shot na 'to. XD Based on real life situations lamang! :D

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon