Turn of Events: Part 1

25 6 1
                                    

Gulat na gulat ang reaksyon ni Greyson ng makita nya ang matalik na kaibigang si Levi. May kasama itong isa pang lalaki.

Sa kabilang banda ay pabalik na si Serenity sa kung saan nakapwesto si Greyson. May dala-dalang itong bote ng tubig ng mapansing may papalapit kay Greyson na dalawang lalaki na hindi katulad ng suot nitong uniform.

Pamilyar ito sa kanya.

Ilang segundong pagtataka ng makita nitong ngumiti ang lalaki at naalala ang matalik nitong kaibigang si Levi. Hindi nya alam ang gagawin kaya naman tumakbo ito. Tumakbo papalayo sa kung saan man ito pupunta.

Serenity's POV

Bakit! Bakit ako tumatakbo!? Nandun si Levi.

Bakit ko kailangan umiwas? Nandyan na sya.

Malapit na sya.

Tumatakbo ako ng hindi ko alam kung saan ako tutungo kaya naman ng makakita ako ng hagdan ay tumakbo ako papaakyat habang umiiyak. Nakakita ako ng bakanteng classroom at doon umupo at umiyak.

Patuloy ako sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sundin sa mga pumapasok sa isip ko.

Umamin naman na ko sa kanya but he rejected me a long time ago.

I already throw my feelings to him.

P-pero bakit ako umiiyak.

Dahil ba 'to sa sakit ng alaala o tuwa na dahil nakita ko na sya uli?

Greyson's POV

"I-ikaw ba talaga 'yan?" nagtataka ko pa ding tanong kahit alam kong sya nga iyon.

Bakit sya nandito?

Nawalan na ko ng balita sa kanya.

Bakit bigla syang dumating?

Dumating sa hindi ko inaasahang pagkakataon.

At nasaan ba si Serenity at 'di na 'yon bumalik?

"Ako pa din ito. Levi. Levi Ignacio." sya at nakangiti. "By the way this is my friend" pagtukoy nya sa kasama nya.

"Yo!" yung lalaki at nagsenyas ng kamay sakin at tinanguan ko na lang.

Bakit parang ang awkward ng position ko ngayon. Hindi ko alam ang dapat kong ireact sa kanya. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

"Tinupad mo parin pala ang pangako natin." tinutukoy nya ang pangako namin sa isa't-isang apat na dito sa Top Line.

"A-ah. Haha. Oo." ako na napaka-awkward ng sagot.

Sa totoo lang ayaw ko dito.

"Where's Serenity? Viv-" napatigil ito sa katanungan nya dahil biglang nagring ang phone ng kasama nya.

"Y-yes? You are there now?" yung kasama nya na may kausap sa phone. Lumapit ito kay Levi at may binulong.

"I'm sorry Greyson. We have to go. May imi-meet pa kami." si Levi at ang tanging nagawa ko lang ay tumango.

Paalis na ito ng biglang bumalik para ibigay ang isang maliit na papel.

"See you next time. Grey." sya na tila may pinupunto.

Tuluyan na nga itong umalis kasama ang kaibigan nya kasabay nun ay natapos din ang mga nasa loob ng Gymnasium.

Nasaan na si Serenity?

Tinawagan ko ito at nalaman kong umuwi na pala. Tinanong ko sya kung bakit at sinabi nya lang na sumama ang pakiramdam nya at binaba na din ang tawag.

Hindi ko na nagawa pang iopen ang tungkol sa nangyari na nagkaharap na kami ni Levi.

Baka sa susunod na lang.

Dumeretso na ko pabalik ng classroom matapos nun.

Nagpakilala. Bumoto ng officer. Nagbigay ng assignment.

Natapos ang unang araw na malayo ang iniisip ko kaya naman pagkauwi ay agad akong kumain at umakyat na sa kwarto.

NEXT DAY...

Pagdating ko ng classroom ay napansin ko ang kakaibang ambience dito. Tila may mga attitude ang karamihan. Nagulat din ako at nandun na si Serenity na masama ang pakiramdam. Malayo ang upuan nya sakin kaya di na ko nagtangka pang lapitan sya at kausapin. Pag-upo ko ay pumunta sa harap ang presidente ng klase at nagsalita.

"KAILANGAN NG MAGVOVOLUNTEER SA KLASE PARA SA PROJECT NA GAGAWIN NG SCHOOL FOR TEAM BUILDING ACTIVITY NG MGA OFFICERS IN SATURDAY." President.

Wala akong balak dyan.

"Yes?? Mr.?" President.

Nagulat ako ng bahagya ng akalaing ako ang tinutukoy nya kaya naman ng lingunin ko ang katabi ko ay ito pala ang tinutukoy ng presidente. Di ko sya kilala. At di ko natandaang narinig ko ang pangalan nya.

"Almiro, Roszchei Noah." sagot nito na nakapagkuha ng atensyon ng iba pati na din ako.

A-Almiro. Pamilyar ang apelyido.

Almiro...



Almiro...



Di kaya Almiro Company!? A-anak ba sya ng may-ari nito. May pagkagulat sa loob-loob ko. Bakit sya nandito sa Top Line.

Ang iba pa na nasa loob ng classroom ay pinagbubulungan sya. Nakakapagtaka na kilala din sya ng iba.

Hmmmm. May kakaiba dito.

Naputol ang bulungan ng iba ng tawagin sya sa harap ng president at kausapin.

"Hep! Okay Mr. Almiro come here in the front." President.

Pabalik na sya sa kanyang inuupuan kaya naman pagka nito ay kinausap ko sya.

"Almiro ka pala." ako.

May pagtataka sa kanya at di muna sya sumagot ng ilang segundo.

"Almiro ka din ba?" tanong nya na di ko naiwasang matawa.

"Hahaha hindi." ako na hinampas sya sa likod. "Ako nga pala si Greyson. Greyson Castro." pagpapakilala ko.

"Narinig ko nga kahapon..." matipid nyang sambit sakin.

Halata sa mukha nya ang pagtataka kaya naman tinanong ko ito.

"Bakit may pagtataka?" ako.

"Nakakapagtaka ang mga ikinikilos nyong lahat. Kahapon halos iba ang atmosphere ng klase." sya.

"Kahapon di talaga ko nakikinig dahil may bumabagabag sakin. Ngayon ko lang din narinig ang pangalan mo" ako.

Oo. May bumabagabag talaga sakin dahil nakita ko lang naman sa di inaasahang oras, araw at pagkakataon ang matalik kong kaibigan.

Dati.

Dati kong kaibigan.

"Kilala ko ang mga Almiro." saad ko.

May pagtataka pa din sakanya.

"Nakasama na ko sa event na ginawa ng Almiro Company dahil nasa business world din ang mga magulang ko at matuturing mo na ang sarili mong dugong bughaw pag naimbitahan ka na dumalo sa mga imbitasyon mula sa mga Almiro." dugtong ko.

Oo. Dahil napakayaman ng nagpapatakbo ng Almiro Company. Nakakapagtaka na ang tulad nya ay dito sa Top Line nag-aaral at hindi sa states.

"Wala naman akong balak pumasok sa mundo ng business. Tahimik at simple lang ang gusto ko." sya na mas lalong nakapagtaka sakin.

Napakabait mo pala. Almiro ka na eh. Di mo dapat sinasayang ang pagkakataon.

"Ganun? Eh pano yan sa pagkakaalam ko only child lang ang may-ari ng Almiro at ang anak nito ang magte-take over ng kumpanya." ako na nanghihinayang sa kanya.

"Oo ganun nga at hindi ko ito tatanggapin." sya na deretso agad ang sagot.

"Wag ka muna magsalita ng tapos. Magbabago din yan." dugtong ko kaagad.

Magbabago din yang tingin mo. 











to be continued...

ROLLERCOASTER HEARTBEAT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon