Unlucky Girl

35 6 0
                                    

8 YEARS AGO...

"Pwede bang 'wag ka na lang umalis?" malungkot na tono na sambit ni Vivian sa matalik na kaibigang si Greyson.

"Tuluyan na ngang magkakahiwa-hiwalay tayo." Greyson

"Una si Levi ang umalis, sunod si Eren tapos ngayon ikaw naman." Vivian

"Sorry Vivi di ko na matutupad yung pangako natin" sambit ni Greyson at tumakbo papalayo.

"Greyyyyyyy!!!!!" sigaw ni Vivian ngunit di na lumingon pa ang batang lalaki.

PRESENT TIME...

Vivian's POV

Simula nang umalis si Levi, Serenity at Greyson nawalan na kami ng komunikasyon sa isa't-isa, unti-unti na ding nabubura sa alaala ko kung anong hitsura nila. Di na nga nabuo ang pangarap namin na magkakasama pagdating ng highschool. Makikita ko pa kaya sila ulit?

Maaalala pa ba nila yung pinag-samahan namin?

Kamusta na kaya sila?

Si Greyson?

Si Levi?

Si Serenity?

Makikita ko pa ba sila?

"HOY! VIVIAN GUMISING KA NA AT MALE-LATE KA SA UNANG ARAW NG PASUKAN!" nagising ako sa hampas ng unan ni Mama.

Nag-unat. Humikab. Tumingin sa orasan.

"WHAAAAAAAAAAAAAA! MAMAAAAAAAA! BAKIT DI MO KO GINISING! EHEEEEEE" pagmamaktol ko.

"ABA BIYANG WAG MO KO MAKTOL-MAKTULAN DYAN DAHIL KANINA KA PA GINIGISING. KUMILOS KA NA" si Mama.

Agad na kong nagmadali.

Ligo. Bihis. Kain. Alis.

"Alis na ko ma!" tumakbo na nga ko.

Wrong idea talaga magpuyat hays!!!!

Pasara na ang gate ng makaabot ako. Hingal na hingal at pagod na pagod kong narating ang Top Line.

Wooooow! Isang napakagandang eskwelahan.

Agad akong pumunta sa bulletin board kung nasaan nakalagay ang pangalan at section ng mga estudyante. Dumugan ito at di ako makasingit.

Ang damiiii nilaaaaa!

"Excuse me!" pinipilit kong makasingit.

At sa sobrang singitan ay naapakan ang paa ko sa sobrang gulo at napasandal sa isang lalaki.

"Okay ka lang?" lalaki.

"A-ah m-medyo" paika-ika kong sagot dahil sa sakit.

"Tulungan na kita" lalaki.

Nakayuko lang ako ng mga oras na 'yon dahil inaalala ko ang sakit ng aking paa. Laking gulat ko na isang prinsipe ang kausap ko ng tumingala ako sakanya.

"Ah uhmmm." ako

"B-bakit? May problema ba?" habang akay nya ang kamay ko.

Papunta kami ng clinic matapos nyang tanungin ang isang estudyante kung saan ito makikita. Pagdating sa clinic ay walang nurse at kami lang dalawa.

"Walang tao." yung lalaki at iniupo nya ko sa isa sa mga kama.

"Ah ano. Uhmmm" ako

"Oh? May problema ba?" umupo ito at tinanggal ang sapatos at medyas ko. "Namamaga." saad nya.

ANO BA NAMAN TO! UNANG ARAW PA NG KLASE.

"Salamat" matipid kong sabi

"Haha. Maliit na bagay." ngumiti sya at tumayo.

ROLLERCOASTER HEARTBEAT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon