Fell Out Of Love.

3.7K 61 12
                                    

Ang one shot na 'to ay based sa isang totoong love story.

Hey Danica and Aiah! Alam niyo 'to! XD

***************************************************************************************

Fell Out Of Love by ForeverInspirit.

Minsan na akong nagmahal.

Minsan na rin akong nasaktan.

Pero di ko pinagsisihan yun dahil natuto ako.

Natuto ako na hindi porket may gusto ako ay magugustuhan niya rin ako.

Kaso, habang pinagdaraanan ko ang isang mapait na hakbang sa buhay ko, hindi ko talaga maiwasang maiyak at masaktan. Eh pano, MASAKIT naman talaga. As in yung tipong akala mo mahuhugot na ang puso mo sa sobrang sakit.

But then I realized, ganito pala talaga ang buhay. May ups and may downs. 

At ang kwentong 'to ay isang DOWN sa lovelife ko.

Isa rin 'to sa mga di ko makakalimutang bagay dahil siya lang ang naging 'crush' (or crush nga ba talaga? XD) ng sobrang tagal.

4 years I think?

Oh ano tagal diba? Ganun talaga. Long-lasting talaga pag ako na ang nagka-gusto sa isang tao. Pero yun nga lang, ang isang disadvantage nito ay mas matagal akong nasaktan.

"Uy Uy! Lalabas ba si ano?" Tanong ni Dara habang lumilingon sa paligid.

"Oo! Lalabas yata si ano! Sabi niya kanina eh!" Masayang sagot ni Abby.

"WAAH! SANA LUMABAS!! >___<" Saad ni Cassandra habang nagpipigil ng kilig.

Tapos ang isa ko pang kasama eh parang wala lang kasi hindi naman niya crush si ano.

Ganito lagi kaming magbabarkada. Laging hinahanap ang isang tao. At yun ay si Stephen. Hindi man siya kagwapuhan pero ma-appeal plus sobrang bait at sweet pa. Kaya di na ako magtataka kung maraming nagkakagusto sa kanya.

Nandito kami ngayon sa may basketball court at todo-abang naman kay Stephen. May laban kasi sila ng basketball. Kumbaga, kami ang cheering squad niya. Minus the props nga lang.

One Shots CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon