Paligoy-Ligoy

1.9K 36 8
                                    

Paligoy-Ligoy by ForeverInspirit.

“Busangot pa, bes” May tumamang isang pack ng Clover chips sa noo ko. “Ang aga aga, naghihiwalay na agad yang nguso mo sa ulo mo. Mukha kang bibe”

“Kay ganda ko namang bibe" Sabay hawi ng bangs. "Excuse me, nagpapa-cute ako. Wag ka nga"

"Wow, tingin mo cute ka na nyan? Kanino ka ba nagpapacute? Dun nanaman kay Daniel? Pinapaasa ka lang nun, girl" 

"Bes, hindi niya ako pinapaasa okay? As in H-I-N-D-I. I can feel it bes. Alam kong patay na patay sya sa akin"

Napaubo sya nang malakas sabay tawa. "Ay, te, kadiri. May debris pa ng Clover"

"Kasi naman, bes! Ang bulag bulag mo naman. Di pa ba halata? Nag-I love you na ba sya sayo? Nag-fifirst move na ba? Hindi diba? Tingnan mo, ikaw lang tong excited na excited pag pumapasok!" 

Peste naman. Minsan na nga lang mainlove tutal pa. Anong klaseng best friend to? Tsaka duh? Kahit naman hindi halatang deds na deds sa akin si Daniel myloves, for sure kinikilig yan pag ngingitian ko sya! Like hello? Dyosa kaya ako.

"Bes, yung totoo. Drill ka ba? Ang hilig mo mambutas ng pangarap eh"

"Eh pano, ikaw tong loka-loka. Tingin mo naman mapapansin ka ni Daniel?"

"Aba bakit hindi? Maganda naman ako ah"

Umiling-iling sya. "Hindi naman porke maganda ka eh ikaw na agad."

"Sexy naman ako"

"Hindi din"

"Sporty ako"

"Hindi"

"Edi---"

"AY JUSKO!!" Hinampas nya yung table. "Ang kulit. Sinabi nang hindi ka papansinin ni Daniel dahil--" Napatakip ako ng mukha at nginudngod ito sa desk nang may sumilip na ulo sa pintuan. Shet, nakakahiya!

"May tumawag ba sa akin?" Shet shet. Please. Ang lakas naman kasi ng boses ng bruhildang to eh.

Sumilip ako pero hindi halata. Tungnu, pinapaikot-ikot na nya yung tingin sa room. Ito namang babaeng nasa harapan ko, parang nag-yelo at di na makaupo! Huhu, wag kang tumingin dito, Daniel. Nakakahiya.

"Ikaw ba yun Riri?" Okay, mukha naman kasing tanga tong best friend ko! Nakanganga pa!

"Ha? Eh... ano wala lang hehe" Hinahatak-hatak ko na yung palda ni Riri para hindi ako makita.

"Ohhh--Ay, andyan ka pala, B" Mas humigpit ang pagkakahatak ko kay Riri. Nag-unat ako para kunyari bagong gising.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon