Levi's POV
8 YEARS AGO...
"Diba gusto mo maging isang theater actor Levi?" si Mom "I already contacted my close friend from America and told her about you to become their trainee." dugtong nya.
Tumango na lang ako nun.
"Sooner or later baka ipadala na kita sa Japan at manirahan kasama ang tita mo" si Mom.
Ipapadala?
Sa America?
Naalala ko pa nung mas bata pa ko matapos makapanood ng stage play sa inattendan namin ni Mom.
Ang ganda ng play na iyon.
Mga makatotohanan nilang pagganap.
Mga dialogue nilang ramdam at tagos sa puso.
Mga ngiti nila pagkatapos ng palabas.
Ang pulang kurtina na.
Ang kakaibang entablado bawat eksena.
Pangarap ko din naman ito.
At hindi ko dapat sayangin ang pagkakataon.
...
Nagbukas ako ng phone at tiningnan ang mga pictures sa gallery na kasama ko sila Greyson, Vivian at Serenity.
Nakatuon lang talaga ako sa iisang tao kahit apat kaming nasa picture.
Di ko akalaing mahuhulog ang loob ka sa kanya.
Di ko inaasahan.
Kahit ganun sya.
Nahulog pa din ang loob ko sa kanya.
Nahihiya parin ako minsan sa kanya kahit matagal na kaming magkakaibigan.
...
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari nung nakaraang araw.
Di ko magawang magpakita sa kanila.
Nahihiya ako.
Nahihiya na ko.
Di ko inaasahang magkaka-kiss kami sa labi ni Vivian.
Kasalanan 'to ni Grey. Halos mamula ako sa hiya at di makapagsalita ng araw na iyon.
Ilang minuto din nun ay hindi din ako nakatiis at nagtext ako kay Vivian na magkita kami kung kailan sya pwede at may gusto akong ipaalam sa kanya.
Sa kanya.
Dahil importante ito.
Naghintay ako sa reply nito.
Oras ang lumipas kakahintay ko dito.
Hilata sa kama. Upo sa upuan. Magmuni sa bintana. Tingala sa kisame.
Tumunog ang phone ko na nasa kama at agad ko itong sinilip para malaman ang sagot nito.
Pero.
Text ni Greyson ang dumating.
[From Greyson: Dederetsuhin na kita. Gusto kong ipalam sayo na hindi dahil sa nagkakiss kayo ni Vivian ay may pag-asa ka na sa kanya. Gusto ko si Vivian. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Nating apat kaya sana naiintindihan mo ko.]
Ang text nyang iyon ay di ko magawang replyan.
Sigurado akong masama ang loob sakin ni Grey dahil sa nangyari samin nung nakaraang araw ni Vivian. Eh siya din naman at si S-Serenity ang may dahilan ng iyon.
BINABASA MO ANG
ROLLERCOASTER HEARTBEAT!
Genç KurguFRIENDSHIPS CONFLICT COMPLICATED STATUS WISHES TANGLED RELATIONSHIP LOVE WAR ROLLERCOASTER HEARTBEAT!