Life: The Other Way Around

2.4K 36 20
                                    

---- NOT YET EDITED ----

Life: The Other Way Around by ForeverInspirit.

Year: 2007.

Place: Medical City.

Ay grabe. Ang tagal ng doctor. 3 hours na yata ako nag-hihintay. Poteeek, gutom na gutom na talaga ako. Sayang, asa 2nd floor pa ang kainan. Tapos tulog pa sila Daddy. Edi paano ako bibili? Waley pera! =____=

"Ms. Salvestre. Celine Salvestre"

Tinaas ko ang right hand ko sabay tapik naman kay Daddy na nasa right ko.

"Psst Daddy! Ako na ang susunod!"

Nagising naman siya at naunang pumasok sa clinic. Naka-sunod ako sa kanya.

Gustong-gusto ko na talagang magpa-check up. Halos dalawang linggo na akong sinispon ng bongga! Kulang na lang umabsent na ako for like forever. Badtrip kasi, di ako makahinga at makatulog! Kakalurkey! =___=

So as usual, check up check up. Tingin tingin. Tanong tanong at kung ano ang ginagawa sa ospital ganun rin ang ginawang pag-check up sa akin. Nung una, akala ko okay lang ang kahahantungan ng check up ko. Pero di pala. I found out na hindi lang pala basta basta sipon 'to. It was an allergic rhinitis. Na all year round.

Inadvise sa akin na atleast every month bumisita sa doctor kasi may nakita daw na polyp sa nose ko na pag-lumaki, ma-didistort ang aking nose. In short, surgery ang gagawin sa akin pag hindi siya lumiit.

Bonggang gamot ang binigay sa akin. Apat apat na tablet at capsule. Plus nose spray. Wow, ngayon lang ako nakagamit ng gamot na ganyan karami =___= Ang hirap ah. Sabay-sabay kong iinumin yan?

Okay, fast forward. 2010.

Dito ko nalaman na 0% ang chance na mawala ang sakit ko. I have to bear with it all my life. It lowered my resistance against diseases. It almost ruined my life. Naging pala-absent na ako sa class dahil dun.

But, sinikap kong maging strong despite my disease. Ni hindi nga halata na sakitin ako eh. Mukha daw kasi akong Amazona at sobra pang bitchy. Okay fine, mataray daw ako. Pero okay lang. Wala naman akong magagawa kung ganun ang tingin nila sa akin eh.

Ewan, ang galing ko umarte eh. Kahit pa naiiyak ako tuwing nagpapadoctor kasi may pinapasok na tube something para mahigop ang mga hinayupak na naka-bara sa ilong ko, nagagawa ko pa ring maging amazona sa bahay at sa school. 

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon